Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at muntik na akong malaglag sa kama nang may nakita akong nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ko, nakangisi siya habang naka-cross arms.
"Good Morning"
"Babe, you're early. Muntik na ko mahulog" wala sa mood na sabi ko dahil na din siguro kagigising ko.
Lumapit siya saakin na nakangiti. Bumangon din naman ako at nag-unat unat pa. Hindi kasi ako sanay na ganito kaagang dumarating si Rayden dito sa bahay.
"Tinawagan ako ni Tito Enrico, ihahatid daw kita sa DU, at isa pa, gusto ko din na ipagluto kayo nina tita Gladys at si Glammis. Umalis na nga pala si Tito kanina" nakangiti pa rin siya.
Ano naman ang nakain niya at gusto niyang ipagluto kami ng kapatid ko at si mommy? Siguro may kasalanan nanaman na ginawa to.
"Owww...kay, now tell me, anong kasalanan mo?" Pagsusungit ko.
Tumawa siya ng malakas at alam kong nang-aasar lang nanaman siya at sinasadya niya yon.
"Take a bath, gusto ko lang bumawi dahil alam kong nahihiya ka sa nangyari kagabi" nakangisi niyang sabi.
Naalala ko nanaman ang nangyari at napahawak nalang ako sa noo ko habang natatawa. Minsan talaga kapag may naaalala tayong mga bagay na nakakatawa, kahit sa sarili natin nakakahiya.
Ginulo ni Rayden ang buhok ko at hinalikan ako sa noo, kiniliti niya din ako para lalo akong magising at tumayo na ng tuluyan.
------
Mabilis lang akong naligo at nag-ayos, kailangang formal ang suot ko ngayon dahil na-orient na kami sa skype na kailangang presentable ang dating ng bawat estudyanteng magte-take ng interview at school orientation.After this, I still have two weeks of vacation bago tuluyang pumasok sa Dexter University at mag-take ng Law Schooling. Medyo kinakabahan ako but I know, I can do this.
Bumaba na ako at dumiretso sa dining area, nakita ko naman agad si mommy at si Glammis na nakikipag-kwentuhan kay Rayden.
"Good Morning" bati ko sa kanilang lahat.
"Good Morning, anak"
"Good morning, ate"
Umupo ako sa pwesto ko katabi si Rayden at halatang masayang masaya naman siya. Ang weird lang talaga ng feeling dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang 'extra' yata si Rayden ngayon.
"Hmm! You cook so well, Red. Dapat yata maging Chef ka at hindi Doctor" pag-compliment ni mommy kay Rayden at halatang hanggang langit ang ngiti niya.
Tinignan ko si Glammis, wala siyang reaksyon dahil sanay na siya na pinagluluto siya ni Rayden. Kung minsan nga, kasabay namin siyang nagla-lunch sa Lucas University dala ang baon na niluluto ni Rayden para saaming dalawa.
"Siniguro ko talaga na magugustuhan mo tita, nagustuhan nga rin po ni tito at nagbaon siya niyang adobo" sagot naman ni Rayden na kunwari pang nahihiya pero deep inside tumatawa pati pwet niya.
Family favorite na namin ang Adobo lalong lalo na ang pork. Maliban nalang kay kuya na chicken ang gusto dahil daw masyadong mamantika ang pork.
Sa sobrang dami nga ng niluto ni Rayden bukod sa Adobo, meron ding Afritada, Chicken Curry at Mushroom Soup, baka hindi kami magutom mamayang lunch kaya naisipan na din namin na baunin lahat ng naiwan kaysa masayang.
Sasama saamin si Glammis dahil gusto daw niyang malaman kung saan ako mag-aaral, kung minsan nga para namin siyang anak ni Rayden na lagi namin kasama.
YOU ARE READING
And We Promised
FanfictionTwo couples will be dealing with life and love problems that will challenge how much they can stand for each other and how much sacrifices and patience they can give before even giving up on their relationship. This is the story of Glennis Serrano a...