04

1.4K 63 6
                                    

CHAPTER FOUR

Pagkarating ko ng bahay ay nagulat nalang ako nang dali-daling tumakbo sa akin si Bechay at sinabing hindi na daw niya kailangang magbayad ng tuition fee.

"Totoo?"

Tumango siya.

"Sinong nagsabi?"

"May tumawag sa telepono ni nanay kanina at sinabing hindi na daw kailangan, ang principal daw."

"Baka budol-budol iyan. Nay."

Napatingin si nanay sa akin. "Ang sabi eh hindi na raw natin kailangang bayaran, iyon ang utos ng may-ari raw sa principal, tapos ay wala naman hinihinging pera o address o kung ano pang personal na tanong."

Tumango ako.

"Anong nangyari sa mukha mo?" Turo ni nanay sa mukha ko.

Napakamot ako sa ulo. "Wala nay. Matulog na po ako ha?" Bumaba ang tingin ko kay Bechay. "Matulog ka na rin, ihahatid kita bukas."

"Opo ate."

Hinalikan ko si tatay at nanay sa pisngi.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong sa akin ng nanay ko.

Umiling ako. "Tapos na po akong kumain, kami nina Belinda." Pero hindi iyon totoo. Nawalan ako ng ganang kumain. Ito kasing si Arlo eh.

"Oh sige. Mamaya kami matutulog ng itay niyo."

"Opo."

Pumasok ako sa kuwarto ko at doo'y nagkulong. Nakatulog narin ako kakaisip kung bakit huwag nalang raw magbayad ng tuition ni Bechay.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng kanin at almusal. Pagkatapos kong maligo ay ginising ko si Bechay para maligo din.

Pagkatapos rin naming kumain ni Bechay ay sumilip ako sa kuwarto ng mga magulang ko.

Normal naman sa akin tingnan na magkayakap ang dalawa, nasanay na ako.

Naramdaman ata ni nanay na may nakasilip kaya tumingin siya sa akin.

"Nay, alis na po kami ni Bechay, may pagkain po sa mesa."

"Sige anak, mag-iingat kayo." Tumayo siya mula sa pagkakahiga at saka kami niyakap isa-isa. "Nagbaon kayong dalawa?"

"Opo, nay." Sagot ko.

Pagkatapos naming nagpaalam ay sumakay kaming jeep papunta sa paaralan ni Bechay. Kailangan pa naming maglakad ng ilan pang minuto para makapasok doon.

"I.D. niya po ma'am." Tukoy ng security guard sa I.D. ng kapatid ko.

"I.D mo raw." Sabi ko kay Bechay na agad namang kinuha sa bag at pinakita sa guard.

"Sige pasok ka na kayo."

Hinawakan ko ang kamay ni Bechay at ang isa kong kamay ay nasa bulsa ko. "Ate, ano sa tingin mo? Sino ang may-ari ng school na ito?"

Tumingin ako sa kabuuan ng building. Maganda naman, lahat ay sementado, saka ang sarap sa matang titigan ang mga bulaklak at mga berdeng halaman, ang linis rin.

Babae siguro ang may-ari ng paaralang ito.

"Hindi ako sigurado, Bechay. Gusto mo tanungin natin para makapagpasalamat ta iyo?"

Arlo Drei Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon