Gabi na at tahimik kaming dalawa sa loob ng silong. Tanging dahon lang ng saging ang naka latag sa buhangin na nag sisilbi naming panlatag at kapwa malayong naka upo mula sa isa't isa.
Naka tingin lang ako sa kahoy na malakas pa rin ang apoy sa harap namin. Ang ingay mula sa mga kuliglig at iba pang insekto ang tangi kong naririnig.
"Do you think...tomorrow there will be rescue to come?" Napalingon ako sa biglang pagsasalita nito.
He's looking directly at the sea.
"Hindi ko alam."
"Bat di mo alam?"
Ito na naman. Nag uumpisa na naman.
"Magkasama tayo diba? Hello? Okay ka lang? Pano ko malalaman e wala tayong contact kahit kanino. Ni hindi nga natin alam kung saang lupalop ng empryerno naka locate ang islang 'to tas tatanungin mo ako n'yan? Bangag ka na naman."
Hindi ko alam kung makaka alis pa ba kami dito ng buhay o ano. Malay ko ba kung anong isla 'to. Wala akong nakikitang barkong dumadaan sa buong araw kong naka tingin sa dagat. Ni wala nga ring kalapit na isla dito, wala akong matanaw kahit sa malayo. Basta ang meron lang dito puro tubig.
"Baka nga nasa gitna na tayo ng mundo 'e," Bulong ko.
"Don't say that, tsk!"
Bumaling ako saka ngumisi. "Nayy, kabado." Kantyaw ko dito.
Inirapan lang ako nito saka walang sabing nahiga sa dahon ng saging.
Bah, lakas maka irap nito ah?
Umangat ang dulo ng labi ko at umirap. Ewan. Balakajan.
Hindi ko nalang ito tinukso pa at nanahimik nalang.
Nababahala rin ako sa sitwasyon naming dalawa. I know na makakapag survive kami ng ilang araw pero kapag tumagal pa ay hindi ko na alam. Hindi namin alam ang mga bagay bagay na nasa loob ng isla o ang naka palibot dito. Maraming delekadong mangyayari sa amin dito habang tumatagal kami rito at hindi ko alam kung ano ang mga iyon.
Natatakot din ako na baka isang araw, may magka sakit sa aming dalawa at ang mas malala ay kung ako iyon.
Paano na mabubuhay ang isang 'to sa tabi ko? Baka iwan lang ako nito at hayaang mamatay dahil wala naman 'tong alam kung paano mag alaga ng may sakit. Laking Hospital kase, lagnat lang deretso E.R agad akala mo nasa bingit na ng kamatayan e.
Huminga ako ng malalim at saka humiga na sa katabing dahon ni Jiro. Naka talikod ako sa kanya at pumikit na ng mga mata.
Ilang minuto akong naka pikit na ng mga mata at dinadalaw na din ng antok. Nilalamig pa ako at medyo nilalamok ng konti.
Habang nagpapa hila ako sa antok ay naramdaman ko ang malikot na galaw ni Jiro sa tabi ko. Hinayaan ko lang ito at nanatiling naka pikit ang mata. Pero ilang minuto na ang nakaka lipas ay ganon pa din ito.
Nag buntong hininga ako at kinamot ang nuo ko.
Ano na naman bang problema nito? Ang likot likot putek.
"Psst..." Sitsit nito.
"Hm?" Mahina kong responde sa kanya.
"N-naiihi ako..."
Napa dilat ako sa sinabi nito.
"Edi umihi ka. Meron d'yan sa tabe tabe," Malamya kong sagot.
Jusko, iihi lang nang gigising pa. Ano 'yan? Mag papasama pa sa akin? Ang laki laki na 'e. Okay lang sana kung bata, kaso damulag na.
"Samahan mo ako," Duon ako napaupo sa sinabi niya.
Naka upo na din ito at naka harap sa akin.
"Ano ka ba! Iihi lang 'e!"
"Dali na, I'm about to explode."
Napa kamot nalang ako sa ulo ko at iritadong tumayo.
"Ba naman kasi, inaantok na ako 'e. Tumayo ka na! Iiwan kita d'yan."
Mabilis naman itong tumayo saka sumunod sa akin. Sinuot ko ang tsenelas ko saka pumunta sa may talahiban sa likod ng puno ng niyog. Humarap ako sa kanya.
"Oh, umihi kana." Sabi ko sabay lakad pabalik sa silong.
"Wait! Where are you going?"
"Ano? Malamang sa silong!"
"Samahan mo ako!"
Problemado ang mukha nito nuong hinarap ko.
"Ano!? Ako isasama mo d'yan sa talahiban habang umiihi ka? Adik ka ba? Wala namang nuno d'yan para isumpa ka, baka ahas meron!" Iritado kong saad. Ang dami ba naman kasing gustong gawin hindi nalang umihi.
"What are you saying!? Pasama lang naman 'e!" Sabi nito sa akin sabay palihim na tumitingin sa paligid kung may kung ano ba roon na delekado.
Napa padyak nalang ako sa inis saka sumenyas.
"Oo na! Oo na! Duon na umihi kana!" Pag tataboy ko sa kanya.
Hindi ito kumilos sa kinatatayuan n'ya.
"D-dun nalang tayo," Sabay nguso n'ya sa kabilang side saka nauna ng lumakad papunta dun. Kita ko pa na sinisipat n'ya ng tingin ang paligid.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako O maiiyak sa inis at kababawan n'ya.
Lumakad na ako palapit duon saka huminto medyo malayo sa kanya.
"Oh! Umihi kana." Sabi ko.
Binalingan n'ya muna ako ng tingin ng ilang ulit bago pumasok duon sa medyo madilim na parte.
"Wala ngang Ahas d'yan, may multo naman."
"Ahh! Tanya! Will you just shut up!? Aist!"
Humalakhak ako dahil dali dali s'yang lumabas sa likod ng puno at hawak pa ang zipper ng khaki shorts nito. Masama ang tingin sa akin at mukhang hindi pa nakaka ihi.
"What's wrong with you!?"
Hindi ako matigil kaka tawa at masakit na ang tiyan ko.
"Umihi kana! " Sabi ko sa gitna ng tawa ko.
"Wag na! Hindi na ako naiihi!" Sabay martsa n'ya pabalik sa silong.
Napailing nalang ako at tumakas muli sa bibig ko ang hagikgik.
Heh. Wala ka pala 'e.
BINABASA MO ANG
Fate Among Ruins
Teen FictionWhat starts as a lighthearted adventure for two friends stranded on a mysterious island quickly turns into a test of survival. As they navigate the island's challenges with humor and resilience, hidden feelings surface, leading to a bond they never...