Naabutan ako ni Daven na iritado ang pagmumukha. Ang sabi ko lang nagugutom na ako kaya binayadan niya na agad ang napili niyang sapatos. Samgyup ang napili ko na kainan para doon kami magdinner mag aala sais na din ng gabi at ang sabi naman ni Daven alam ni Mama na magkasama kaming dalawa. Ako ang nagluluto at pinapanood lang ako ni Daven hinihintay na lagyan ko siya.
"Excuse me, available for two?" kahit hindi ko lingunin kung saan galing ang boses na yon alam ko na boses yon ng lalake kanina! Patuloy ako sa pagluluto ng beef hanggang sa nabitawan ko yung tongs at gumawa ako ng ingay. Antonette ano ba! Dinampot ko yung tongs pero napaso ako! Tumawag si Daven ng assistant or crew para matulungan kami.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Daven. Tumango ako at pinakitang hindi ako nasaktan masyado. Nakakahiya! Inasikaso ng staff yung grill namin at binigyan nalang kami ng bagong tongs. Nakatingin ako sa ibaba ng naramdaman ko na may humablot sa kamay ko. Magrereact na sana ako ng marealize ko na hindi si Daven iyon.
"I'm a Doctor and your hand calling for my help" yung lalakeng nasa sandals station kanina! Hindi ko alam kung babawiin ko ba yung kamay ko o hahayaan siya, ang awkward naman!
"Okay na yan, ako na" binawi ni Daven ang kamay ko at siya na ang naglagay ng cold compress dito. Ngumisi naman itong doktor na to at umayos ng tayo. Tinawag siya ng staff para sabihin na may available table for two.
"Jealous huh?" umalis na siya at naglakad papunta sa lamesa na hindi naman masyadong malayo sa amin.
"Kilala mo ba yon?" tanong ni Daven. Siya na ang nagluluto ngayon at ako naman ang naghihintay.
"Hindi" hindi ko naman talaga siya kilala! Nakita ko lang siya kanina hindi ko nga alam ang pangalan niya!
"Eh bakit parang kilala ka niya?" hindi ako sumagot at kumain nalang. Pakiramdam ko nakatingin yung lalake sa akin kaya pinilit ko dedmahin. Kumain lang kami ni Daven at paminsan minsan nagkwekwentuhan about sa plano namin after graduation. Ang sabi niya baka bumalik siya sa Canada since ayun ang gusto ng daddy niya habang ako naman maghahanap agad ng trabaho para may pera na din ako at makapagtayo ng business. Nagtext na sa akin si Kuya na gabi na daw at umuwi na ako kaya nagdahan-dahan kami ni Daven kumilos bago pa ako umalis hinanap ng mata ko yung lalakeng tumulong sa akin. Kinabahan ako at bigla umiwas ng tingin na nakita kong nakatingin na siya sa akin bago ko pa siya makita! May kasama siyang isang magandang babae, kadate niya ata. Bwisit to may kadate na sa iba pa tumitingin! Umalis na kami ni Daven sa samgyup at pumunta na sa parking lot.
"Thank you, kitakits nalang tayo sa Monday" sabi ko kay Daven bago bumaba ng kotse niya. Hinintay niya ako makapasok sa Gate bago niya pinaharurot ang sasakyan niya.
Kumakain sila Mama sa kusina nung dumating ako, umupo ako sa sofa habang nakikipagkwentuhan sa kanilang dalawa. Nakasanayan na din naming tatlo na palagi naguusap sa umaga at gabi. Bonding ng pamilya. Ang sabi kasi ni Mama habang andito pa daw kaming dalawa ni Kuya walang pamilya gusto niya sulitin na mga bata pa kami at wala pang sariling pamilya. Bata pa si Mama pero hindi na siya naghanap ng bago ulit na asawa, masaya na daw siya sa amin ni Kuya kahit iba ibang babae dinadala niya linggo-linggo!
"Antonette, kamusta pala doon sa kaklase mo? Ano malaki ba yung bahay? Kwentuhan mo naman si Mama anak" excited si Mama habang tinatanong ako. Kwinento ko kay mama at pinakita yung natapos namin ni Vhina. "Ang galing mo talaga anak! Hindi ako nagsisi na ginapang kita diyan sa pagiging Architect mo! Proud na proud sayo si Mama, huwag kang gagaya diyan sa kuya mo na halos babae nalang at barkada!" bulong niya sa akin. Malambing si Mama at close kaming dalawa. Naalala ko pa noon, siya mismo naghanap ng manliligaw sa akin! Kung sino sino ang hinanap niya at nirereto!
"Huwag mo ngang utuin yan ma, baka mas lalo lumaki ulo niyan nako! Mahirapan maghanap ng mapapangasawa!" singit ni kuya.
Naghugas si Kuya ng plato habang si Mama naman ay binuksan ang tv. Nagpaalam na ako na aakyat sa kwarto para magpahinga dahil napagod ako buong araw. Naghanap ako ng pantulog at naligo. Iniisip ko yung lalake kanina, teka ano?
"Ano ba antonette! Sa dami na pwede isipin ayun pa? Baliw ka ba?" pinipilit ko alisin sa isip ko yung lalake kanina pero shuta! Hindi mawala-wala, nakikita ko yung mukha niya, yung mata pati amoy niya pakiramdam ko nakadikit sa ilong ko! Nababaliw na po ba ako? Lumabas na ako sa banyo dahil baka masira ang ulo ko sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbrowse. Nagsend si Vhina ng selfie kasama yung plates namin.
Vhina sent photo.
Ang ganda ng gawa natin sabi din ni daddy!
Nireact ko ng heart yung picture at nagdecide ako na ipost siya sa ig story. Nilagyan ko ng gif na "so proud" at minention ko si Vhina. Hindi ako mahilig maglagay ng story, bihira lang at hindi ko pa mukha. Mga lugar lang o di kaya mga bagay na importante sa akin.
Evand_ replied to your story: wow bff!
antonetteeet: tigil ka nga!
Pinatay ko na ang ilaw dahil gusto ko ng matulog. Kinabukasan, pumunta kami ni Mama ng simbahan para umattend ng misa. Ang sabi ni Kuya hindi daw siya makakasama dahil may plano daw silang magbabakarda na magsimba mamayang hapon kaya hinayaan nalang namin siya ni Mama. Nakakamiss maging bata, ayan ang nasa isip ko habang tinitingnan yung mga bata dito sa simbahan kasama ang magulang nila. Malaya sila maglaro, walang inisip kung hindi maglaro lang.
May mga bagay talaga sa buhay na dapat sinusulit mo na dahil hindi mo na pwede ulit balikan.
Pagtapos ng misa, nagpunta kami ni Mama sa palengke para bumili ng ulam namin ngayong lunch. May pamilyar ako na babae na nakita, sinubukan ko alahanin kung sino siya pero hindi ko na maalala! Ang tanda ko na ba?
"Nak saglit lang bibili lang ako sa suki ko, dito ka muna" paalam ni Mama. Nakaramdam ako ng gutom, kaya lumapit ako kay Manong na nagbebenta ng siomai.
"Kuya isa nga po" sabi ko, habang kumakain ako ng Siomai naisip ko bigla kung asan si Daven. Wala kasi siya sa simbahan kanina eh mas masipag pa yon mag-simba si Daven kaysa sa akin.
Nette: Nagsimba ka ba?
Daven: Hindi, umuwi si Ate.
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya kapag hindi nagawa ni Daven ang palagi niyang ginagawa ibig sabihin umuwi ang mga kapatid niya or ang Daddy niya. Ayaw kasi nila na mamuhay si Daven na parang ordinaryong mamayanan lang dahil palagi nila sinasabi na mayaman daw sila, Ano connect non?
-----------------------------------------
Hi! So ang tagal ko nastuck here sa chapter na ito kasi ewan ko ba! Sabaw update ko dahil hindi good pakiramdam ko yesterday pa, so yeah! See you next chapter. Ingat palagi and pray kay god! Klase ko na next week, lovelot :)
BINABASA MO ANG
The Untold Love
Teen FictionAntonette have feelings for his bestfriend Daven. Are their friendship will turn to something more special? or they will be a stranger with good memories?