"What's this? Bat walang lasa?" Reklamo nito sabay tingin sa akin.
"Wag kang maarte. Kung ayaw mong kumain, edi wag."
Paano ko ba naman malalagyan 'yan ng panpalasa kung ako lahat ang trumabaho sa mga basic needs namin dito sa isla? Ang lakas manlait ng luto, kala mo may inambag.
Tinuloy ko ang pag kain at hindi na ito pinansin. Magka salo kami sa shell na pinag lutuan ko kaya magka harap kaming dalawa ngayon.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga n'ya at saka walang magawang kumain nalang din.
"Wala talagang lasa..." Bulong nito. Akala siguro ay hindi ko naririnig.
Tikom na tikom ang bibig ko habang ngumunguya ng isda. Hawak ang maliit na shell na ginamit kong kutsara ay mariin ang daliri kong naka hawak roon.
"Aist...is this even edible?"
Hihigop na sana ako ng sabaw ng marinig ko na naman ang reklamo nito. Tumingin ako sa dagat at pilit na pinapa kalma ang sarili sa inis at baka maibuhos ko sa kanya ang kumukulong sabaw. Baka maka patay pa ako ng reklamador dito sa isla.
"Alam mo? Ikaw? Ang damiiii dami mong reklamo sa mundo, ano? Hm?" May halong gigil kong sabi habang naka tingin sa kanya. Mukha pa nga itong nagulat dahil nag salita ako kaya natapon ang sabaw na nasa shell nito.
"Wala kasing..." Bumagal ang pagsasalita n'ya nuong nakita n'ya ako na naka tingin sa kanya. "Walang lasa..." Tuloy n'ya.
"Pano magkaka lasa 'yan e wala akong oras na maka gawa ng asin kasi puro palpak ka. Kung sana, kahit pag papaapoy lang ng kahoy ay nagawa mo, edi sana may asin na tayo, diba?"
Tikom n'ya ang bibig n'ya at saka sumulyap sa akin.
"I don't know how to start a fire,"
"Anong i don't? Diba nag boyscout ka nuong grade school? Nag cacamp din kayo ng pamilya mo diba? Panong hindi mo alam?"
Kilala ko na kasi itong lalaking 'to since kindergarten kaya alam ko na boyscout 'to. Idagdag mo pa na naging mag kumare ang mga nanay namin. Ewan ko ba, bakit nakilala ko pa itong tao na 'to. Pang display lang ata ang pakinabang sa mundo.
Kagwapuhan lang ang ambag sa sanlibutan.
Hindi ito sumagot saka mailap ang mga matang sumandok ng sabaw.
"Aray!" Sigaw nito ng mapaso ito at nabitawan sa loob ng pinaglulutuan ang shell na hawak n'ya.
"Ayan! Kase naman 'e! Tanga tanga." Gatong ko sa katangahan nito.
Ngiwi nitong sinipsip ang napaso n'yang daliri habang nag mumura ng malutong.
"Tsk!" Umiling nalang ako saka inabot ang luya sa gilid.
Humiwa ako ng sakto saka inabot sa kanya.
"Oh!"
Kunot ang nuo n'yang tiningnan ang luyang hawak ko sabay sa mukha ko. Inilapit ko ulit sa kanya at nilakihan ng mata.
"Dali! Nangangawit na ako."
"Ano naman ang gagawin ko d'yan?"
"Ay! Kainin mo! Oo kainin mo para mawala yang hapdi sa daliri mo," Sarcastic kong sagot sa kanya.
Inabot n'ya iyon na mukhang hindi naniniwala sa akin saka isinubo nito iyon sa bibig n'ya. Napa hampas nalang ako sa nuo ko sa kunsimisyon.
"Bakit mo kinain?!" Sigaw ko.
"Sabi mo kainin ko! Bat ka sumisigaw?"
Dumaing ako at napa yuko nalang sa sobrang frustrated.
"Ako ata ang mauuna sa langit." Bulong ko sabay inangat ang ulo at umamba na babatuhin ko ng luya si Jiro na agad namang nag ekis ng braso para depensahan ang sarili.
"Ewan ko ba. Ewan ko na talaga sayo. Saan ba ang utak mo? Sa mukha mo? Isipin mo nga! Sa bibig ka ba napaso ha? Diba sa daliri!? Di ba naturo sayo 'yan sa scout? Ha? Hays!" Padabog kong inilapag sa kahoy ang luya at nag hiwa ulit ng isa.
"Oh! Ilagay mo sa utak mo! Baka napaso!"
BINABASA MO ANG
Fate Among Ruins
Teen FictionWhat starts as a lighthearted adventure for two friends stranded on a mysterious island quickly turns into a test of survival. As they navigate the island's challenges with humor and resilience, hidden feelings surface, leading to a bond they never...