Chapter Four

2.5K 63 0
                                    

Chapter Four

Madaling araw ng sabado ng makatanggap ako text mula kay Selena. May announcement daw sya. Dalawang bagay lang ang naiisip ko una, magpapakasal na siya pero medyo Malabo mangyari iyon dahil bago pa lang sila ni James at ang pangalawa ay buntis siya which is hindi malabong mangyari.

At heto nga at maaga rin pumunta si Iya sa apartment ko at dito na rin nag almusal.

"Ano sa tingin mo Yas, mag organize na tayo ng baby shower."

"Sira! Ka talaga."

"Duh! Don't tell me hindi mo iyon iniisp. Imagine why she has to text us as early as four AM just to tell us that she's going to announce something important."

Kinain ko muna ang pandesal na hawak ko bago ko siya sinagot.

"Well... oo iniisip ko nga din iyon, imagine kailangan sa isang resto pa nya sabihin, pwede naman itext na lang."

"Exactly! Hay... si Selena talaga tatahi tahimik pero tignan mo dinaig pa ako."

Dumiretso kami ni Iya sa Mall na sinabi ni Selena. Nang marating na naming ang resto na sinabi nya bumungad sa amin ang mga pamilyar na mukha. Mga barkada ni James lahat sila ay nakatuon ang direksyon sa amin ng makapasok na kami sa loob ng isang private function room sa loob ng resto. Nandito rin ang mga close na pinsan ni Selena. Pero mas nakaagaw ng atensyon ko ng may maramdaman ako na nakatingin sa akin, ng mapalingon ako nakita ko na nakatingin sa akin si Culver na preskong presko sa suot nya Dark blue polo short. Nakakainis dahil ang bango bango nyang tignan. Lumapit na kami at umupo sa lamesa na katapat nila Culver.

"Hello! Yasmin mas gumanda ka ata ngayon ." sabi ni Kevin, siya ang clown sa grupo nila Culver.

"Nambola ka pa."

"I'm telling the truth, syempre ang ganda mo kaya noong huling kita natin sa reunion."

Umiling-iling na lamang ako. "Hindi ka pa rin nagbabago Kevin."

Bigla na lamang narinig ko na nagtap sa lamesa si Culver na tila nababagot, ang awkward lang kasi katapat ko sya sa lamesa at katabi naman nya si Kevin. I try my best to act normal mabuti na lamang at wala sa kanila ang nag uungkat sa nakaraan naming ni Culver.

"Ay, andyan ka pala Culver." Pabirong sabi ni Kevin.

"Where are they?" Tanong nya.

"Relax dude on the way na daw sila."

Sinilip ko naman ang cellphone ko at nakitang may message si Selena.

"Nasa parking lot na daw sila." Singit ko

Bigla naman tumahimik kaya hindi na rin ako nagsalita, si Iya na nasa tabi ko kanina ay lumabas para sagutin ang isang tawag ganoon din si Kevin. Kaya naiwan kami ni Culver na magkaharapan at dahil ayoko naman mapanisan ng laway I try to start a conversation.

"Mukhang importante ang i-aanounce nila."

"I think so, James told us na dapat kompleto ang barkada." Mabuti naman at sumagot sya.

"I see kahit mukhang busy talagang naglaan kayo ng oras for James."

Hindi na sya nakasagot dahil nakapasok na sila James at Selena na masayang nakaholding hands. Pumasok na rin si Iya at umupo sa tabi ko.

"Spill it dude!" sigaw ni Daniel.

"Pwede paupuin mo muna kami." Sagot naman ni James.

Everyone is shouting at tinutukso sila.

"But we can't wait!" sigaw naman ng pinsan ni Selena

Pumunta sila sa pinakagitna at nagkatinginan muna ng makahalugan.

Find a Way Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon