I quickly wake up as my alarm clock ring in my entire room. I yawn softly and gently rubs my eye. It's 5 AM in the morning and I know it's early for me to wake up but I have an assignment to do because obviously I didn't get to finish last night."Nasaan yung bag ko?" Ayan na naman, nakalimutan ko kung saan ko nilagay kahapon. Gabi na ako nang makarating sa bahay at pagod galing sa part time job ko. I search my backpack and thankfully I found it. I grab my notebook and finish my assignment. Matapos kong tapusin ang aking takdang aralin ay naligo na ako. Agad akong lumabas sa kwarto at hinanap ang aking payong para makalabas na ako sa bahay at papasok na sa trabaho.
Nasa kalagitnaan ako ng ulan at nagmamadaling pumunta sa bahay ng pinsan ko. Pumasok ako mula sa kusina ng bahay nila Tita Mira at nagsimulang mag-saing para sa kanilang agahan.
Tiningnan ko ang aking relo para tingnan kung anong oras na. I only have thirty minutes to prepare for school. "Tita, mauna na po ako sa school." Sabi ko kay Tita Mira na nagkakape sa labas ng bahay. Tumingin siya sa aking gawi at ngumiti. It's her way for saying yes, she's my mother's sister and what I like about her is that she's very kind.
Simula nuong namatay na ang aking mga magulang ay siya na ang nagsilbing nanay ko. "Iva, baka sa susunod na araw pa ako makabigay ng sahud mo. Pasensya kana, ija."
"It's okay tita. I have to go." Sagot ko naman, nagmamadali kase ako para maglakad papunta sa school ko. Segurado ako na sa mga oras na ito ay natutulog pa ang pinsan ko na si Ayanah. Peru ako, kailangan kong magmadaling maglakad papumtang school. Oo, hindi ako sasakay ng sasakyan. Nagtitipid ako para sa sarili ko, since I'm the only one left. I have to save for me to live my life.
I have to live with my own. Kailangan kong magsipag para matupad ang mga pangarap para sa akin ng mga magulang ko.
Mabuti na lang ay kunting lakad ko lang at makarating na ako sa gate ng school. Hiningal ako ng makarating sa harap ng gate. Kinuha ko ang earphone ko sa bag ko at sinuot ko ito sa tinga para makinig ng music.
"Good morning po, manong guard." Bati ko sa guard na nagkakape at nagbabasa ng deyaryo sa gilid ng gate. "Good morning din sayo, Iva." Tinanguan niya ako at nagpatuloy na sa pagbasa. Tinutok ko ang mga mata ko sa aking dinadaan ng may nabangga ako.
"Sorry ija."
Inangat ko ang aking mata at napagtanto ko na isang matandang lalaki ang aking nakabangga. "Sorry din po." Sagot ko naman sa matanda. May suot siyang di karaniwang sumbrero na may balahibo. Ngayon ko lang nakita ang matandang 'to dito. Baka may hinatid lang itong apo niya. Hindi naman ata ganun ka bata pa ang mga studyante dito bakit may hahatid pa.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad ng may naramdaman akong nakatingin sa gawi ko. Lumingun ako sa likod kung saan ko iniwan ang matanda. Malaking gulat ko ng mawala ang matandang lalaki. Sa isang matandang lalaki, ang bilis naman ata niyang maglakad ng mawala lang ng parang bula.
Dahil sa bilis nga pangyayari hindi ko na lang pinansin at baka dahilan lang ito ng aking pagkapagud sa lakad. Nagpatuloy akong maglakad at pumunta sa aking silid aralan. Umupo muna ako at pumikit para maka-idlip dahil ako pa naman ang nandito.
Pagkagising ko ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko na para bang hinahabul. At para bang namumutla ako sa takot at kaba. Hindi ko na lang pinansin at baka pagod lang ito.
Lumipas ang tanghalian ay pumunta ako sa plaza para duon ko na lang kakain ang dalang baon. Gusto ko sanang duon na lang sa canteen kakain peru huwag nalang at baka mahumaling pa akong bumili duon. Nag-iipon pa naman ako.
Nagmamadali akong lumabas ng school para pumunta sa aking trabaho sa isang convenient store malapit sa bahay ko. Alas singko ng hapon ako pumapasok at alas dyes ng gabi naman ako uuwi. Mabuti na lang at ilang lakad lang magmula sa bahay ko. Agad kong sinuot ang ang aking uniform at pumwesto na sa cashier counter. "Welcome po" Bati ko sa mga high school student na pumasok.
"Ate Iva!" Bati naman sa akin ni Ayanah. Tatambay na naman tong babaeng 'to. Mas matanda ako ng isang taon ni Ayanah at nasa high school pa lang siya. Samantalang ako ay na sa senior high school na. Ngunit ibang school ang pinapasukan niya kay sa sa akin. "Ayanah, ang aga mo ata. Nag cut ka ano?"
"Ate naman eh. Hindi na nga ako nag-cu-cutting klases." Sagot niya na ikinatawa ko naman.
"Seguraduhin mo lang, susumbong talaga kita kay tita." Sabi ko sabay kuha ng binigay niyang notebook. Nakasanayan niya na kase na tuwing daan siya sa trabaho ko may ipapagawa siyang takdang aralin.
Okay lang naman kase paraan na rin ng pagsasalamat dahil sa tulong na ginawa ng pamilya niya sakin. "Yung sa Chemistry ate, di ko ma-intindihan" sabay turo duon sa notebook at agad ko namang pina-intindi sa kanya.
Natapos ko siyang turuan sa Chemistry subject niya ay tumambay mo na siya sa balkonahi at hinayaan ko lang. Abala ako sa mga customer na dumadating para bumili. Kalaunan ay umuwi na rin si Ayanah dahil maggagabi na.
Makalipas ang ilang oras ay alas dyes na at oras na para ako ay maglakad pa uwi. "Kuya, ikaw na bahala dito. Mauna na ako sayo" Tugon ko kay Kuya Gino na anak ng may-ari ng pinagtrabahuan ko. Tumango naman siya galing sa kinakatayuan niya. Agad akong lumabas at lumakad papunta sa bahay.
Pagod akong nakarating sa bahay at napahiga ako sa kama ko. I slowly close my eyes and yawn. Kahit kumalam ang aking tiyan dahil hindi pa ako nakakain ng haponan ay di ko na kayang ipagluto pa ang sarili ko. Pwede na guro itong itulog ko na lang para naman makatipid sa gastusin.
Umaga na naman at abala na naman ako sa kusina nina tita Mira. Mabuti na lang at sumabay na ako sa kanila sa pagkain para naman makatipid.
I'm on my way to school with a headache. I drink my water as I arrive in my classroom. Sana walang papasok na prof. ngayon, gusto ko munang umidlip kahit ka-unti lang. Nakatulala lang ako sa kina-uupan ko at sinuot ang aking earphone para makinig ng music. Iwan ko ba, ang sarap matulong kapag first subject.
I can't stop myself from closing my eyes. I tried to fight the urge to sleep but I'm too tired to do it.
***
"Aaaahhhhhhhh!" Sigaw ng babae ang aking narinig.
Dahil sa gulat ko galing sa mahimbing kong tulog, nabasag ko ang baso na nasa tabi ko. "Bakit naman kase may baso sa gilid ko." Tiningnan ko lang ang baso na nahulog sa sahig. Nagulat ako dahil sa nakita ko, kumunot ang nuo ko dahil sa kulay dilaw na ilaw galing sa bintana.Nilibut ko ang paningin para pag-aralan kung nasaan man ako dahil alam ko na kanina lang ay naka-idlip ako.
"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa paligid. Hindi pa naman ako praning para mapunta dito sa isang basement. Kanina lang ay naalala ko na nakatulog ako sa aking silya sa silid aralan.
Nilibut ko ang aking paningin para tanawin ang aking paligid. May nakita akong mga nakapatung na libro sa harap ko. Mga lumang librong halatang di na ginagamit. Baka ay napunta ako sa basement ng school at napagtripang e-lock ng mga studyante dito.
Wala naman segurong baliw na gagawin sakin yun. Napansin ko na may isang libro sa tuktok ng mga librong nagpatung-patung ang nakabukas ang pahina.
Tatayo na sana ako sa kina-upuan ko ng naapakan ko ang basag na baso na kanina ko pa hinayaan lang sa sahig. "Aray, nasaan ba kase ako?" Tiningnan ko ang aking paa na alam kong may sugat ito dahil sa hapdi na aking nararamdaman at nagulat dahil nakapaa lang ako. "What?" Sabi ko sabay hawak sa damit ko na naka-uniporme pa naman. Peru bakit ako nakapaa lang?
"Aray!" Reklamo ko dahil sa hapdi na aking nararamdaman. Inabut ko ang basag na baso na may dugo galing sa aking paa. Unti-unting suminag ang dilaw na ilaw na dahilan para pumikit ako.
***
"Iva, anong nangyare sayo?" Sabi sa akin ng kaklase kong katabi. "Ha? Wala" Sagot ko habang sinapu ang aking ulo. Pinagpawisan ata ako sa panaginip ko. Ilang oras ba ako nakatulog?
"Sure ka beh? Umayos ka dyan. The discussion we'll start in a minute." Tumango na lang ako habang inayus ang aking sarili. Akala ko ba matagal ako nakatulog at parang ramdam ko ata ang panaginip ko. Peru wala naman akong sugat sa paa o sa kamay. Malamang, panaginip lamang iyun at hindi totoo.
BINABASA MO ANG
He's the Dream
FantasiGuenniva is a particular girl who has big goals for herself. Every night, in every dream she had, she lived the life she desired. But she had no idea how long she would be able to enjoy her life in it. There is a man she frequently sees with a vivi...