0.1

35 6 0
                                    

"Kyaahhh! Fuck!" Isang napaka lakas na hiyaw ang narinig ko sa di kalayuan.

Hindi ko s'ya pinansin at patuloy lang sa pag papaapoy dito sa mga nakolekta kong kahoy.

"DISGUSTING!!" Napairap ako ng matindi dahil sumasakit na ang tenga ko sa tili nito.

Kung maka tili akala mo babae. Konti nalang talaga at mag dudugo na ang tenga ko.

"Ah!"

Iritado kong binagsak ang hawak na kahoy at nag pupomuyos sa inis na hinaplos ang batok ko. Nanginginig sa inis at malakas ang tibok ng puso ko, gusto na atang kumatay ng isang lalaki na walang ibang ginawang tama simula ng mapadpad kami sa kawalan na ito.

Isang sigaw na naman ang narinig ko kaya marahas na akong tumayo at nilingon ito.

"Hoy! Ano ba tili ka ng tili. Daig mo pa ang babae kung maka irit 'e! Ayusin mo 'yang trabaho na 'yan, ang dali dali lang ng pinapagawa ko tapos kung maka hiyaw akala mo pinapatay 'e!" Mahaba kong sermon sa kanya.

Nilingon ako nito at hindi maipinta ang mukha n'ya. Akala mo ay naiiyak na.

"How dare you let me do this? You're the one who supposed to do this shit!" Reklamo nito habang naka upo ito sa batuhan sa dalampasigan.

Kumunot ang nuo ko at talagang kumukulo na ang dugo ko.

"Ah? Ganon ba?" Sabi ko habang tumatango at may halong panunuya sa tono ng boses ko.

"Yes! That's right. Di ko gagawin 'to! Ikaw!" Tinuro ako nito.

"Do this and do your job to serve me until we get out of here!"

Isang pekeng ngiti ang dumaan sa labi ko at lumakad palapit sa kanya. Tumingala ito sa akin ng naka lapit na ako at tinapunan ng tingin ng hawak nitong isda na warak warak na.

Nanliit ang mga mata ko at tumaas pa lalo ang presyon ng dugo ko.

"Ganon ba? Altajara ka nga pala." Pinunasan ko ang mga kamay ko na may mga dumi mula sa mga kahoy at saka pinagpag ang mga iyon sa isa't isa.

"Right. Then you do this and I'll sit there--" Bago n'ya pa matapos ang kabalbalan n'ya ay lumipad sa ulo n'ya ang kamay ko at isang malakas na batok ang iginawad ko.

"What the fuck!? Are you asking for death!?"

"Death!? Death deten mo mukha mo! Sa tingin mo natatakot ako sayo dahil Altajara ka? Ha? Walang bisa 'yang Apelyedo mo sa gitna ng kawalan na 'to. Intindi mo ha?"

"Gigil mo dugo ko 'e." Bulong ko pa.

Kung hindi lang 'to anak ng amo ng nanay ko, Kanina ka pa sana naka baon diyan sa buhanging inuupuan mo! Bwesit. Umirap ako at nilingon ang kawawang isda na durog durog na.

"Saka ano 'yan! Ang sabi ko sayo hugasan mo hindi durugin mo! Mahirap ba ang pinapagawa ko sayo ha? Ang simple lang hindi mo pa magawa ng maayos. Maghapon kong pinag hirapang makuha 'yang isda na 'yan! Akala mo mabilis lang hulihin 'yan? Ano 'yon magic? Bigla nalang silang lalapit sa akin at magpapa huli?"

" Alis ka nga d'yan! Baka Ikaw ihawin ko, tamoka." Tinulak ko siya palayo saka ako ang pumalit sa kaniyang puwesto.

Binalingan ko siya ng tingin. Naka baluktot ito sa buhangin at ngumangawa ito.

Gusto ko nalang umiyak lord. Ano ba namang buhay to.

Binalik ko ang atensiyon sa isda na magiging pagkain namin sa araw na ito. I can't even tell of this fish is still a fish. Karumal dumal ang natamo nito sa maling tao. 

Just looking at the pitiful fish made me irritated. Binato ko ng buhangin si Jiro at tumama iyon sa pagmumukha niya.

"Why!? What did I do to you! You're so mean!" Bumalik ito muli sa pag ngawa sa buhanginan.

"You're so mean~ fucker." ulit ko sa sinabi nito na may kasamang sama ng loob.

Gigil na gigil talaga ako sa taong 'to. Nasa bingit na nga ng impyerno dala dala pa din ang kaartihan sa katawan.

Okay sana kung makakain namin 'yang pag iinarte niya 'e. Kaso hindi! Mamamatay kami sa kaartihan niya.

Inangat ko ang isdang nahuli ko. Parang naririnig ko tuloy ang iyak nito sa itsura nito ngayon. Double dead ang ginawa sa kaniya.

Wala akong ibang magawa kundi kumilos nalang. Walang mangyayari samin dito kung galit nalang ang pairalin ko. Baka sa galit ko e matuluyan ko siyang i-letchon. Magkakanda letche-letche na ang lahat.

Fate Among RuinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon