The Beginning

5 0 0
                                    

Ako si Glennis, isang graduating High School student. Wala akong ibang gusto kundi ang maabot ang mga pangarap ko lalong lalo na ang pagiging abogado at para na din matulungan ko ang pamilya ko. Pinagbutihan kong mabuti ang pag-aaral dahil ayaw kong masayang ang lahat ng sakripisyo ng mga mabuting magulang ko.

Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid na Serrano, panganay ang kuya kong si Glaydon at bunso ang graduating sa Elementary na si Glammir. Kaming dalawa nalang ng bunso ang kasama ng aming magulang dito sa Pilipas sapagka't ang aming kuya na si Glay ay nangibang bansa pagka-graduate ng Aviation upang dun mag piloto, syempre matapos maipasa lahat ng kinakailangang requirements at mga board exams.

Kung ako ay tatanungin tungkol sa mga gusto kong gawin sa buhay, siguro ay di sapat ang isang libro para masabi o maisulat ko lahat ng iyon.

Sa kabilang parte ng buhay ko, mayroon akong isang masugid na manliligaw na nagsimula noong second year High School kami, tama, halos tatlong taon na siyang walang sawang nanliligaw. Siya ay walang iba kundi ang anak ng ninang ko na si Rayden Escudero.

Para na kaming mag-best friends dahil open kami sa isa't-isa, aaminin kong gusto ko din siya pero mas iniisip ko ang priorities at mga pangarap ko, at isa pa, bata pa kami at masyado pang maaga para sa mga ganyang bagay.

--------

"Glenn, nasaan kana? Kanina pa ko naghihintay dito sa campus, sabi ko naman kasi sayo sunduin nalang kita eh" excited na may halong panghihinyang na sabi ni Rayden sa telepono.

"Opo, sandali lang sir! Excited grumaduate?" Pabiro ko namang sagot habang nakangiti.

"Syempre naman, may usapan tayo, di'ba?" Demanding nyang tugon.

Napakunot na lamang ako ng noo dahil wala akong maalala na may usapan kami ngayong araw maliban sa sabay na magcecelebrate ang aming pamilya dahil na rin mag best friends ang mga magulang namin lalong-lalo na ang aming mga ina.

"Alam ko, wag kana mag-alala, hindi naman tayo gagastos eh. Graduation natin to at parehas pa tayong nasa honors kaya libre na nila yun" paninigurado ko.

Tumahimik ng ilang saglit sa kabilang linya bago ko siya marinig muli.

"No, the promise"

Natahimik ako sandali para mag isip kung ano ang sinasabi ni Rayden na promise hanggang sa mag sink-in saakin na ang tinutukoy niya ay ang promise na binitiwan ko sa kanya nung unang panliligaw niya.

"I promised you that when we are in college, I'll never look at someone else. Hindi ko nakakalimutan yun, isa pa wala naman akong nakikitang iba kundi ikaw din lang" pagpapakilig ko naman sa kanya.

"And I promise you, I promise that I will never get tired of you. I will protect and love you through thick and thin"

Natawa nalang ako sa sagot niya dahil para kaming ikakasal sa sinasabi niya samantalang pa-graduate palang naman kami ng High School.

"Wow ha, parang kinakasal lang?" Pabiro kong sagot habang natatawa ako.

"Oo naman, papakasalan pa kita. Bubuo tayo ng pamilya at magiging masaya tayo habang buhay" kampante niyang sagot.

Kung ako ang tatanungin, masasabi kong mahal namin ang isa't-isa pero hindi pa nga siguro ito ganun ka-bigat at ka-seryoso. Basta ang alam namin, we promised.
---------

Minsan sa buhay, akala natin, kapag nakuha natin ang gusto natin, magiging masaya tayo. Akala natin madali at okay na dahil nandun na tayo sa point ng buhay na nararating at natatamasa na natin ang halos lahat ng gusto natin sa buhay, pero ang hindi natin alam, hindi tayo sigurado sa lahat ng bagay. MARAMI ang pwedeng magbago at MARAMI pa ang magbabago.

May mga problemang darating, pero nasa sa atin na kung papaano natin ito sosolusyonan.

Marami ang pagsubok na dumating saamin ni Reyden ngunit nalampasan namin ito, ngayon na mas magiging matured na kami, dapat ay maging mas maayos at maingat kami sa lahat ng bagay.

We were always there for each other, we've always been a good listener for one another, we always make sure that the words we spit are well-taken noted of and surely been processed on our minds before even saying anything. And that is to consider one's feelings, mental and emotional health. We just want to be fair and sensitive for each other's being.

And that is the reason why we swore to be with each other no matter what happens,

AND, WE PROMISED.

And We PromisedWhere stories live. Discover now