Chapter Ten
~unedited draft
Time heals the wound sabi nga nila. Pero gaano katagal?
Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko na nagriring.
"Kanina pa 'yan hindi mo sasagutin?" sabi ni Jamilla.
Sinilip ko kung sino. It was Iya.
Ang akala ko pa naman ay si Culver. Nagsawa na sa pagtawag sa akin si Culver, ni hindi na nga siya nagparamdam. Eh, ano pala yung pasabi sabi niya na pwede bang manligaw? Ano 'yun paasa?"Busy?" bungad na tanong ni Iya sa kabilang linya.
"Medyo bakit napatawag ka?"
"Samahan mo naman ako magpa-massage, for two kasi 'yung kinuha ko."
"For two? Sino ba dapat isasama mo?" tanong ko.
"Eh, di 'yung bago ko sana na boyfriend. Kaso busy daw may emergency meeting. Confirm na reservation doon. Tara samahan mo ako."
Napatingin naman ako sa orasan ko. Isang oras na lang at uwian na.
"Saan ba 'yan?"
"Sa may QC lang din sa scout."
"Sige okay lang. Saan tayo magkikita?"
"Doon na lang din, text ko sa'yo yung address ng place. Mag-uber ka na lang ha? Bye! See you later!" at naputol na agad ang linya.
Not bad. Para naman ma-divert ang attention ko. Puro na lang ako Culver nitong nakalipas na araw.
"May lakad ka?" Tanong ni Jamilla.
"Oo, nagyaya barkada ko pa-massage daw kami."
"Okay, ingat kayo. Nga pala kamusta kayo ni Culver? Kinontact ka na ba niya?"
Umiling ako bago pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Ay... bakit kaya? Malay mo may sakit kaya pala hindi ka kino contact nitong nakaraan, bakit hindi mo itext?"
"Ayoko nga."
"Grabe... ayaw pa gumawa ng first move."
"Basta ayoko." siya ang lalake siya ang dapat gumawa ng paraan.
Pagka out ko ay dumiretso agad ako sa meeting place namin ni Iya. Hindi naman mahirap hanapin 'yun nga lang dapat may sarili kang sasakyan o naka taxi ka dahil medyo tago.
Pagkadating sa lugar na 'yun ay agad ko sinabi ko na ang reservation ay under kay Iya. Itinuro naman sa akin agad kung saan ako pwede magpalit at mag shower muna. Since meron daw akong one hour pwede ko gamitin ang jacuzzi and nakakapagtaka nga lang ay wala pa si Iya. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang phone niya, baka nasa biyahe siguro.
Tinawag na ako ng therapist at wala naman ako magawa kundi sumunod. Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko na si Culver na nakaupo sa kabilang kama.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kaniya.
"Magpapa massage?"
"Massage? Si Iya ang kasama ko dapat dito." sinamaan ko siya ng tingin.
Nagkibit balikat lang siya saka tinangal ang robe na suot niya at humiga sa massage bed.
"Excuse me." tawag ko sa atensyon ng therapist nakangiti naman ito na bumaling sa akin.
"Yes, ma'am?"
"Magpapalipat ako ng kwarto."
"Pero ma'am dito po kasi talaga kayo nakabooked---"
"Basta ilipat mo ako."
BINABASA MO ANG
Find a Way Back (COMPLETED)
ChickLitYasmin turn down Culver wedding proposal. She's not ready that time, marami pa syang gustong gawin at tuparin. Culver left her and after five years their path cross again. Yasmin realize na may nararamdaman pa siya kay Culver but will Culver feel th...