All of us can be in relationship and will fall inlove to someone na akala natin ay kaibigan lang. Kaya nga may kasabihan na "Sana hindi namin sinubukan, para hindi mawala ang friendship". But not all of them, sad ending. It depends how you handle the relationship, same time your friendship. Ikaw, nahulog ka na ba sa taong akala mo friend lang? Or natakot ka aminin dahil hindi ka sigurado if mutual feelings?
"Ano ba sasabihin mo Antonette? Kanina pa tayo nagtitigan dito eh" masungit na tanong ni Daven.
Simula palang alam ko na gusto ko na siya, hindi lang bilang kaibigan kung hindi mas higit pa ang nararamdaman ko sa kaniya. Akala ko paghanga lang eto o mas madaling sabihin na "Crush ko lang". Matagal na kami nagsama simula kami ay bata palang at pakiramdam ko din na parehas kami ng nararamdaman dahil binibigyan niya ako ng motibo. Ayoko umasa pero iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing hinahatid niya ako, pinoprotektahan, palaging andiyan kapag kailangan ko siya.
"Daven, gusto ko sanang-" tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Naalala ko ang unang beses namin magkita, bata pa kami noon. Naglalaro ako sa aming likod-bahay nang biglang may sumitsit na isang batang lalake.
-Flasback-
"Pssttt" narinig ko iyon ngunit hindi ako lumingon, "Psttt, hoy bata" galing sa gate ang boses na iyon kaya nilakasan ko ang aking loob na pumunta sa gawing iyon.
"Hoy ano ba! Alam mo ba bastos yung ginagawa mo?" pangaral ko sa kaniya, mukha naman kaming magkasing edad. Matangkad siya, maganda ang kutis at mukhang galing sa mayaman na pamilya.
"Sorry, eh ikaw kasi gusto lang naman kita tawagin" hindi ko alam pero meron sa aking kalooban na naasar sa kaniyang sinabi.
"Edi sana tinawag mo ako sa pangalan ko! May pangalan naman ako eh!" kainis to, lahat naman ata ng tao may pangalan!
"Hindi ko alam pangalan mo, naawa lang ako kasi magisa kang naglalaro dito ang lungkot mo kayang tingnan" nilibot niya ang kanyang mga mata sa aming bakuran, napakaganda ng mata niya ang sarap titigan buong araw.
"Antonette ang pangalan ko, at anong naawa ka sa akin? hindi ko kailangan ng awa mo!" sinigawan ko siya at naglakad pabalik narinig ko pa siyang tumatawa at bigla akong napangiti.
"Hoy antonette! Anong gusto mo?" bumalik ako sa reyalidad ng narinig ko ang boses ni Daven. Aamin ka na antonette kaya mo yan!
"Gusto kita" seryoso kong sabi, hindi ko alam pero bakit ako nakakaramdam ng kaba. Gulat ang reaksyon ni Daven. Walang nagsalita sa aming dalawa, palubog na ang araw at mag-gagabi na. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o bigla nalang ba ako aalis. Tumikhim ako at nagsimula ng maglakad. Ewan ko ba pero parang gusto kong umiyak, hindi ba niya ako gusto?
"Antonette! Sandali lang" tinawag niya ako at napatigil ako sa paglalakad. Eto na, dito na ba magsisimula ang lovelife ko? "Gusto kita" parang may tinik na binunot sa dibdib ko at napangiti. Niyakap ako ni daven, at wala akong marinig kung hindi katahamikan lamang.
Date Started: August 23,2021
---------------------------------------------------
So yeah! After a year, I'm back writing a new story! I miss this, and I'm doing this for myself. I hope you will support Daven and Antonette! Lovelots :)
BINABASA MO ANG
The Untold Love
Fiksi RemajaAntonette have feelings for his bestfriend Daven. Are their friendship will turn to something more special? or they will be a stranger with good memories?