Chapter 4

1K 28 2
                                    

ROSSTERO ETHAN'S POINT OF VIEW

Wazup guys, I'm Rosstero Ethan A. Luiz. Call me Rosstero in short, yah english 'yung intro ko ah. Oh! Wag niyo akong husgahan, hindi ko kasalan na perfectionist ako. Kasalanan iyon ng mga magulang ko.

"Rosstero, mamaya abangan kana lang namin d'on sa may gate niyo. Wag mong kalimutan, sasapakin talaga kita." Binatukan ako ng gago sa ulo.

Kumunot ang noo habang hawak kung saan ako binatukan ng gago. "Aba't swempre hindi ko makakalimutan, gago!" Pinakyuhan ko siya matapos ay nagwalk-out. Nakita ko kasi si Kalix na pa-alis na kaya sinundan ko ito.

Grabi ang bilis maglakad saan naman kaya ito pupunta, kumunot ang noo habang binibilisan din paglakad para masundan ito. Uuwi na 'ata siya pero bakit ganon ang bilis naman niya maglakad. Tinutupak ba siya ulit? Tsk, ito talagang lalaking 'to. May saltik din.

Kinamot ko ang ulo ko at saka nilagay ang isang kamay sa bulsa ng black pants ko. Nasa labas na kami ng gate, malayo na nga masyado ng biglang tumigil si Kalix sa paglakad, tumakbo ako at inakbayan ito.

Nagulat itong tumungin sa 'kin at saka binalik ang tingin kung saan siya nakatingin kanina, nawala iyong ngiti ko ng makita kung saan siya nakatingin kanina. What the heck is this!?

Ba-bakit? Bakit may lalaking kayakap si Elizabeth?! Hindi ba ako namalik-mata? Totoo ba ito? May lalaking hawak ang beywang ni Elizabeth habang may cigarette na hawak sa isang kamay. Gagi! Men in black pa ang gago! Sino ba ito? Boyfriend niya ba? At kailan pa nagkaboyfriend ang babaeng ito? Bakit hindi nag-share ng chika?

"Alisin mo ang braso mo sa balikat ko, Rosstero!" Walang emosyon na sabi niya.

Nabalik ako sa ulirat ng nagsalita siya, tumungin ako dito ng nakakunot-noo habang ito naman ay hindi nakatingin sa 'kin. Wala sa 'kin ang tingin nito kundi ay nasa unahan namin, wala siyang emosyon nakatingin kila Elizabeth. Shit naman oh! Alam kung nasasaktan siya dahil alam kung gusto niya si Elizabeth. Oo! Gusto niya malaking G-U-S-T-O simula bata pa kami gusto niya na si Elizabeth.

Bumuntong-hininga ako. "Kalix, wag munang tingnan. Baka Kuya niya lang, wag ka munang mag-isip ng kung ano. Sinasaktan mo ang sarili mo."

"Tigilan mona nga ako, wala siyang Kuya. Kaisa-isang anak lang siya ni Tita kaya wag mo 'kong gagohin." Tinanggal niya ang braso ko na naka-akbay sakanya at sinumulang tumalikod sa 'kin at naglakad palayo.

Bumuntong-hininga ako, sumulyap muna ako saglit ki Elizabeth bago ko siya sinundan. Ganito naman palagi ang ginawa ko eh, kaya sanay na ako. Sanay na sanay na ako, hindi naman talaga kami magka-away sadyang may dahilan kung bakit kami nag ganitong dalawa ngayon. Yeah, close kami ng mga bata pa kami pero nagbago iyon ng araw na iyon. Inis na inis nga ako sa sarili ko eh, sana pala hindi ko na lang iyon ginawa. Sana pala pinag-isipan ko ng mabuti bago sabihin hindi sana kami ganito ngayon, tangina! Para akong babae dito ngayon ah!

Matapos ng dalawang subject namin sa school ay agad nagsilabasan ang mga kaklase ko sa classroom swempre. Recess na at nagsisitakbuhan na sila para mauna sa pagpili sa canteen. Ganito kasi dito sa school namin kahit na private ito kailangan pa din namin matuto ng mga simpleng bagay na kailangan naming matutonan at wag masyadong maging spoil halimbawa, katulad na lang nitong pagpila sa recess para bumili ng pagkain gusto namin.

Sila ay nagsisitakbuhan na habang ako ay tatayo pa lang at aayusin ang mga gamit ko, ilalagay ito ng maayos sa bag. Away kung magulo ang mga gamit, masyado akong na-iistress pag nakakakita ako ng magulong bagay.

Gusto ko perfecto na lahat ng bagay para wala na akong isipin pa, mahirap na. Mas lalo na at palaging pinapaalala ng utak ang mga bagay na parang hindi maganda ang gawa ko o kaya naman ang hindi ko pa nagawa. Nakakainis iyon dahil bigla na lang akong sumisigaw sa galit pagkinakausap.

Señorito Dangerous Addiction [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon