1

42 7 0
                                    

Bad trip akong naupo sa buhangin at masama ang tinging bumaling kay Jiro. Napa ismid ako na may halong panunuya ang ngiting gumuhit sa labi ko.

Naka higa ito ngayon sa silong na ginawa ko kanina habang kinakain ang saging na nakuha ko sa loob ng isla.

"Kapal talaga ng mukha. Wala na ngang tinulong, ang lakas pa ng loob humilata. Nginangata pa ang pagkain na hindi pa naman dapat kainin. Kapal kapal talaga, sarap hambalusin ng baga 'e." 

Nang gagalaiti kong bulong sa sarili habang niluluto ang durog durog na isda sa malaking shell na nakita ko. Buti nalang at may mga normal na gulay akong nakita kanina sa loob ng isla kaya hindi simpleng pinakuluang isda lang ang kakainin namin.

Nilabas ko ang pocket knife ko saka binalatan ang luyang nakuha ko saka ang sibuyas. Buti nalang talaga at mahilig akong manuod ng mga survival tips online at nagamit ko sa unexpected na pangyayaring ito sa buhay ko.

Ikiniling ko nalang ang ulo ko at saka inilagay lahat ng mga nahiwa ko.

Napatulala ako habang tinitigan ang apoy sa harap ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinaka walan ko at niyakap ang tuhod ko.

I didn't remember anything before we got here in this island. I mean, meron naman pero hindi sapat 'yon para malaman kung bakit kami nandito sa islang ito. Basta ang huling memory ko kagabi ay nasa resort kami ng buong klase dahil graduation namin sa Senior high. Nasa beach kami at nag ninight swimming ang iba naming kaklase sa swimming pool. Nasa dalampasigan ako non, naka upo at nagpapa hangin.

Okay na sana ang lahat e. Mag isa lang ako, naka tingin sa dagat—sa buwan. Nag e-emote mag isa ng bigla ko nalang nakita sa medyo malayong gilid ko si Jiro na naka upo rin sa buhangin. Lumingon ito sa akin at tumaas ang kilay.

"Ginagawa mo dito?"

"What? Sinusundan mo ako ano?"

Napanganga ako sa sinabi nito at hindi makapaniwalang tawa ang pinaka walan ko.

"Ang kapal ng mukha. Assuming ka?" Saad ko sabay tingin sa kanya simula ulo mukhang tanga.

"What can I do? Since we were kids, you've been going around whenever I am." Panunuya nito sa akin.

"Huh? I think your brain is loose. My mother work's in your place. My father too. Saka Magkapit bahay lang tayo bobo nito."

"I'm not stupid!" Turo niya sa akin na naka tayo na din habang pinapagpag nito ang shorts n'ya.

"Totoo naman! Diba umihi ka sa short mo nuong elementary kasi bobo ka! Iihi ka nalang need mo pa may magbaba ng shorts mo!"

"What!? I'm just a kid at that time!" Depensa niya.

"It doesn't change the fact that you're stupid!"

"Ahh!" Isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw ang pumutol sa akin at agad na napalingon sa mga kaklase ko na sumisigaw.

"Anong meron 'don?" Tanong ko sa sarili ko.

"I don't know, why are asking me?"

Kunot nuo ko itong binalingan ng matalim na tingin. Naka kunot ang nuo nito at parang mag aapoy sa inis.

"Tinatanong ba kita? Assuming masyado." Sabi sabay lakad pero naka ilang hakbang palang ako ay lumabo ang paningin ko at bumabagsak ang katawan mula sa pagkaka tayo.

After that, hindi ko na maalala ang nangyari. Basta pagka gising ko, basang basa akong naka higa sa dalampasigan at ang mas malala ay kasama ko itong damuhong taong ito na walang ibang naitulong kundi ang mag inarte at ngumata ng ngumata ng pagkain.

"Luto na ba?"

Naka upo ito sa harap ko at napapalunok na naka tingin sa kumukulong pagkain.

"Malapit na." Maikli kong sagot.

Parang ayoko munang magalit, baka hindi na ako makapag timpi at s'ya ang iluto ko dito.

Fate Among RuinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon