DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental
:/
Simula pa bata pa ako, palagi na ako sinasama ni mama sa Mansion kung saan siya nagtratrabaho. Isa si Mama sa katulong sa isang pinakamayaman na tao sa buong mundo."Mara, sinasabi ko sa'yo. Huwag na huwag kang hahawak ng kung anong-anong gamit doon, naiintindihan mo 'ko?" Tinuro ako ni mama habang seryusong nakatingin sa'kin.
"Opo, mama!" Ngumuti ako ng malawak sakanya habang pinagmamasdan itong inaayos ang gamit na dadalhin namin.
Ngumuti si Mama sa 'kin. "Naku, ikaw bata ka! Sinasabi ko sa'yo ha, wag na wag kang magkukulit doon. Naku anak wala tayong pang bayad pag may nabasag ka. Mahal ng mga gamit doon, lalo na ang mga vase."
8 year's old ako ng mga araw na ito, a happy little child. Hindi ako pumapasok dahil kulang kami sa pera, si mama lang ang nagsisilbing ina at ama ko. Ang sabi sa 'kin mama, ang papa ko ay namatay sa isang aksidente noong pinagbubuntis niya pa lang ako.
Malungkot dahil namatay ang papa ko ng maaga at iniwan kami ni mama. Pero okay lang dahil ganon naman talaga ang buhay, hindi palaging nandiyan ang mahal mo sa buhay. They will leave you one day, dahil mamatay sila. Mamatay tayo.
"Magandang Umaga, Aling Sonia." May bumati ki mama na isang lalaking nakauniform ng hindi ko alam kung anong tawag.
Nag-bow ang mama ko dito. "Magandang Umaga din sa'yo Roben." Ngumuti si Mama sa lalaking nakauniform at medyo nilapit ako dito. "Siya nga pala kasama ko ang aking anak na si Amara, Amara si Kuya Roben mo. Isa siya sa mga bodyguard ng mansion na ito, ang bodyguard ay isang pinagkakatiwalaan na tagabantay anak."
Tumungin ako ki mama at dahan-dahan tumango tsaka sumulyap ulit sa bodyguard. "Magandang Umaga po, kinakagalak ko pong makilala kayo."
Ngumuti ako ng malawak dito ay nilahad ang kamay ko para sa shake hand.Simple itong tumawa. "Naku, oo. Kay gandang bata, siya. Kinakagalak rin kitang makilala." Inabot niya ang kamay ko para makapagshake-hand kami,
tumawa lang ako, ganon din ang bodyguard at sabay-sabay kaming tumungin sa malaking gate ng bumukas ito."Roben! Roben! Si sir Kenzo nandiyan na!" Sigaw ng isang lalaking kaparehas ni Kuya Roben ng uniform habang tumatakbo patungo sa direction namin.
Pero hindi ko na ito pinansin ng may pumasok na sasakyan sa malaking gate, lumaki ang maliit kung mata at napa 'o' ang bibig ko, dahil sa pagkaamaze.
Sa hindi inaasahan ay nag-stop sa harap namin ang kotse kasabay noon ang pagbukas ng parang maliit na bintana ng kotse. Hindi ko alam ang tawag doon.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang isang lalaki, gwapong lalaki. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong tao! Wow!
"Roben." Malamig na tawag niya ki Kuya Roben.
"Yes Sir?"
"Clean my car." Simpleng sabi nito at tumungin ki mama bago tumungin sa'kin.
Lumaki pa ang mata pero agad akong ngumuti sakanya pero, pinagmasdan lang ako nito ng mabuti at tinaasan ng kilay bago sinara parang maliit na bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
Señorito Dangerous Addiction [Edited Version]
RomanceSince Kenzo Ezekiel C. Devigorerrazuriz saw Elizabeth Amara B. Velendia outside their school, he could not take his eyes off the child. He seemed to be the target of Cupid in those days. The young man thought that he would never see the girl again b...