Chapter 3: Best Friends

5 0 0
                                    

Mico's POV

"Kuya, inumin mo na yung gamot para mawala hang over mo" pangungulit ng kapatid kong si Maika.

"Leave me alone" walang gana kong sagot dahil masakit ang ulo ko.

Kakauwi lang namin kaninang umaga pero hang over pa rin ako. Tinignan ko ang oras at nakita kong past 11 na pala ng umaga. Malapit na ang lunch.

Ininom ko ang gamot at ang banana shake na ginawa ni Maika.

"Bahala ka nga, bilisan mo. Nasa baba sina kuya Red at ate Glenn" naiirita niyang sagot.

Tangina naman oh, hindi pa natatanggal yung hang over ko nandito nanaman yung dalawang mag-syota. Badtrip!

Bumaba ako pagkatapos maligo at nakita ko sa sala ang dalawa kong kaibigan na naghaharutan.

Ina nyo!

"Sakit niyo sa mata" pang-aasar ko habang bumababa ng hagdan.

Agad naman silang napatingin saakin at sabay pang tumawa. Hindi naman sa bitter ako, masaya ako para sa bestfriend at tropa ko pero naiirita lang akong makita na may naghaharutan sa harap ko. Respeto naman sa single.

"Bitter, kaya walang girlfriend" pagsusungit ni Glennis.

"Hangover ka pa rin? Mahinang nilalang" pang-aasar naman ni Red.

Umupo ako sa harap nila at sinamaan sila ng tingin "Bagay nga kayo" naka-smirk na sabi ko. "Bakit ba kayo nandito?"

"May lakad tayo" seryosong sabi ni Red.

Matagal-tagal na din kaming hindi nakumpleto simula nung grumaduate kami ng College. Syempre dahil wala si Hiro, at.. si Rebeca.

Meron pa nga palang isa, si Kayzel yung ex ni Luke na feeling maganda. Akala mo kung sinong maganda na bigla nalang iniwan yung tropa ko, minsan muka naman siyang bakla sa sobrang kapal ng make-up niya. Tss!

"Saan tayo, boss?" Sarcastic na sabi ko kay Red.

Tumayo nalang sila bigla ni Glenn at tumingin saakin si Red "hintayin ka namin sa kotse" at lumabas sila.

Naiwan akong naguguluhan dito na walang kaalam-alam sa plano. Alam kaya ni Luke?

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Luke at agad naman siyang sumagot.

"Tol, san ang lakad? Di sinabi ni Red eh"

Tumawa siya at napabuntong-hininga "Basta, may kaibigan tayong sasalubungin"

Natatawa niyang sagot at pinatay agad ang call.

Bakit parang kinabahan ata ako bigla? Si Rebeca ba yung darating? Magkakaroon nanaman ako ng kaaway. Bwisit na babae yun, palagi nalang nananalo saakin.

Kumuha ako ng jacket at ng gatorade sa ref pagkatapos ay lumabas na din para paandarin ang kotse ko. Ayokong sumakay sa kotse ni Red para magmuka akong third wheel, muka nila.

Habang nasa daan, sinusundan ko lang ang pulang kotse ni Red at bigla naman may bumusina sa gilid na puti, si Luke. Dumiretso kami at may blue naman na sasakyan sa likod na bumusina din, mukang bago ang sasakyan pero alam ko kung sino to, ang half-japanese namin na si Hiro Takamura.

Gusto niyong malaman ang kulay ng saakin? Yellow para papansin!

May kotse din si Glennis at gray ang kulay non, si Rebeca, sa pagkaka-alam ko ay meron din at black naman ang sakanya. Saan nga ba kami pupunta?

Halos 30 minutes kaming bumyahe at ngayon nandito na kami sa airport. Nagutom nalang ako bigla kaya nag-aya muna akong kumain sa foodcourt.

"Si Beca ba yung darating?" Tanong ko habang kumakain ng Takoyaki na binili ni Hiro.

And We PromisedWhere stories live. Discover now