06

168 25 5
                                    

Days had passed. Natapos na ang pachill chill naming araw dahil ngayon ay may schedule na kami.

Madalas pa rin naming nakakasama sila Reid. Ganoon pa rin siya sa akin, sweet at kung ano pa. Hindi ko binibigyan ng malisya dahil ayaw kong umasa pero hindi ko rin naman maiwasan.

“Dapat kasi nag-aalmusal ka na sa inyo,” sabi ni Snop sa akin.

Ilang beses na niyang sinasabi ’to sa akin. Ako naman ay ganoon pa rin ang laging sinasagot sa kaniya.

“Hindi ko feel kumain sa bahay kapag umaga,” sagot ko sa kaniya.

“Gusto mo lang ako kasabay, e,” mapang-asar namang sabi niya.

“Asa ka!” inirapan ko siya at inalis ang kamay niyang sumusundot sa akin.

“Kunyari ka pa,” nang-aasar pa rin siya. “Libre mo ako,” dagdag niya at tumigil na sa pagsundot sa akin.

“D’yan ka magaling,” sabi ko at inakmaan siyang hahampasin na agad niyang inilagan.

“Dali na,” nagpapacute pang sabi niya.

“Oo na, maghanap ka nang upuan natin,” utos ko sa kaniya na agad namang sinunod.

“Love you,” sabi niya pa pero hindi ko na lang pinansin.

“Anong order mo?” sigaw kong tanong. Wala akong pakielam kung maingayan sa akin ang ibang nandito.

“Katulad ng sa ’yo,” sabi niya naman kaya bumalik na ulit ako sa pag order.

Naghintay lang ako saglit kaya napadako muna ang tingin ko kay Snop na ngayon ay may mga kasama na.

Nagtama ang paningin namin ni Reid. Ako rin ang agad na umiwas sa kaniya.

“Nandito na naman kayo?” bungad ko sa kanila paglapit ko.

“Kakain din kami,” sabi ni Austin.

Naghilian pa sila kung sino ang oorder. Inayos ko na ang food namin ni Snop. Si Reid naman ang umorder ng sa kanila.

“I forgot the water,” sabi ko kaya bumalik na naman ako sa counter para sa tubig namin ni Snop.

“Good morning,” mahinang bati sa akin ni Reid pagpunta ko ro’n.

“Morning,” bati ko rin.

Maayos na kami, isang linggo na rin naman kaming magkasama niyan at madalas kaming magkausap sa chat. Hindi ko alam kung anong meron sa amin ngayon.

“Wait for me,” sabi niya na tinanguan ko na lang.

Siya pa naman ang inaasikaso ngayon kaya talagang mahihintay ko siya. Tubig lang naman ang sa akin.

“Bottled water po, dalawa,” sabi ko sa babaeng nag-aasikaso rito.

“How’s your sleep?” tanong sa akin ni Reid.

Lumapit pa siya sa akin at bahagyang naglean para magpantay ang paningin namin. Tangkad niya kasi.

“Tulog pa rin,” pambabara ko sa kaniya.

He chuckled. He also pinched my cheek.

“Mana ka talaga sa kaibigan mo,” natatawang sabi niya pa rin.

“Ikaw rin,” sabi ko naman.

“What?” nakangising sabi niya at bahagya pang lumapit sa akin.

Ramdam ko ang tingin ng ibang studyante sa amin pero wala man lang pakielam ang isang ’to.

“Babaero,” pairap kong sabi at bahagya siyang tinulak para makuha ko na ang binibili kong tubig.

Hindi na ako muling nagsalita nung siya na ang kumuha ng order niya. Sabay lang kaming bumalik sa table namin at nadatnan na nag-aasaran ang mga nando’n.

Playful Heart (Glamorous Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon