"Baka abutin tayo ng gabi dito anak. Kaya wag ka masyadong mainip ha!"
Nang makababa kami sa de three
wheel na sasakyan ay nagsalita si Mama. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papasok kami sa Mansion, hindi pa man kami tuluyan nakapasok ay may biglang pumaradang sasakyan sa harap namin. Isa itong itim na Van, oo Van alam kung Van iyon dahil nakakita na ako nito dati. Meron kasing van 'yung kapitbahay namin."Señorito naman! Hindi kayo pwedeng umalis agad, hindi kayo nagpaalam sa Màma niyo." Lumingon ako kung saan nang galing ang boses na iyon.
Si Aling Korda naglalakad patungo dito sa direksyon namin habang sinusundan si Kuya Kenzo, hindi ko mapigilan sa sariling mamangha dahil sa suot ngayon ni Kuya Kenzo. Para yata mas lalo siyang gumagwapo! Hindi man lang siya nakangiti, seryusong-seryuso siya.
Humarap si Kuya Kenzo ki Aling Korda. "How many times, i told that nagpaalam na ako. Mom, said yes! Ano pa bang binubunganga mo diyan Korda?" Nakapameywang na sigaw ni Kuya Kenzo.
Kailan beses pumikit ang aking mata
dahil sa pagka-amaze sa itsura niya, ang gwapo niya talaga."Pero paano ang pagaaral mo! Iho, nag-aaral ka. Tapos gusto mo magbakasyon? Anong klase iyan." Kunot-noong pangangaral ni Aling Korda ki Kuya Kenzo habang nakahawak pa ang isang kamay sa beywang. "Ang sabi mo ay magbakasyon ka pero bakit lahat naman 'ata ng gamit mo ay dinala mo?! Magbabakasyon ka lang ba talaga Kenzo o Titira kana sa Espanya! Magsabi ka para naman hindi ako magkakanduda kakasermon sa'yo."
Napaayos ng tayo si Kuya Kenzo dahil sa sigaw ni Aling Korda, pinagcross naman niya ang braso niya sa may bandang dibdib. "Korda, hindi kung ikinababahala mo ang pagaaral ko! Wala kana dapat ikabahala. Dahil kung hindi na ako makakapag-aral dito, sa Spain ako magaaral. It's not good for me to stay here, baka may magawa akong hindi maganda. She's to young for me." Sigaw ni Kuya Kenzo at hinawakan ang noo niya. "I will go damn crazy here! Wala man akong tulog dahil sakanya."
Kumunot ang noo ni Aling Korda, hindi siya mapakaniwala sa sinabi ni Kuya Kenzo. "Anong she's to young for! Aba't Kenzo anong pinagsasabi mo diyan? Wag mong sabihin na aalis ka dahil
tatakasan mo ang nararamdaman mo diyan sa babaeng sinasabi mo, dahil lang mas bata sa'yo 'yung babae.""Anak, kailangan na natin pumasok baka mapagalitan tayo. Masama pa naman makinig sa usapan ng iba." Pukaw sa atensyon ko ni mama, tumango ako bago tumungin ki Aling Korda sakto noon ang pagharap sa 'min ni Kuya Kenzo na ikinagulat niya.
Ngingitian ko na sana siya ng bigla niyang iniwas ang tingin at naglakad paalis na agad sinundan ni Aling Korda.
"Kenzo Ezekiel! Nakung batang! Kenzo!"
Sinundan ko pa sila Aling Korda ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko, nakanguso akong humarap sa harap.
Aalis si Kuya Kenzo? Dahil daw sa babae? Iyon lang ang tumatak sa ulo dahil ang ibang sinasabi ni Kuya Kenzo ay hindi ko maintindihan. Bakit naman siya aalis ng dahil lang sa babae? Tatakasan ang nararamdaman? Ano bang nararamdaman ang sinasabi Aling Korda?
Nakaramdam ako ng kalungkotan dahil sa nadinig ko, aalis daw si Kuya Kenzo, ni hindi ko pa nga siya nakakausap ngayong araw aalis na siya. Naglakad ako patungo sa swimming pool habang hawak si Mickey Mouse pero bago pa man ako naglakad uli ay may humuli na naman ng braso ko at ganon na lang ang gulat ko ng makita kung sino 'yon.
"Kuya Kenzo!" Masayang sigaw ko pero agad niya din akong senenyasan na wag masyadong maingay, luminga-linga pa siya sa paligid kaya naman hindi ko din mapigilan na luminga-linga, wala namang mga tao ah.
"Sabi ko sa 'yong wag mo 'kong tawaging Kuya, I'm not old!" Mahinang bulong niya sa 'kin at saka kumuha siya ng maliit na upuan bago umupo doon para magkapantay kami.
BINABASA MO ANG
Señorito Dangerous Addiction [Edited Version]
RomanceSince Kenzo Ezekiel C. Devigorerrazuriz saw Elizabeth Amara B. Velendia outside their school, he could not take his eyes off the child. He seemed to be the target of Cupid in those days. The young man thought that he would never see the girl again b...