"Kahit kelan talaga napakatigas ng ulo mo!" umaga palang naririnig ko na agad si Mama sa sala. Tumayo ako at binuksan ang bintana. Madilim ang kalangitan, ang hula ko ay uulan ngayong umaga.
"Ma ano ba! Sinabi na ayoko na doon eh!" pababa ako ng hagdan ng maabutan ko na nagtatalo sila Mama at Kuya. Hindi ko sila pinansin at umupo sa bakanteng upuan para maka-kain na ng almusal.
"Hoy Jerick! Tandaan mo, ang babae hindi yan basta bastang iniiwan ha! Bakit ka ba nakipaghiwalay?" seryoso niyang tinatanong si Kuya. Iniwan nanaman siguro ni kuya yung girlfriend niya at nagsumbong kay Mama kaya sila nagtatalo ngayon.
"Naku ma, hindi ka pa ba nasanay diyan? Dalawa lang naman dahilan niyan ni Kuya eh! Kung hindi pustahan o may nahanap na bago!" pananalita ko. Totoo naman na palagi ayun sinasabi niya sa tuwing may eksena na ganito.
"Ano Jerick, hindi mo talaga balak sumagot?" kinulit ng kinulit ni Mama si Kuya. Hinampas-hampas niya, kiniliti at kung ano pang paraan para mapasagot ito si Kuya.
"Ma sabi ko nga po diba, ayaw ko na sa kanya ano pa ba kulang doon?" tinitigan ni Mama si Kuya at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan namin.
"Ikaw Jerick, alam ko Lalake ka pero sana huwag mo ugaliin manakit ng babae ha? Hindi lang pangalawa itong nagchachat sa akin at tinanong bakit mo sila hiniwalayan! Ay ewan ko ba, palagi ko naman kayo pinapaalahanan na ang pakikipag-relasyon dapat doon sa sigurado ka na at hindi dahil masaya ka lang!" bakas na bakas sa mukha ni Mama na naiinis na din siya kay Kuya, kahit ako ba naman ganyan anak maiinis din eh.
Natapos ang pagtatalo nila Mama nung nagpaalam si Kuya na papasok na. Magkaiba kami ng School ni Kuya kaya hindi kami sabay pumasok kahit magkasama kami sa isang School hindi ko din gugustuhin na sabay kami pumasok! Naligo na ako agad at nagbihis ng School Uniform. Nahirapan pa ako magdesisyon kung magtatali ba ako o hahayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay.
"Mas maganda kung nakalugay ka" nakita ko si Daven na nasa pintuan at nakasilip sa akin sa salamin.
"Talaga ba? Hindi pangit?" tanong ko, pakiramdam ko hindi maayos ang bagsak ng buhok ko ngayon eh!
"Oo mas bagay sayo, tara baka malate pa tayo" umalis na siya sa pintuan habang ako naman ay kinuha na ang bag at sumunod ng bumaba.
Lumabas na kami ng bahay at pumasok sa sasakyan ni Daven. Simula ng mag First Year Highschool kami palagi na kami sabay pumasok, hindi na din kasi bumalik si Daven sa Canada at nanatili nalang dito sa Aklan. Ayaw ng Mama niya, pero hindi na niya ito sinunod dahil ang sabi niya masaya siya dito. First College kami ng magkaroon ng sasakyan si Daven, at ngayong Third Year na kami sabay pa din kami pumasok pero nakasaksayan na, ang taray diba!
"Masaya ka ba sa Course mo?" tanong niya.
"Oo naman! Diba pangarap ko maging Architect!" simula palang gusto ko na maging Architect kaya masaya ako na malapit ko ng matupad ang pangarap ko. "Bakit? Ikaw? Hindi ka ba masaya?" tanong ko.
"Hindi ko alam, parang hindi kasi eto yung gusto ko. Alam mo yun? hindi ako masaya pero ito pinili ko" nasa business field si Daven. Alam ko gusto niya magkaroon ng sariling business at the same time alam kong madami silang kompanya dito at sa amerika kaya din niya ginusto ang business field.
"Sigurado ka ba? I mean pwede ka pa naman mag-aral ulit" pwede pa naman siya mag-aral ulit kung gugustuhin niya, sabi nga mas mabuti na piliin mo yung talagang gusto mo kaysa sa pilitin magustuhan ang isang bagay.
BINABASA MO ANG
The Untold Love
Teen FictionAntonette have feelings for his bestfriend Daven. Are their friendship will turn to something more special? or they will be a stranger with good memories?