01

524 28 15
                                    

Kalilipat lang namin ni Snop ng school. Ewan ko rin kung bakit umalis si Snop sa Glamorous. Sinusundan ko lang naman siya kung saan siya, e.

“Ang tagal naman niya,” reklamo ko kaya naglakad-lakad muna ako rito.

Maganda naman dito sa Gomez University. Malaki at malawak ang school na ’to kaya marami ring studyante.

“Uhmm~”

Napatigil ako dahil do’n. What was that?

“Yeah~”

Naglakad ako palapit sa isang room. Walang tao rito dahil bakanteng room ’to. Bakit may naririnig akong umuungol?

“Yeah, like that, yeah~”

Marahan kong sinilip ang medyo nakaawang na pinto.

“Hmmm~”

Napatakip ako sa bibig ko at mabilis na umalis sa tapat ng pinto.

What the fvck? My innocent eyes.

May gumagawa ng milagro ro’n. Nakakaiyak, nakita ko sila. Oh my gosh!

“Anong nangyari sa ’yo?” tanong sa akin ni Snop pagkarating ko sa room namin.

Mukhang kararating lang din niya base sa bag niyang nakasukbit pa sa kaniya.

“May nakita akong hindi dapat makita,” tulalang sabi ko sa kaniya.

“Huh?” takang tanong naman niya.

“May gumagawa ng milagro,” sabi ko pa at tiningnan na siya.

Salubong ang kilay at hindi magets ang sinasabi ko. Ang slow ng potek.

“Saan?” tanong niya na naman.

“Sa bakanteng room,” sagot ko at napailing nang maalala ko na naman.

“Sino naman ’yon?” Naupo na siya sa tabi ko.

“Si Reid,” mahinang sagot ko.

Napabuntong hininga ako. Si Reid ang lalaking matagal ko ng gusto. Kahit nasa Glamorous pa lang kami ni Snop ay gusto ko na siya kaya nga laking tuwa ko na rito kami nalipat ni Snop.

“Nakikipags*x?” inosente niyang tanong sa akin.

Tumango ako at nakangusong tiningnan siya. Alam niya kasing gusto ko ’yung tao kahit na babaero.

“Hindi ko naman nakita lahat, I mean saglit ko lang nakita,” mas napangusong sabi ko.

Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko dahil do’n. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko magawang alisin sa isip ko ’yung nakita ko.

“Walking red flag ’yan, sis!” naiiling niyang sabi sa akin.

Napabuntong hininga na naman ako. Kahit naman ilang beses na niyang sinabi sa akin ’to hindi pa rin ako tumitigil sa pagkagusto kay Reid.

He’s my first crush.

Dumating na ang teacher namin kaya natigil kami ni Snop sa pagkukwentuhan. Nag-attendance lang at nagsabi ng ibang mga dapat tandaan namin.

“Kinakabahan ako, Bes.” Palabas na kami ngayon ni Snop ng room.

Walang masyadong gagawin dahil first day pa lang naman. Grade 11 na kami. Hindi ko pa yata keri.

“Bakit ka kinakabahan?” tanong ni Snop.

Umangkala ako sa braso niya habang nagkukwentuhan kami papuntang cafeteria.

“Nand’yan na sila Rix,” rinig kong sabi ng isang studyante habang nasa pila kami.

Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Kasama kaya nila si Reid? Sana hindi ako nakita ni Reid kanina.

Playful Heart (Glamorous Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon