Niño Sandoval's POV
"Niño? Matulog ka muna." Ang sabi ni Alex sa akin habang naghahanda kami ng makain para sa mga nakiramay.
"Hindi naman ako inaantok, Alex." Sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Kasalukuyan kong nilalagyan ng tubig ang takuri at isinalang muli sa apoy.
"Kagabi ka pa walang masyadong tulog. Tapos may lagnat ka pa kaya ka nahimatay kahapon." Inagaw nito ang hawak kong isang tray ng baso para sana dalhin sa labas ng bahay kung saan nakapwesto ang mga tao. "Alam mo, hindi nakakatulong iyang pagmamatigas mo. Marami namang kabataan ang handang tumulong sa mga gawain dito. Tingnan mo naman."
Tinuro ni Alex ang dalawang batang naghuhugas ng mga basong nagamit kagabi. Si Monet, anak ni Aling Nena at ang pinsan nitong si Ashley. Sila na ang nagpumilit kaya hinayaan ko na. Halos lahat ng nakakilala sa amin ay tumulong para sa burol ni papa. Lalo na si Alex na nagpacharity operation pa talaga para lang maayos ang burol ni papa. Nahiya nga ako dahil sa ginawa nito e, pero ang sabi niya ay ginawa niya lang kung ano ang tama.
Wala na akong naging problema sa burol ni papa, ang problema ko ay kung paano ko babayaran ang pagpapagamot kay mama. Si mama ay kasalukuyang nasa hospital dahil inatake ito after kong ipaalam sa kaniya ang sinapit ni papa. Alam kong sobrang sakit para kay mama ang nangyari kay papa, ganoon din sa akin. Dahil nagpaulan ako noong nakaraang gabi, inatake ako ng matinding trangkaso. Nalunod ako ng lagnat kaya ako nawalan ng malay. Pero agad namang naagapan. Ngayon pa nga lang medyo gumaan ang pakiramdam ko e. May ubo at sipon parin ako pero kailangan kong magpakatatag. Hindi naman dapat na palagi kong i-asa sa iba ang responsibilidad ko. Dapat ko lang gawin ang mga ito dahil magulang ko ang nabiktima.
Masakit para sa akin ang nangyari kay papa. Nang una kong makita ang bangkay niya sa tabing ilog ay halos gumuho ang mundo ko. Sobrang sakit lang dahil hindi man lang ako pinagbigyan ng panginoon na bumawi sa mga nagawa ni papa sa akin. Sa kaniyang mga sakripisyo. Alam kong may rason ang lahat ng ito pero ano? Bakit kailangan pang kunin ang mahal ko sa buhay?
"Ayan, natulala ka na naman. Magpahinga ka muna. Promise, ako na ang bahala dito." Inakbayan ako nito papasok sa maliit kong kwarto saka inalalayan para mahiga.
"Hindi naman ako inaantok e." Pagmamaktol ko. Bumangon ako at naupo sa gilid ng kawayan na higaan.
"Hayyyy... Ang kulit mo rin minsan e." Umupo si Alex sa tabi ko. "Kailan mo balak bisitahin ang mama mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Baka mamayang gabi na. Malayo-layo rin kasi ang bayan. Hindi ko naman puwedeng iwan nalang kayo dito."
"Andito naman ako e. Saka, papupuntahin ko dito ang dalawang katulong namin para tulungan ako sa mga gawain." Ngumiti si Alex sa akin. Ngiti na parang sinasabing huwag na akong mag-alala.
Nakakahiya talaga para kay Alex dahil noong nakaraang gabi pa ito hindi natutulog. Ayaw niya namang matulog dahil gusto raw niyang tumulong sa akin. Iidlip ito pero sandali lang at babangon ulit para gawin ang ilang gawain dito. Hindi ko na alam kung paano ko siya masusuklian.
"Huwag na Alex. Sobrang nakakahiya na saka hindi ko na alam paano ka masusuklian." Nakayoko kong wika. "Sa totoo lang, hindi ko in-expect na ganito ang mangyayari. Puro saya lang kasi ang nasa isip ko. Marami akong pangarap noon para sa magulang ko, pero mukhang hindi na iyon matutupad." Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko pero kaagad ko lang pinahiran. Dapat ay tanggapin ko na ang nangyari kay papa at mag focus nalang sa ina, pero hindi ko talaga mapigilang ma-miss ang masayang ala-ala namin ni papa.
YOU ARE READING
Sweet In His Forty [BXB] ✓
RomanceSa edad na kuwarenta, nagawang palakihin ni Hades Villanovan ang maliit na sakahan ng kaniyang ama. Naging isa siya sa pinakamayaman sa bansa. Puro business ang nasa utak niya at wala ng iba pa. Para sa kaniya, mas importanti ang pera kaysa sa anuma...