Chapter 1

11 0 0
                                    

Nandito na ako sa school at naririnig ko ang bulungan ng mga nakapaligid sa akin.

 As a demon came from hell lahat ng senses namin ay mas malakas kaysa sa mga tao kaya alam kong pinag uusapan nila ako. 

"Siya yung babaeng mula school year na anak ng may ari ng school di ba ? " Tanong ng isang babae

"Oo nga siya nga yun" sagot naman ng isang babae

"Sana all siya nagagawa niya lahat ng gusto niya sa school" sabi ng isang lalaki 

"Oo nga, nakakainggit siya" sagot naman isang babae 

Sanay na ako na pinag uusapan ng lahat pero ang kina asar ko ay yung narinig kong napinag uusapan ako ng mga taong feeling nila sila ang siga ng school na toe. Ayos lang may special section naman ang impyerno sa mga taong mapagmataas. 

"Ano ba yan nasa school siya pero naka croptop at jeans lang siya " sabi ng isang babae

"Oo nga di porket anak siya ng may ari ng school na toe ganyan na gagawin niya how disrespectful" sabi ng isang lalaki

"Aishhhh" naasar na ako kaya nilabas ko ang earphones at cellphone at nakinig nalang ng music at pinarada ang motor ko at pumunta na sa room ko.

>>>>> Fast Forward >>>>>

Pagkapasok ko ng room ay wala pang tao since it's first day of school maaga talaga ako pumupunta ng school. Wow ang bait maaga pumapasok sa school kabaligtaran sa tunay na ako.

Umupo ako sa pinakalikod na parte ng room na malapit sa bintana na pwede kong buksan kapag naiinitan ako. Inilagay ko ang gamit ko sa tabi ng desk ko at napatingin sa araw na sobrang liwanag na nakakasilaw habang tumutog ang favorite song kong "Kundiman" by Silent Sanctuary. 

Ilang minuto palang ang lumilipas ay nagsimula ng magsipag datingan ang mga bago kong kaklase. Ako ay 3rd year college student at nag aaral ako sa school ng magulang ko ako nalang ang natitirang buhay sa pamilya ko at ako napiling maging tagapag mana lahat ng ari arian ng mga magulang ko. Ilang minuto pa lumipas ay tumunog na ang bell na ibig sabihin ay umpisa ng klase at ilang sandali na ang prof namin. 

>>>>> Fast Forward >>>>> 

Pagkatapos ng 1st class ay diretso ako pumunta ng cafeteria para kumain as usual mag isa akong pumunta ng cafeteria. Center of attention parin ako dahil sa ako lang yung tanging naka semi formal na suotin dahil lahat ng nasa school ng mama at papa ko ay required mag uniform kaya di maiwasan lingunin ako ng mga taong nasa cafeteria. Dumiretso ako sa favorite kainan ko sa cafeteria na close friends nila mama at papa. Si ate kath na anak ng pinsan nila mama at papa and for 8 years tinulungan nila mama at papa si ate kath pag aralin dito sa manila.  

"Ate Kath " tawag ko sa ate ko dito 

" Uy, Aleisha long time no see " pagbati  naman ni ate kath 

"Opo nga po ehhhhh" sagot ko sa kanya 

"Same as usual ba Aleisha ? " tanong ni ate sa akin 

" Yes ate yung favorite kong ulam " sagot ko at tumango ito hinanda na yung pagkain na sinabi ko. 

Ilang minuto ang lumipas ay tinawag ako ni ate at pinapunta ako sa 2nd floor ng cafeteria na may terrace na tanging si ate lang nakaka alam at sumunod na ako kay ate. Pagka akyat ay nakita ko ang isang table at maayos ang view mula 2nd floor puro halaman at kapag lumapit ka ay makikita mo ang ganda ng lugar, how peaceful ?. Naupo na ako at kumain at umupo si ate kath sa harap ko at nagkwentuhan kaming dalawa. 

"Kamusta ka Aleisha ?"  tanong ni ate kath sa akin 

"Ayos lang naman ate medyo nalulungkot lang kasi mag isa lang ako sa bahay na napakalaki para sa isang tao lang" sagot ko. 

"Gusto mo ba samahan kita sa bahay mo pag uwi mo" alok sa akin ni ate kath. 

"Oo naman ate kath atsaka ikaw nalang ang natitirang kaibigan ko" sagot ko sa kanya 

"Ok sige mamaya pagkatapos ng klase mo sabay tayong pumunta sa place ko" sagot ni ate kath 

"Ok sige ate kath pero di ko dala yung kotse ko" sabi ko kay ate 

"Ah sige hatid mo nalang ako sa bahay at konting gamit lang kukunin ko" sabi naman ni ate 

"Ok sige ate hintayin kita sa gate mamaya nandun yung motor ko" sabi ko kay ate 

"Ok sige " sagot niya at tumunog na ang bell na hudyat ng tapos na ang break time. Nag paalam na ako kay ate kath dumiretso sa next class ko. 

>>>>> Fast Forward >>>>> 


Mga 7 ng gabi na natapos ang klase ko kaya nagmadali na ako pumunta ng gate ng school. Ilang minuto ay nakita ko na si ate kath papunta sa lugar ko kaya sumakay na ako sa motor at pinaandar ang motor ko. Habang nasa daan ay madilim ang daan kaya medyo mabagal ang pag arangkada ng motor ko.

Nang makarating kami ng bahay ni ate ay nakita kong maliit lang ang inuupahan niya dito sa Manila. Nanggaling si ate sa probinsya ng pangasinan na probinsya nila mama pumunta lang siya dito sa manila para mag aral at nung nakapag tapos siya ng kursong Business Management at nag umpisa mag business ng pantry pero may nangyari sa business niya. 


<<<<< Flashback <<<<< 

3 years ago may family business sila sa  na pantry na business ng papa niya pero nawala lahat yun nung nagkaroon ng lindol at namatay ang mga magulang at mga kapatid niya. 

<<<<< End of Flashback <<<<< 

Kaya naawa ako kay ate kaya masaya ako na makakasama ko na siya sa bahay ko at lagi kaming magkasama. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na si ate ng bahay na may dalang malaking backpack at pinaandar ko na yung motor ko. 



Pagkadating namin sa bahay ay kaagad siyang nagulat sa laki ng bahay ko dito sa Pasig at dali dali ko siyang pinapasok ng bahay pagkatapos kong iparada ang motor ko sa garahe. 


Pagkapasok ko ng bahay nakita ko si ate kath na pa akyat sa mga kwarto kaya umakyat na din ako para ipakita sa kanya ang magiging kwarto niya. Pagkatapos ay naupo kami sa higaan pagkatapos naming mag ayos ng mga gamit niya. . 

"Salamat Aleisha dahil pinatuloy mo ako dito sa bahay mo " pagpapasalamat ni ate kath 

"Ok lang yun ate kath atsaka mag isa lang naman ako dito sa bahay mabuti ng magkasama tayong dalawa" sabi ko kay kath at nagtawanan nalang kaming dalawa. 


Pagkatapos nun ay kumain na kami ng dinner at pagkatapos at nag umpisa ng magpahinga sa mga aming mga kwarto. Pumunta na ako sa kwarto at naligo muna bago matulog at ng matapos maligo ay natulog na din ako. 



Chasing The LightWhere stories live. Discover now