29

153 24 7
                                    

Pare-parehas pa rin kaming nasa pintuan para pakinggan sila Snop. Nakasara ang pinto para hindi kami makita.

“Parang wala na akong naririnig sa usapan nila,” sabi ni Austin at mas idinikit pa ang sarili sa pinto.

“Baka may ginagawa na silang iba,” malisyosong sabi naman ni Reid kaya nabatukan siya ni Jatyr. “Minky, sinasaktan ako,” sumbong niya sa akin.

“Utak mo naman kasi masyadong berde,” sabi ko at natatawa pa nga.

“Ipagtanggol mo  naman ako,” nakanguso pa niyang sabi sa akin.

“Shhh! Huwag kayong magulo,” saway pa sa amin ni Austin.

Inambahan naman siya ng hampas ni Reid pero parang wala lang sa kaniya.

“Wala na rin akong naririnig,” sabi ni Zild.

Tumahimik na kami para marinig sana sila Snop pero wala nga kaming naririnig na.

“Mukhang iba na nga ang ginagawa,” nakangising sabi na naman ni Reid.

“Labasin na kaya natin?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman kaming lahat.

“Mamaya na, baka makastorbo tayo,” sabi ni Austin at binalik ang tainga sa pinto para makinig.

“Labas na r’yan, umuwi na tayo,” malakas na sabi ni Snop.

Napaayos kami ng tayo dahil do’n. Nagtinginan na naman kaming lahat at sabay-sabay na natawa.

“Pwede na raw, tara na,” sabi pa ni Jatyr at nauna pa siyang lumabas na agad naming sinundan.

“Why?” tumayo na rin si Rix at humarang sa harapan ni Snop.

“Mukhang ibang ganap ang nangyayari,” mahinang sabi ni Reid na katabi ko na ngayon.

“Akala ko pa naman porn ang madadatnan natin,” sabi naman ni Austin kaya nabatukan siya ni Zild.

“Ayaw mong sabihin kung bakit ka nagkagan’yan diba? Sabi ayos ka lang diba? Ano pang ginagawa namin dito kung ayos ka naman pala,” mabilis na namang sabi ni Snop at binangga niya si Rix para harapin kami.

“Galit ka na n’yan, Snop?” tanong ni Jatyr.

“Galit na s’ya n’yan,” sabi ni Zild at natawa pa kaya sinamaan s’ya ng tingin ni Snop.

“Yes, galit na ’yan,” sang-ayon ko naman habang nagpipigil ng tawa.

“Gan’yan ka lang magalit, Snop?” tanong ni Austin sa kaniya. “Parang hindi ka galit ha,” dagdag niya pa at tumawa pa talaga.

“Imbes na matakot, natatawa pa ako,” sabi naman ni Reid.

Pinagtawanan nga nila si Snop. Busangot naman ang mukha ni Snop at halatang naiinis.

“Uuwi na ako, bwisit kayo,” inis niyang sabi at tinalikuran na kami.

“Sab,” tawag ni Rix sa kaniya at hinawakan pa siya sa braso.

Irita namang nilingon ni Snop. “Ano, Andrei?” tanong nito.

“Ang cute magalit,” rinig ko pang sabi ni Zild pero hindi na lang pinansin nila pinansin.

“Uuwi na ako,” sabi ulit ni Snop at binawi ang braso niya pero muling hinawakan ni Rix.

“Let’s go,” sabi naman ni Rix.

Pagtataka ang bumalatay sa amin dahil sa sinabi ni Rix.

“Saan kayo?” tanong ko

Snop shrugged. Hindi rin niya alam kung saan sila pupunta ni Rix.

Playful Heart (Glamorous Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon