Chapter Six

2.5K 71 0
                                    

Chapter Six

Pahinga muna ang ginawa namin ni Culver, kanina pagod din sya sa byahe. Minsan pa ay nakikita ko na may tumatawag sa cellphone nya at mukang related iyon sa trabaho nya. Nakita ko na malalim sya napabuntong hininga at napahilamos ng mukha.

Hindi tuloy ako nakatiis at tinanong sya.

"Work?" tumingin sya sa akin at bahagyang ngumiti.

"Kinda, yung last si Theo yung pinsan ni James, wala pa rin silang balita sa dalawa."

"Matulog ka na muna nag text din ako kay Iya at wala din daw sila nakalap kung nasaan yung dalawa." tinignan ko sya ng maglatag sya ng bitbit nyang kumot sa sahig.

"Bakit dyan ka? Dito ka na matulog 'wag kang mag alala wala akong gagawing masaya sayo."

Tinignan nya ako at kumunot ang noo nya. "Ikaw wala kang gagawin pero ako pwedeng meron." makahulugan na sabi nya.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Sasakit ang likod mo."

"Ayos lang. Sige tulog ka na."

"Ang arte mo dito ka na nga."

Tumingin lang sya sa akin at ibinaling uli sa cellphone at tingin nya.

"Okay, fine! dyan ka na lang."

Ang arte talaga.

Pero maya-maya ay naramdaman ko na lang na parang kumilos sya agad ako na tumingin sa gawi nya at nakita ko na nililigpit nya yung kumot.

"Okay, tabi na tayo." parang wala lang sa kanya at tumabi na nga sya sa akin, tumalikod naman ako sa kanya pero bigla na lang ako kinabahan. Ngayon ay parang gusto ko bawiin ang sinabi ko, sana sa papag na nga lang sya natulog.

Bigla na lang kasi ako kinabahan.

"Good night Yas,"

"Good night." pero ilang minuto pa ay hindi pa rin ako inaantok. Gusto ko umikot pero natatakot ako na baka nakaharap sya sa gawi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi naman ako madalaw ng antok, naiilang naman ako magpalit ng pwesto kaya bumangon na lang ako.

"You're still awake."

Nagulat ako ng marinig ko na nagsalita si Culver. Gising pa pala sya.

"Ginulat mo ako!"

"Some things are still not change. Malakas ka pa rin siguro mag kape."

Binuksan nya ang lamp sa gilid  at umupo sa gilid ng kama. Inirapan ko naman sya.

"Where are you going?" tanong nya ng malapit na ako sa pintuan.

"Dito sa labas magpapahangin." meron kasi mahabang upuan sa labas na pwede na rin maging higaan.

"Nice idea, how about we catch up?" hindi ko na sya sinagot at sumunod lang sya sa akin sa labas.

"So, how's your life for the past five years?" tanong nya sa akin.

"Ayos lang bahay trabaho lang ako, minsan gumagala kasama si Iya at Selena."

"Mayaman ka na siguro." biro nya.

"Kung mayaman ako hindi na ako magtratrabaho."

Bigla naman tumahimik at wala ni isa sa amin ang nagsalita.

"What if nagkatuluyan tayo." bigla nyang sabi na nagpakaba naman sa akin. Bakit ba bigla na lang sya nagsabi ng ganoon.

"What if..." tanging nasabi ko naman.

Find a Way Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon