05

1.4K 53 0
                                    

CHAPTER FIVE

"Gelle, may naghahanap sa iyo." Ani ni Belinda.

"Sino?" Tanong ko habang nagbubuhat ng mga kahon na naglalaman ng mga kagamitan sa pintungan.

"May ipapagawa raw na sasakyan."

"Sabihan mo si Ortes at siya ang gumawa, may ginagawa ako dito!" Sigaw ko mula sa loob.

"Sige, kung papayag ang kliente."

Tumaas ang kilay ko. Syempre papayag ang kliente, sino ba siya para hanapin ako at may ipapagawa sa akin kung may ginagawa naman ako.

Bumuntong-hininga ako saka nagpatuloy sa ginagawa. Nang makita ko na kulang pa ng dalawang kahon ang cabinet ay bumaba ako para kumuha ng dalawa na nasa floor saka ulit umakyat sa hagdan.

"Umayaw ka..."

Dahil sa gulat ay nahulog ko iyong isang kahon na hindi ko pa inilalagay sa cabinet.

Bumaba ang tingin ko sa nahulog at saka tumingin sa nagsalita. "Ano bang ginagawa mo di-" Bumaba ako sa hagdan pero bago pa ako makababa ng tuluyan... "Ayyy!"

Napapikit ako dahil akala ko ay mahuhulog ako sa floor pero ang hindi ko inaasahan ay may sumalo sa akin... Dali-dali akong napadilat at ganoon nalang ang paglaki ng mga mata ko nang nakita ko siya talaga ay sumalo sa akin.

Nagawa kong umayos ng tayo saka inayos ang suot ko tapos ay natarantang pinulot ang mga gamit na nahulog.

Nakita ko siyang umupo at tinulungan ako. "Ako na." Sabi ko.

Pero hindi siya nakinig at ipinagpatuloy ang ginagawa kaya sa inis ko ay kinuha ko mula sa kamay niya ang hawak na mga stickers at ipinasok iyon sa kahon.

"Sorry."

Napabuntong-hininga ako. "Ano ba kasing ginagawa mo dito, ha?"

Tumitig siya sa akin ng matagal kaya umiwas ako ng tingin.

"Gusto kong ipaayos ang kotse ko..."

"Na naman!" Tumaas ang boses ko. "Eh diba naayos ko na iyon?"

"Ibang kotse ko naman iyong ngayon."

"Huh!" Tumaas ang kilay ko. "Bakit hindi mo ipagawa sa ibang manggagawa diyan?"

Umiling siya. "Wala akong tiwala sa kanila."

"May tiwala ako sa Ortes na iyon kaya doon mo ipagawa ang gusto mong gawin." Nakayukong sabi ko, pinulot ang kahon.

"Ikaw ang gusto ko."

Tumayo ako ng tuwid saka napatingin sakanya. "Hindi kita gusto saka may iba akong ginagawa ngayon kaya lubayan mo ako. Kung andito ka para sa 70, 000 babayaran ko parin naman-"

"Hindi iyan ang pinunta ko rito. At saka klaro na sa iyo na hindi kailangang bayaran ang tuition ng kapatid mo dahil ako ang nag-utos."

"Tsk! Iyan kayong mga mayayaman eh! Matanong nga- ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ka nagpupunta rito? Saka bakit ganoon nalang, bakit hindi na kailangang bayad ang pang-aral ng kapatid ko?"

"Dahil gusto kitang ligawan, ang ganda-ganda mo saka gusto kitang maging babaeng tunay."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong akala mo sa akin? Magpapaligaw ako sa isang kagaya mo? Saka impossible! Tomboy ako! Saka bakit mo ako maging tunay na babae? Para maging katulad ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo! Exchuse me! Tomboy ako!"

Ngumisi siya. "Kung tomboy ka nga talaga, gusto ko na patunayan mo sa akin na tomboy ka nga."

Binalingan niya ako at basta napang hinila ang kamay ko.

"Ano ba?!" Malakas ma sigaw ko dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao sa loob ng shop.

Binalingan ni Arlo si Belinda na tahimik na nakatayo sa counter. "Ako na ang bahalang magpaliwanag sa boss niyo, don't worry."

Nakita kong tumango si Belinda, pinanlakihan ko siya ng mga mata ko at agad siyang umiwas ng tingin.

Nagpupumiglas ako nang makalabas kami sa shop.

"Bitawan mo akong ahas ka! Malalagot ako sa boss ko!"

Umigting ang panga niya. "Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo, tomboy."

Lumiit ang mga mata ko. "Sapakin kita!"

"Mamaya, pwede mo akong sapakin kung nasarapan ka sa aking halik." Mapanuksong aniya.

Akma ko siyang sasapakin sa ilong nang pinigilan niya iyon. Wala na akong nagawa kundi ibaba ang kamay ko.

"Pwede ba? Tantanan mo naman ako?!"

"Pwede naman, pero pagkatapos mong patunayan sa akin na tomboy ka nga."

"Tsk! Hindi naman mahirap iyan eh!" Nakatitiyak ako doon na hindi ako mahirapan. "Anong gagawin ko para mapatunayan ko sa iyo na tomboy ako."

Sumeryoso ang mukha niya. "May pupuntahan tayo at sisiguraduhin mo sa akin na totoo kang tomboy..."

Ginulo ko ang buhok ko. "Puno ka ng pagdududa, sige, papatunayan ko."

Ngumiti siya at iminuwestra ang isang mamahaling kotse. "Pumasok ka sa loob."

"Ito?" Tumango siya. "Akala ko ba sira na..."

Umiling siya. "Nagsinungaling ako, ngayon, tara na."

Umiling ako. "Ayoko nga! Baka may mabasag pa ako diyan sa loob, ayokong  magka-utang sa iyo."

Tumawa siya. "Huwag ka ngang maarte, tomboy ka diba? Sakay na. May pupuntahan tayo."

"Oo, oo, sige." Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng mamahaling kotse.

Napanganga ako saka tumingin sa loob niyon. Kung hahawakan ko ang mga bagay sa loob ay natatakot ako kasi baka masira iyon, lagot ako.

"Amazed huh?"

"Ano?" Napatingin ako sa harapan ko nang nagsalita na naman ng ingles si Arlo.

"Wala ang sabi ko ay tara na."

"Ah, sige, saan ba?"

"You'll f— uhm malalaman mo rin pagkarating natin."

"Hindi mo ako lolokohing Arlo ka ha? Huwag mong sabihing gahasain mo ako?"

Tumawa siya saka ako sinulyapan. "Bakit naman kita gagahasain? Masarap ka ba? Eh ang sabi mo ay tomboy ka- hindi ako pumapatol sa tomboy na kagaya mo."

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Nagtatanong lang naman."

"Huwag kang mag-alala, sa VCAD club tayo pupunta."

Binalingan ko siya. "Bakit? Anong gagawin natin doon?"

Ngayo'y hininto ang kotse at nang napatingin ako sa labas ng nakasarang bintana ay napanganga ako.

"Bakit dito?"

"Papatunayan mo nga sa akin na hindi ka tunay na babae." Bumaling ako sakanya, hinihintay ang karugtong ng sinabi niyang iyon. Bumaba siya mula sa kotse niya at binuksan ang pintuan sa side ko saka dumukwang sa akin, inilayo ko naman agad ang ulo ko. "May regalo ako sa iyo ngayong gabi at dapat na hindi ka makatanggi."

Kumunot ang noo ko. "At ano iyon?"

"Chicks." At hinila ako papasok sa loob mg Club pagkatapos ni-lock ang mga pinto ng kotse.

Arlo Drei Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon