After 4 years.............
Graduate na ako ngayon ng Political Science, konting-konti nalang ay maaabot ko na ang lahat ng mga pangarap ko. Naghahanap ako ngayon ng University na may magandang background ng Law Schooling dahil dito ako papasok.
May isa pang natitirang taon si Rayden para maka-graduate sa kursong MBBS o Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery dahil gusto niya talagang maging doktor.
Masaya kaming pareho na malapit na naming matupad ang mga pangarap namin lalo na ngayon at mag iisang taon na kaming magkasintahan.
Sinagot ko si Rayden noong last semester dahil sapat na ang halos 7 years na panliligaw niya saakin. Sa loob ng mahabang panahon na iyon, ngayon lang kami magkakahiwalay dahil naiwan pa siya sa Lucas University at ako naman ay naghahanap ng panibago dahil walang LAW sa University na pinanggalingan ko at kung nasaan si Rayden ngayon.
Hindi ko alam kung papaano mag a-adjust dahil simula pagkabata ay magkasama na kami palagi sa iisang paaralan.
Ako ay 22 na ngayon at siya naman ay 23, parehas kami na maagang nag-aral kaya kung nakakapagtaka man, marami kaming kinuhang extra na unit noong College.
‐‐---------------
"Babe, sabi nga pala ni mama sa bahay na kayo mag dinner ni tita Gladys. Anniversary nila ni papa at gusto nila na kasama kayo mag celebrate. Sayang nga, wala si tito Enrico" pagpapaliwanag ni Rayden.
Hinawakan ko ang isa niyang kamay habang ang isang kamay ko naman ay naghahalo ng desert na kinakain namin.
"Sure babe, oo nga pala may nahanap na akong University para sa Law School. Yun na talaga best na nakita ko so far" masayang sabi ko naman sa kanya.
Sumipsip muna siya ng kanyang shake bago sumagot.
"Uhmm, good news. And where is it going to be?"
Ngumiti ako at sumagot "Sa Dexter University"
Bigla nalang siyang nabulunan nung sinabi ko iyon at agad ko naman siyang binigyan ng tissue para punasan ang bibig niyang nalagyan ng ube shake.
"Babe, dahan-dahan lang" nag-aalala kong tugon.
Huminga muna siya ng malalim matapos niyang linisan at punasan ang mga drops ng ube shake na tumalsik mula sa kanyang bibig.
"Definitely not!" Seryoso niyang sagot.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya dahil nabanggit ko naman na, na ito na ang nahanap kong best Law School at ang pinaka nagta-top sa lugar namin maging sa buong Region.
"I'm sorry? But babe, this is the best. I've researched about it at wala akong nakitang problema. Pumayag din si Mom and si Dad at kuya nung nag video call kami kanina. What seems to be the problem? Hindi naman siya ganun ka-layo, it's just an hour away from Lucas University so possible parin tayong magkita every break" mahaba at mahinahon na pagpapaliwanag ko.
Sa hindi ko maipaliwanang na dahilan, iba ang nararamdaman ko dahil iba ang expression ng muka ni Rayden at mukang hindi niya talaga gusto na dun ako magte-take ng Law School.
"It's okay, nabigla lang ako kasi akala ko masyadong malayo. I didn't realize na it's just an hour away. Kain na tayo" kalmado lang niyang sagot.
May kakaiba man akong naramdaman dahil unusual siya ngayon, binalewala ko iyon dahil baka kung ano ano nanaman ang naiisip ko.
Maya-maya pa ay nagring ang kanyang phone na nasa mesa lang na agad naman niyang nahawakan kaya hindi ko na nakita kung sino ang tumatawag.
Tumingin siya saakin at sinabing "Si Mico, excuse me babe"
YOU ARE READING
And We Promised
FanfictionTwo couples will be dealing with life and love problems that will challenge how much they can stand for each other and how much sacrifices and patience they can give before even giving up on their relationship. This is the story of Glennis Serrano a...