Niño Sandoval's POV
"S-salamat po, Don Hades." Wika ko pagkababa sa kotse niya.
Ngumiti ito at sinenyasan na pumunta sa kabilang parte kung saan siya nakapuwesto. Walang pag alinlangan ko naman itong sinunod.
"Lapit ka." Senyas niya na payukuin ako para dumungaw sa pinto ng kotse niya.
"Po? Bakit po?" Naguguluhan kong tanong. Nakakainis rin itong lalaking 'to e. Hindi ba niya alam na naiilang ako?
"Basta lapit ka." Muli itong ngumiti ng matamis kaya agad akong napasunod. Nakaka-distract talaga ang ngiti niya!
Bahagya akong yumuko para magka-level ang aming mukha. Nang magkalapat na ang aming mukha ay agad niya akong hinawakan sa batok at siniil ng halik. Gulat ako. Pagabi na pero hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya baka kasi may nanonood.
"Uhmmm..." Ungol niya habang pinipilit na ipasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko. Pero nanatili lang akong nakatikom at nakapikit. Gusto kong halikan ito pabalik pero hindi ko magawa. Nahihiya ako baka nanonood ang mga kapitbahay!
"Kiss me back. Alam kong gusto mo rin akong halikan." Bulong niya sa gitna ng halikan namin. Kinagat niya ang aking labi kaya napa 'ahhh' ako. Malaya niyang ipinasok ang dila sa loob. Para niyang nililinis ang bibig dahil sa likot ng kaniyang dila.
Kalaunan ay hindi na ako nakatiis. Humalik na ako pabalik, bahagya kong naramdaman ang pag ngisi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin at pinalalim na ang halik. Wala akong karanasan sa mga ganitong bagay, pero pag ang Don ang humalik, bigla nalang gumagalaw ng kusa ang bibig ko na parang may sariling buhay.
"That was hot, baby." Nakangiti niyang sabi. Sobrang lapad ng kaniyang ngiti na halos umabot na ito sa kaniyang tainga.
"M-mauna na ho ako, Don Hades." Nahihiya kong wika. Nakayuko lang ako dahil hindi ako makatingin ng diritso sa kaniya.
"Goodnight, baby. Mag usap tayo bukas." Sabi niya at kinuha ang kamay ko saka hinalikan sa likod ng palad. Tumango lang ako. Nang tingnan ko ang Don ay hindi parin natanggal ang ngiti sa kaniyang labi.
"G-goodnight rin sayo, Don Hades."
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Wala bang goodnight kiss diyan?"
May halong pang-aasar sa boses niya kaya umirap nalang ako at tumakbo papasok sa bahay dala ang pagkain kanina nang dumaan kami sa drive-thru. Pag lingon ko ay tumatawa ito at muli akong kinindatan. Pasimple akong humawak sa pinto dahil parang nawawalan ako ng lakas. Kanina parin kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Is this what they called love?
He mouthed and waved goodbye. Tiningnan ko nalang ang sasakyan niya hanggang sa makaalis. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papano ay kumalma narin ang puso ko.
Agad akong pumasok at nadatnan si mama na naka-upo. Humalik ako sa kaniya at saka pinaghanda siya ng pagkaing binili namin kanina ni Don Hades sa Jollibee. Nagpupumulit kasi itong dalhan ng pasalubong ang ina kaya hindi nalang ako umagal. Ginamit na naman niya ang kaniyang nakakatakot na awra at boses. Kaya sinong makakatanggi? Baka lapain pa ako no'n.
"Ma, kumain muna kayo. May dala akong pagkain. Si Don Hades mismo ang bumili nito. Saka alam niya rin ang mga bawal at puwede sa inyo." Nakangiti kong kwento at sinubuan si mama ng pagkain. Tango lang ang sagot ni mama habang ako naman ay madaldal na kinikuwento ang nangyari buong araw. Of course, except sa halikan namin.
YOU ARE READING
Sweet In His Forty [BXB] ✓
RomanceSa edad na kuwarenta, nagawang palakihin ni Hades Villanovan ang maliit na sakahan ng kaniyang ama. Naging isa siya sa pinakamayaman sa bansa. Puro business ang nasa utak niya at wala ng iba pa. Para sa kaniya, mas importanti ang pera kaysa sa anuma...