Chapter Two
Two weeks has passed and now were here in Iya's car, lahat kami ay nakapustura ang tagal na rin ng huli ako makapunta sa mga ganitong klase na gathering. Hindi nga ako umaatend kahit family reunion at ang christmas party naman casual lang kami, no need to wear something formal.
"Yas, we have something to tell you... I mean I have to tell you something." napatingin ako kay Selena ng magsalita ito. Mukha syang kinakabahan at hindi mapakali. Andito kasi kaming dalawa sa likod ng sasakyan.
"What it is?"
Nakadaop ang dalawang palad nya at marahan nyang minamasahe.
"Tell it Selena you prolong the agony." naiiritang sabi ni Iya na kasalukuyang nagdradrive.
Aba mukang alam ni Iya kung anong sasabihin ni Selena.
"May boyfriend na ako." nakangiti nitong sabi.
Nagulat ako sa sinabi nya, nagtetext naman kami at nagkikita pero wala syang naikukuwento tungkol sa lovelife nya and beside mas pihikan pa ata sa akin si Selena.
"Alam mo Iya?" Tumango naman si Iya bilang tugon.
"Well... congrats! Bakit parang kinakabahan kang i-share sa akin?"
Umayos ito ng upo at umiwas ng tingin sa akin. Sa aming magkakaibigan si Selena ang tipo na hindi magsisinungaling o kung may bagay na bago sa kanya ishe-share nya ito agad. Kaya kahit medyo nagtatampo ako dahil hindi nya nasabi sa akin agad na may boyfriend sya ay ayos lang baka may dahilan siya.
"Kasi..." Hindi nya matuloy-tuloy ang sasabihin.
Bigla naman nagpreno ng malakas si Iya. Nag red na pala ang stop light. Lumingon ito sa aming dalawa ni Selena.
"Ang tagal girl! ako na magsasabi kay Yas pag nag inarte ka pa." Mabilis namang lumingon sa akin si Selena.
"Yas, Kami na ni James."
James? Ikinanuot ng noo ko ang sinabi nya.
"Who's James?" Tanong ko.
At parang nagulat pa si Selena sa sinabi ko. Nagpatuloy naman sa pag drive si Iya ng makalagpas kami sa stoplight.
"Seriously? You don't remember James?" ani Iya.
"Si James, Yas..." Singit ni Selena.
"Barkada ni Culver." Casual na sagot ni Iya. And from that nang marinig ko ang pangalan ni Culver ay bigla ako kinabahan. Naalala ko na si James, isa sa mga malapit na kaibigan ni Culver.
"Oh..." Tanging nasambit ko. "P-paano?" papaano naging sila ni James? so may contact sila?
"Client namin si James, tapos... paano ba? ahm... basta bigla kaming nagkaroon ng chemistry." napangiwi pa ito habang nagpapaliwanag.
"Okay... kaya ba hindi mo sinabi sa akin agad kasi iniisip mo magagalit ako dahil bestfriend siya ni Culver?" pagtatampo ko.
"Kinda... But It's not my intention, tsaka bago pa lang naman kami one month pa lang. Kaya hindi ka pa rin sa late sa mga latest happening ng buhay ko." hinawakan ni Selena ang kamay ko.
"Defensive." sabi ko sabay tawa. At nagtawanan kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Hindi namin namalayan na nasa University na kami, agad na ipinark ni Iya ang sasakyan ng makakita kami ng space. She's wearing a long gown but she manage to drive us safely. "Buti na lang pretty ang chauffer nyo." pagbibiro nya ng makababa kami.
"Eh, Ikaw lang naman marunong mag drive sa ating tatlo." sambit ko.
"Yosi lang ako guys. Mauna na kayong dalawa, I know sabik ng makita ni Selena si James."
BINABASA MO ANG
Find a Way Back (COMPLETED)
ChickLitYasmin turn down Culver wedding proposal. She's not ready that time, marami pa syang gustong gawin at tuparin. Culver left her and after five years their path cross again. Yasmin realize na may nararamdaman pa siya kay Culver but will Culver feel th...