chapter 1

148 4 0
                                    

waaaahhh.. hayskul na ako.. !! totoo ba talaga to ??

hindi hindi, panaginip lang to xD

ay epal si brain.. joke ba yun ?? tatawa na ba ako ?? ha-ha-ha.

wow ang ganda ng joke ko nuhh, tumawa ka ehh, joker na pala ako :P

tsk.tsk. haaayy, kinakausap ko nanaman si brain.. nababaliw na yata ako.. hmmmppp.... first day of the school year na !! excited na ako pumasok para makita ko mga friends ko nung elementary at para makakilala na din ng mga new friends..

BTW... hindi pa pala ako nkakapagpakilala... ako nga pala si Natasha Honey Anne Chua, ang haba ng name ko nuhh but you can call me Honey, un kasi nickname ko kasi un ang tawag sakin ng parents ko nung baby pa ako, ako ang panganay samin at may tatlo pah akong mga kapatid, ako lang ang only girl samin magkakapatid kasi puro boys mga kapatid ko.. ako ay 12 years old at pumapasok aq sa skul xD .. ang skul ko po ay East Academy sa Mindoro.. yup, ako po ay taga probinsya and i'm proud of being Mindoreño.. masyado ng mahaba pagpapakilala ko kaya ito na ang first day ko East Academy a.k.a. EA...

oookaaayyy.. inhale exhale inhale exhale muna bago tuluyang pumasok sa loob ng campus.. maraming studyante ang palakad lakad siguro hinahanap ang kanilang klasrum..

malamang kasi nga first day diba..

tss.. marami din ang mga nag iingay, nagkwekwentuhan at nagkukulitan, siguro mga magkakaibigan na sila.. at heto ako ngayon

..nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang, nakikinig kahit nasasaktan..

ayyy ganon.. kanta lang ang peg ni brain ?? ang corny, ang corny corny corny.. tss.. so eto na nga ako at hinahanap ang mga friends ko.. hindi naman sobrang laki ng EA kaya nahanap ko naman agad sila.. magkakasama na kami ngayon at saktong tumunog ung bell, meaning flag ceremony na.. nang matapos na ang flag ceremony, pumunta na kami sa quadrangle para makinig sa sasabihin ng principal..

"Wala pa ang official class list nyo kaya ang mga lalaki ay sa room 201 at 202 lang, at ang mga babae naman ay sa room 203, 204 at 205. Kayo muna ang pumili kung sa'ng room kayo pupunta. Maybe before the week ends, sasabihin ko na ang official class list. That's all. You may go now to your rooms." - sabi ng principal namin kaya naman pumunta na nga kami ng mga friends ko s room 203.. dito kami pumunta kasi wala lang, trip lang.. haha..

haaayyysss.. grabe ang ingay naman dito sa room.. nkakabasag ng eardrums.. tapos ang kukulit pa ng mga kaibigan ko.. walang sawa sa pagkukulitan at pagchi-chismisan.. hahaha..

"Sana magkakaklase pa rin tayo pag sinabi na ung official class list nuhh.." - sabi q sa mga kaibigan kong parang hindi naman nakikinig sakin..

"waaaahhh.. !! ang gwapo nya ohh.. !! "- sabi ni Carla sabay turo dun sa gwapo daw na nasa labas sa tapat ng room namin.. Si Carla May Cuevas, bestfriend q na mahilig magpa-cute sa mga gwapo..

"ou nga nuhh.. hahaha.. tara Carla punta tayo dun tapos magpa-cute ka tulad ng lagi mong ginagawa.. xD" - sabi naman ni Jane habang tumatawa dahil alam nyang magpapa-cute talaga si Carla dun sa guy.. Si Jane Lynne Cruz, bestfriend ko din na makulit..

haaayyy.. sabi ko na nga ba hindi sila nakikinig sakin.. basta  may gwapo o kaya cute guy silang nakita, wala na silang pakialam sa kumakausap sakanila.. nilibot ko nalang paningin q para tingnan ang room.. habang tumitingin tingin ako, may napansin ako s may bintana.. isang lalaki na nakatingin sakin.. ?? anu naman problema nun.. ?? tapos kumaway pah at ngumiti.. !! feeling nya siguro gwapo sya.. like duhh.. gosh, what's his problem.. umalis nalang sya pagtapos ko syang irapan.. nakakainis, epal sya, feeling close ganun.. ?? haaayyysss..

<fast forward - uwian na>

mejo boring maghapon ko kasi wala naman ginawa tapos nagpakilala lang isa isa ang mga studyante.. ung mga kaibigan ko naman masaya dahil nakilala nila ung gwapo daw na ang pangalan ay Carlo Shinn Sarmiento.. infairness gwapo nga sya nung nakita ko..

"hoy mga bruha.. uuwi na ako, kayo ba hindi pa.. ??" - tanong ko kina Carla at Jane nung nakita kong nakupo pa sila sa bench..

"mauna ka na umuwi Honey.. hihintayin muna namin si Carlo dito.. hihihi.." - sabi ni Carla na tuwang tuwa dahil hinihintay nya si Carlo..

"oyyy.. anung namin.. ?? uuwi na din ako nuhh.. ikaw nalang mag isa maghintay kay Carlo mo.. hahaha.. tara na Honey sabay na tayo palabas ng campus.." - sabi naman ni Jane..

"ayyy ang daya mo Jane.. sige na nga.. kita kits nalang tayo bukas.. byiiieee.. muah muah.." - sabi ni Carla sabay nagbeso beso samin ni Jane.. at kami naman ni Jane ay lumakad na..

and finally andito na ako sa bahay namin.. hindi naman malayo bahay namin kaya nilakad ko nalang mula sa skul.. pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis.. pumunta ako sa kusina at naghanap ng mkakain dahil nagugutom na ako, at buti nalang may tinapay dito kaya kumuha ako ng nutella at ipinalaman s tinapay.. yuuummmyyy.. hahaha.. sarap talaga ng nutella.. xD nanuod nalang ako ng tv habang kumakain..

nung dinner na, nilinis ko muna ung mesa at naglagay na ng placemat at kumuha na din ng mga plato, kutsara at tinidor.. ako kasi ang naghahanda ng kakainan namin.. nilagay ko na din ang kanin at ulam namin pagtapos ay tinawag na sila mama at mga kapatid ko para kumain..

after namin kumain, niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga ito.. grabe ang sipag ko talaga.. hohoho.. 

sipag sipagan lang naman yan..

sshhhh.. quiet ka nga lang brain.. ume-epal ka nanaman ehh.. tss..

after nun, nanuod lang ulit ako ng tv at pagtapos ay natulog na ako.. and bago ako matulog, nag gudnyt muna ako kina mama at papa..

"gudnyt po ma, pa, .. luv u, sweetdreams.. muahh" - sabi ko kay mama at papa sabay kiss sakanila..

"cge gudnyt ate, luv u 2, muahh.." - sabi naman nila.. ate tawag nila sakin para masanay  din mga kapatid ko na tawagin akong ate..

pumunta na ako sa kwarto ko para matulog.. nasa 2nd floor ang kwarto ko kaya umakyat ako..

alangan naman bumaba papunta sa 2nd floor diba.. tsk tsk..

tsss.. matutulog na nga ako.. matulog ka na din brain.. wag mu ako istorbohin.. :P

Hayskul LayfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon