Chapter 2

8 0 0
                                    

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin pagka mulat ng aking mata. Malamig na simoy ng hangin, tahimik na kapaligiran, humuhuning mga ibon, at masarap na gising sa umaga dahil sa wakas kasama ko na si ate kath kasama sa bahay. Bumangon na ako at nagsimula ng maghanda ng maligo. Binuksan ko ang bintana at sumilay ang maliwanag sa haring araw. 

Nagbabad muna ako sa bathtub at  habang naliligo ako ay nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nagmadali na akong maligo at dumiretso na magbanlaw ng katawan. 


Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko si ate kath na may dalang pagkain para sa akin. 

" Good Morning Aleisha" bungad sa akin ni ate kath 

" Good Morning Din Ate Kath" pagbati ko pabalik sa kanya. 

"Dinalhan na kita ng pagkain dito sa kwarto mo " Sabi ni ate kath at pumasok sa kwarto ko   
" Wow ang ganda ng scenery ah" dugtog pa niya 

" Salamat ate kath sa food di mo na kailangan mag abala pa na magdala ng pagkain ko dito sa kwarto" sabi ko  kay ate kath 

" Ano ka ba ?, malaking bagay na yung pagpapatira mo sa akin dito sa bahay ng family mo" sumbat naman ni ate kath sa akin napa oo nalang ako sa kanya. 

" Ang ganda ng view sa bintana ahhhh" sabi ni ate kath 

"Oo nga pagkabukas mo ng bintana at pagkahawi sa kurtina bubungad sayo ang haring araw" sagot ko naman. Napa singot nalang ako at inenjoy ang sariwang hangin at magandang view. 

" Sige na ate kakain na ako pagkatapos ko dito magbibihis na ako may pasok pa ako" sabi ko kay ate kath. 

" Sige Aleisha maghahanda na din ako pumasok" sagot sa akin ni ate na palabas ng pinto. 

Pagkatapos nun ay nagbihis na ako at naghanda pumasok sa school. Nag suot ako ng as usual na favorite outfit ko :  White t shirt and Black jeans. 


Pagkatapos magbihis ay dumiretso ako bumaba at dinala ko na din ang pinagkainan ko pababa. 
Pagkababa ay nakita ko si ate kath naka ready na sa suot niyang T shirt at jeans din pero black t shirt at white jeans. 

" Oh,  matching outfits tayong dalawa ah" bungad na makita akong parehas kami ng choice ng outfit for today. 

"Oo nga ehhh hahahaha" nagtawanan nalang kami papunta sa garahe. 

Sumakay na kami sa kotse at agad pina adar ito at ng makasakay na kami ay diretso na kaming umalis. 


>>>>> FAST FORWARD >>>>> 

Nandito na kami sa school at nauna na si ate kath papunta sa trabaho ni habang ako ay pababa na ako ng kotse ng biglang bumangga sa likod ko. Nahulog yung mga dala kong gamit sa sahig. At tumayo ako at sinabing " Aray naman tumingin ka nga sa -" napatigil ako  ng makita ko siyang pinupulot na yung mga gamit ko at dali dali kong tinulungan. 

" Sorry nagmamadali ako kasi may humahabol sa akin na mga bully " sabi naman ng lalaki 

Nanlaki yung mata ko nung nakita kong hingal na hingal yung lalaki, " Ok lang, sa susunod kapag may nambubully sayo sabihin mo sa akin ako bahala sa kanila" sabi ko sa lalaki na may hinahanap. 

"Pwede paabot ng salamin ko, malabo kasi paningin ko di ako makakita kapag wala yun" sabi ng lalaki na dali dali kong inabot sa kanya yung salamin na nakita kong nasa sahig. 

"Thank you, by the way I'm Asher" pagpapakilala ng lalaki at inabot ang kamay " And you are ? " tanong ng lalaki " Aleisha, nice to meet you Asher " tugon ko naman sa kanya 

Pagkatapos nun ay nakuha ko na mga gamit ko at nakuha na din niya yung mga bag niya. 

" Thank you pala asher sa pagpulot ng mga gamit ko " sabi ko sa kanya 

" No need kung di dahil sa akin di mahuhulog mga gamit mo " sabi sa akin ni asher 

" Sige, see you around Aleisha and  nice to meet you " pagpapaalam at naglakad na palayo

Pagkatapos ay habang naglalakad ay napapa isip parin ako tungkol kay asher at sa nangyari sa amin kaninang umaga ng biglang sumikip ang dibdib ko ng biglang may naalala ako.

>>>>> FLASHBACK >>>>> 

" Aleisha, tara laro tayo " aya ng lalaking boses 

" Ok sige ba, ano ba lalaruin natin " tanong ko sa lalaki " Gusto mo laro tayo sa may beach, laro tayo habulan ? " tanong sa akin ng lalaki 

" Sige paalam lang ako kay mama at papa " sagot ko sa tanong niya at diretsong pumunta kanila mama at papa. 

" Mama, pwede ba ako pumunta sa beach laro lang kami nung kalaro ko ? " tanong ko kay mama at sumagot si mama na " Aleisha di pwede atsaka uuwi na tayo ngayon paalam ka na sa kalaro mo " sagot ni mama na agad kong kinalungkot. 

>>>>> END OF FLASHBACK >>>>> 

Agad akong tumayo at dumiretso sa classroom habang iniisip parin ang nakita ko kani kanila lang "Sino kaya yung lalaking yun ? ". 

Nagmadali na ako maglakad para di ako malate sa klase ko. 



Sorry guys kung ngayon medyo na busy sa school late kaya  ngayon lang nakapag gawa ng next chapter. Enjoy reading at salamat sa pagbasa ng story made by me ( Angelo_Aguilar28). 

Chasing The LightWhere stories live. Discover now