48

237 21 7
                                    

“December 30 ang birthday ni Reid diba?” hindi ko na napigilang itanong.

“Yes, double celebration niyan,” sagot ni Rix. Hindi naman siya ang kausap ko.

Pero siya na nga ang sumagot dahil puno ang bibig ni Snop. Takaw naman kasi.

“Ang alam ko ay beach wedding ang kila Angela,” sabi naman ni Austin.

“Oh? Maganda ’yon,” natutuwang sabi ko naman.

Isa sa mga pangarap ko ang beach wedding. Pero mas gusto ko pa ring sa simbahan mismo ikasal.

“Suggest mo kay Reid na sa beach na lang ang wedding ninyo,” nakangising sabi naman ni Jatyr sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin na siyang ikinatawa naman niya.

“Nagkausap na ba kayo ni Angela?” tanong ni Zild sa akin na inilingan ko agad.

“Isang taon na ring mahigit, simula nung nangyari ’yon, hindi na kami nagkausap pa,” sagot ko naman.

“Bakit hindi ninyo pag usapan ang nangyari? Tutal nangyari na nga naman na, wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin at magpatawad sa nangyari,” sabi pa ni Zild.

“Hindi lahat deserve ang kapatawaran,” wala sa loob kong sabi. “Pero tao lang din naman tayo at nagkakamali,” dagdag ko pa.

“Ang alam ko ay nasa Batangas na siya ulit, last week lang yata sila lumipat,” sabi ni Snop kaya napatingin ako sa kaniya.

“Pupuntahan ko pa ba siya sa Batangas para lang makausap?” saracastic kong tanong.

Wala akong pakielam kung mainis si Snop sa akin dahil doon. Alam naman niya ang ginawa ng kaibigan niya sa akin. Isa pa, best friend niya ako, alam niya lahat ng pinagdaanan ko.

“Pupunta tayo,” pagtatama niya pa sa sinabi ko.

“Kailan? Balita ko magaganda raw ang lugar doon, pwedeng mag hiking!” excited na sabi ni Austin.

“Hoy! Gusto ko ’yan!” natutuwang sabi rin ni Snop. Magkasundong-magkasundo.

“Go na natin ’yan,” natatawang sabi ko rin.

Inasikaso ko na lang ang anak kong gutom ngang talaga. Hinayaan ko na lang ang ibang magkwentuhan tungkol sa pagpunta sa Batangas.

“Mirei Kydenne!” malakas kong tawag sa anak ko na naabutan kong nagkakalat ng pagkain niya.

Ang aga-aga kong stress dahil sa kanila ng mga tito niya. Gosh! Kagigising ko lang at grabe ang kaba ko nang makita kong wala siya sa tabi ko kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto.

At ang naabutan ko lang naman ay ang madungis kong anak kasama ang tita Snop niya at ang lima.

Lima? Oh sh*t! Bakit nandito si Reid?

“Hala ka! Full name mo na ang tinawag sa iyo, lagot ka na!” pinandidilatan pa ng matang sabi ni Austin kay Mirei na akala mo naman ay maiintindihan siya nito.

Lumapit ako sa anak kong puro kalat ang table at ang dungis ng mukha.

Jusko! Sa araw-araw nilang pagbisita rito ay sobrang stress na ako talaga. Kung anu-ano ang ginagawa nila sa anak ko.

“Kumakain lang naman ang anak mo,” sabi pa ni Snop.

Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa kanila.

Pagsubok lang ’to. Oo, araw-araw akong snusubok sa kanila.

“Kumakain nga, tingnan mo naman ang itsura! Jusko kayo, ikaw maglilinis niyan, Austin.” Tinuro ko pa si Austin at pinanlakihan ng mga mata.

Playful Heart (Glamorous Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon