Chapter 5

8 1 0
                                    

ALEISHA'S POV 

Isang maaraw na umaga ang bumungad sa akin ng nakita kong binuksan ni ate kath ang bintana ng kwarto ko na agad kinagising ko mula sa masarap na tulog ko. 

" Good Morning Ate Kath " pagbati ko kay ate kath. 

" Good Morning din Aleisha, mabuti na ba pakiramdam mo ? " tanong ni ate kath " Opo ate kath mabuti na din pakiramdam ko " sagot ko naman kaagad sa kanya. 

" Mabuti naman, bumangon ka na may pasok ka pa"  at lumapit siya sa akin hinawakan noo ko. " Nga pala pinapaabot ni mr. pogi mga itong notes " dagdag pa niya ng may panunukso.  

" Ate kath naman ehhhh, tigilan mo ako sa mga panunukso na yan wala ako sa mood " sabi ko ng may pagtatampo sa boses ko. " Ok sige na hindi na basta ang bait niya para mag effort ipaabot yan " natatawang sabi ni ate kath sa nagtatampo kong mukha.  

" Pero salamat ate kath para sa pag aalaga sa akin " at ngumiti lang ito at lumabas na ng kwarto ko at nag umpisa na ako maghanda ng susuotin ko sa pagpasok ko. 

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na kaagad ako at naghanda na lahat ng gamit ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko na alam ko naman kung sino yun kaya binuksan ko kaagad. 

" Ate kath naman ehhh " natigilan ako ng wala akong nakitang ibang tao sa likod ng pinto ko at lumingon lingon ako at wala akong nakitang tao kaya sinarado at habang naghahanda ulit ay may kumatok ulit sa pinto ko at pagkabukas ko wala parin tao kaya nag umpisa na akong magtaka kung sino kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong dinala gamit ko at lumabas ng kwarto ko at bumaba ng kusina. 

Habang pababa ay wala naman akong naramdamang kakaiba kaya sumigaw ako at hinanap si ate kath. 

" Ate Kath, nasaan ka ? " sigaw ko sa buong bahay habang nililibot ang mata ko kahit saan at hindi sumagot si ate kaya  habang nag iikot ay di ko mahanap si ate kath kaya napag isip isip ko na baka nauna na siya kaya dumiretso na ako sa garahe at kinuha ang susi ng motor ko pero nung papunta na ako sa lamesa kung saan nilagay ang susi ko ay napansin kong may naka ayos na pagkain at kumain na muna ako at katahimikan ang bumalot sa bahay. 

Nang kukunin ko na ang susi ng motor ko ay napansin kong nakabukas ang kwarto ni ate kath at nakita ko siya dun walang malay nasa sahig at dumudugo ang ulo na agad kong nilapitan at pagkalapit ko ay nawalan ako ng malay ng may biglang humampas sa ulo ko. 

ASHER'S POV 

Papunta na ako ng school ng biglang napansin kong malapit na umulan kaya binilisan ko ang papatakbo ng motor ko. 

Pagkadating ko sa school ay napansin kong wala yung kotse ni aleisha or kahit yung motor niya kaya napag isip isip ko na baka masama parin ang pakiramdam niya kaya nauna na ako pumasok at pinarada ang motor ko sa guard house. 

Habang papunta na ako ng room ko ay nag umpisa na umulan kaya medyo lumamig ang simoy ng hangin sa school ng biglang humangin ng malakas kaya halos lahat ng may dalang papel sa corridor ay hinangin ang mga dalang papeles na nagkalat sa daanan at biglang naalala ko si aleisha nung una kaming nagkakilala na nahulog din mga dala niyang gamit kaya mas lalo ko siyang na miss at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa room namin. 

Habang nagklaklase ay naiisip ko parin si aleisha tuwing naka upo ako sa upuan ko napapalingon nalang ako at iniisip kung kamusta siya at kung nasa mabuting kalagayan siya kaya naalala ko nung sinabi ni manang na wag na ako masyadong mag aalala magiging okay din siya basta pagdasal mo siya at bumalik na lang ako sa pakikinig sa discussion ni prof. 

KATH'S POV 

Nagising ako ng nakahiga sa sahig at dumudugo ang ulo ko kaya dali dali akong bumangon ng biglang sumakit ang ulo ko ng mahawakan ko ang parte na masakit nakita kong may dugo kaya agad akong tumayo at hinanap si aleisha at napansin kong nandun pa yung motor at kotse niya kaya di pa siya umaalis kaya hinanap ko siya sa bahay ng mapansin kong may nagring ang phone ko at unknown number kaya nagtaka ako at sinagot ko.

" Sino toe, nasaan si aleisha " sigaw ko sa tumawag sa kabilang linya  at tumawa lang ito. 

" Wala ka ng paki alam dun, may atraso sa amin ang kaibigan mo kaya wag ka nalang maki alam kung ayaw mong madamay " pagbanta ng lalaki sa kabilang linya na kaagad kong kina inis. 

" Kung gusto mong makita pang buhay ang kaibigan mo, wag kang magsusumbong sa pulis o kung hindi sabog ang kaibigan mo " at tumawa nalang at binaba ang tawag. 

Agad agad akong ginamot ang sarili ko at naghanda sa pagpunta ng sa lugar ng sinabi ng lalaki. 

ALEISHA POV 

Nagising ako ng sa lugar kung saan ako nanggaling : Impyerno. Agad akong bumangon sa higaan at nilibot ang lugar. Habang naglalakad ay napansin kong pamilyar ang lugar kung saan naganap ang isang trahedya na nagpabago sa buhay ko : sa bahay ng lola ko at lolo ko . Nilibot ko ang lugar na walang pinagbago bago nangyari ang trahedya. Naging sariwa ang alaala ng maalala ko ang eksaktong nangyari nung araw na yun. Habang nag iikot ay nakarating ako sa likod ng bahay kung saan nakita ko ang taong pumatay sa buong pamilya ko : Kylix Velasquez at ang tatay niyang si Don Velasquez nag uusap at masayang nag uusap. Nagalit ako sa mga taong yun dahil sa kanila di ko na ulit naranasan ang magkaroon ng normal na buhay. At bumalik ako sa kamalayan ko ng biglang akong sinabuyan ng tubig sa mukha ko. 

" Mabuting gising ka na " at sabay tawanan ng mga lalaki sa paligid ko habang nanlalabo ang paningin ko at nang maaninag ko na yung mga lalaki ang dami nila siguro mga nasa 10 mahigit.  

" Ano kaya gagawin natin sa kanya para makaganti tayo sa ginawa niya sa atin ? " sabi ng isang lalaki na pamilyar ang mukha. 

" Gawin natin din sa kanya ang ginawa niya sa atin " sabi naman ng lalaki sabay tawanan ang lahat ng lalaki at sinuntok ako ng isang lalaking sure ako na kasama sa nambully kay Asher at dumugo ang labi ko habang nakatali ang kamay ko at paa ko. 

" Banatan na natin yan boss, di na ako makatiis makaganti sa babaeng yan " sabi ng isang lalaki 

" Sige na gawin niyo na gusto niyong gawin sa kanya " hudyat para pagsapak sapakin ako ng mga lalaki at habang sinusuntok ako at natumba ako at nahiga sa sahig at pinikit ang aking mata at nakita ko ang lalaking gusto kong paghigatihan at sumigaw akong sobrang lakas na maririnig sa buong lugar at nagsipag atrasan ang lahat ng biglang humangin ng malakas na bigla lumayo ang mga lalaki at nag umpisang balutin ng mapula na aura ang buong katawan ko at lumabas ang mata ko nagsimula ng lumabas ang demonyong nasa loob ko at may lumabas na sungay sa mga noo ko. 

" Ano yun " sigaw ng isang lalaki  " Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko dito " sagot naman ng isa Nagsimulang akong pagulpihin ang lahat ng lalaki sa paligid ko at pinagbabali bali ang mga buto nila at sumigaw sila ng sobrang lakas habang...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Ano yun " sigaw ng isang lalaki

 " Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko dito " sagot naman ng isa 

Nagsimulang akong pagulpihin ang lahat ng lalaki sa paligid ko at pinagbabali bali ang mga buto nila at sumigaw sila ng sobrang lakas habang pinag hahagis ko sila sa lahat ng direksyon at isa yung isang lalaki na nambully kay asher ay nanatiling nakatayo habang pinapanood ako patayin lahat ng lumapit sa akin kaya nag umpisa siyang tumakbo palabas pero agad agad ako humarang sa labasan kaya bigla siyang natigilan at sinuntok ko siya sa sikmura at sumigaw sa sobrang sakit at tumilapon hanggang bumangga sa pader at nagsimulang magmaka awa sa akin. 

" Please wag mo ako patayin " sabi ng lalaki na nagmamakaawa sa akin na wag siya patayin 

" Sorry walang awa ako sa mga taong walang awang binugbog ang mga babae " sumbat ko at sinuntok ko sa mukha at nadurog ang mukha at nagkalat ang dugo kahit saan at ang mga walang buhay na mga bangkay. 

Pagkatapos ay pumasok si ate kath at nakita kong sa anyo kong di niya pa nakikita. Nagulat siya na nagkalat ang bangkay at nagkalat ang dugo sa kahit saan at nakita akong nakatayo at duguan na agad niyang kinagulat at naramdam ko sa kanya ang matinding takot ng biglang nawalan ako ng malay at nahiga sa sahig at bumalik sa normal na anyo ang katawan ko at nawala ang mapulang aura sa akin at nawalan ng malay. 

KATH'S POV 

Nakarating na ako sa labas ng lugar ng sinabi ng lalaki at pumasok ng mapansin kong maliwanag sa loob kaya pumasok na kaagad ako napansin ko kaagad ang mga bangkay sa sahig at nalaman kong walang mga buhay at laking gulat ko nakita ko si aleisha sa kakaibang anyo. Mapulang aura ang pumapaligid sa kanya, mapulang mga mata at sungay kagaya sa mga demonyo na agad kong kinatakot pero nawala yung ng mahiga si aleisha sa sahig at nawalan ng malay. 

" Aleisha! gumising ka " sigaw ko sa kanya habang nakahiga ang ulo niya sa hita ko at pilit ginigising at di na talaga magising ay agad kong binuhat siya at dinala sa kotseng dala ko. Pero bago ko siya isakay ay pinalitan ko ang suot niyang damit na punong puno ng dugo. Pinunasan ko ang katawan niya ng basahang basahan at ng malinisan ko siya ay napansin akong marka sa batok niya na parang kakaiba at ibang klase na hugis sungay.  Agad ko siyang binihisan at umalis na kaagad at pina andar ang kotse. 

Chasing The LightWhere stories live. Discover now