Chapter 6

5 1 0
                                    

KATH'S POV 

Naka uwi na kami at diniretso ko si aleisha sa kwarto niya at hinayaang magpahinga. Habang naghahanda ng pagkain ay iniisip ko parin ang nakita ko na di parin ako nakapaniwala sa nakita ko kanina kay aleisha ang tanong lang na tumatakbo sa isip ko lang ay " Ano kaya yung nakita ko kani-kanila lang ? ". Agad naman akong bumalik sa paghahanda ng pagkain at pagkatapos ko magluto ng pagkain ay agad akong naghanda ng pagkain para ibigay kay aleisha. 

Pagkapasok ko sa kwarto ni aleisha ay napansin kong gising na ito kayà lumapit ako sa kanya at tinanong.

" Kamusta pakiramdam mo ? " Tanong ko kaagad Ng mapansing kakagising lang nito.

" Eto medyo nahihilo parin " sagot Naman niya kayà nilapag ko ang hinanda Kong pagkain at gamot.

" Salamat ate kath " pagpapasalamat sa akin at niyakap ko Siya at napansin Ang birth mark sa batok niya at kumawala sa yakap niya.

" Nga pala papasok ka na ba bukas ? " Tanong ko kaagad sa kanya dahil 2 araw na Siyang di pumapasok baka malate Siya sa discussion.

" Siguro Kung mawawala itong Hilo ko bukas " sagot Naman kaagad niya at sinabi kong "  Nga pala sinave ko Yung number ni Mr. Pogi dyan sa phone mo Kung gusto mong magpasalamat sa kanya dahil pinahiram niya notes niya " Sabi ko Ng may panunukso sa kanya.

" Ate kath Naman ehhhh, oo na Sige na salamat " natawa nalang ako Ng biglang naging pabebe Siya.

" Ohhhhh ate kath ano nangyari sa ulo mo ? " tanong nito Ng mapansing may bandage sa ulo ko.

" Ahhhh Wala ito, nauntog lang ako " na agad nitong kinalungkot.

" Mag ingat ka Kasi lagi " pagsabi Ng may tampo sa boses niya.

" Opo, wag ka na mag alala " sabay ngiti sa kanya na nagtataka parin sa nangyari sa kanina Ang reaksiyon niya.

" Sige na kumain ka na dyan, inumin mo Yung gamot mo pagkatapos mo kumain ah " at tumango lang ito at lumabas na ako Ng kwarto.

Habang kumakain ay nagtataka parin ako kung bakit walang maalala si aleisha sa nangyari kanina at nakita yung birth mark sa batok niya na nanatiling misteryoso sa akin.

Pagkatapos kumain ay naglinis na ako at dumiretso sa kwarto at nagpahinga na.

ASHER'S POV 

Natapos na yung class bago mag break kayoa ngayon ay nasa cafeteria ako at pumunta parin same place sa  cafe kung saan nagtitinda si ate kath. 

" Manang, pabili po ako ng menudo pati kanin na din " pagtawag ko sa manang at agad naman akong pinansin. 

" Sige po sir, maghintay lang po kayo dyan " sagot naman ni manang at agad hinanda ang pagkain na inorder ko. 

Habang naghihintay ay napansin kong wala si ate kath kaya agad kong napagtanto na inaalagaan parin ni ate kath si aleisha na nagpaluwag ng dibdib at pag aalala ko kay aleisha ng biglang makaramdam ako ng sakit galing sa batok ko na nanggagaling sa marka nung bata pa ako pero kaagad itong nawala pagkatapos ng ilang segundo na agad kong kinataka at nang kinapa ko ay medyo mainit ang batok ko pero agad akong inabot ang pagkain at umalis na ng cafeteria. 

Pagbalik sa room ay naiisip ko parin ang biglang pagsakit ng batok ko at biglang pag init ng parteng masakit na dating birth mark ko nung bata ako. 

" Ano kaya nangyari kanina " tanong ko sa sarili ko at bumalik nalang sa pagkain ng lunch ko. 

Pagtapos kumain ay saktong dumating na si prof kaya nag umpisa na ulit ang klase sa tanghali. 

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa guard house kung saan usual na naka park ang motor ko. Habang papunta sa guard house ay umuulan parin kaya bumalik ako sa room at nagpalipas ng oras habang nagpapatila ng ulan na di ko naramdaman na nakatulog na ako sa sobrang tagal tumila ng ulan. Nagising nalang ako ng may kumalabit sa akin na janitor at nakitang alas 5 imedya kaya dinala ko na gamit ko at pumunta sa guard house at umalis kaagad. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The LightWhere stories live. Discover now