Glenns POV
Matapos ang pagsasaya namin ng mahigit dalawang linggo sa pagbabalik nina Reb at Hiro, ngayon na ang simula ng pagiging busy naming lahat. Magkikita kami ni Reb dahil kami ang sabay na papasok, si Rayden naman, naghahanda na din kasama si Mico dahil ngayon din ang unang araw ng pagpasok nila sa Lucas Hospital na nasa tabi lang ng Lucas University, naatasan kasi sila na mag stay-in ng isang buwan.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Reb dahil baka natutulog pa siya, 6 AM palang ng umaga at 8 pa ang pasok namin pero sanay na kasi akong gumigising ng ganitong oras.
"Hello, boo! Akala ko kasi natutulog ka pa kaya tinawagan kita just to make sure." panimula ko.
''Grabe ka naman, sapat na yung mga araw na nilaan natin last week para makapag-adjust ako sa oras. Kaninang 5:30 pa ako gising. Nagluto nga pala ako ng lunch natin since hindi pa naman tayo familiar sa Dexter, para sigurado.'' masayang sagot niya naman.
Bigla ko nalang naalala na si Rayden ang nagluluto ng lunch at nagbabaon saakin noong nasa Lucas palang ako, nakaramdam nalang ako bigla ng lungkot. Alam kong masasanay din naman ako, siguro ganito lang sa ngayon dahil first day palang naman ito.
''Thank you, mag-eexplore tayo mamaya'' sagot ko naman.
''Okay sige bye na, see you later, boo!'' pagpapaalam niya at pinatay ang phone call.
Bigla naman may nag pop-up na message at natuwa ako nang makitang galing ito kay Rayden. Dati kasi, personal siyang pumupunta dito para sunduin ako kaya no need to text, pero ngayon, nakaka-panibago pala.
Good morning, babe! Good luck sa school and be confident as always, I love you! napangiti nalang ako sa message niya at agad ko naman siyang nireplayan ng parehas na pagbati.
''Glennis, wake-up! Hindi ka pwedeng ma-late sa first day!'' bigla nalang ako napatingin sa pinto nang marinig ang boses ni mommy. Naka-lock ang pintuan kaya kumakatok lang siya at sa labas nagsasalita.
''Yes mom!'' sigaw ko naman at nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit.
Matapos ang ilang minutong pag-aayos, bumaba na din ako matapos makapag-ayos ng sarili at nakita ko sa sala si Glammis na nanood ng news.
''Hi, good morning, ate!'' bati niya saakin at agad namang tumayo para sabayan ako papunta sa dining area.
''Kailan ka pa nagsimulang manood ng news?'' pang-aasar ko.
''Hmm, hindi naman ako yung nanonood nun. Nakita ko lang'' nakasimangot niyang sagot.
''Huh?'' nagtatakang sabi ko.
''Ako ang nanonood non, how are you feeling?''
Bigla nalang akong napalingon nang marinig ang boses ni daddy, nakabalik na pala siya mula sa business trip. Last time kasi, ka-video call ko lang siya kasama si kuya sa states at biglang umuwi kinabukasan, pero umalis din agad after that. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya nagkaka-jet lag sa sobrang dami ng business trip niya na back and forth.
''I'm doing fine, dad. Kailan ka naman bumalik?'' tanong ko at umupo sa harap ng hapag-kainan, ganun din si Glammis.
''Kagabi, mahimbing ang tulog mo kaya hindi ka na namin ginising. Alam ko din kasi na mahalaga ang araw na ito sayo ngayon.'' nakangiti niyang sagot.
''Okay, so lets eat. Nag-bake nga pala ako ng lasagna para sainyong dalawa ni Rebeca, anak. Alam ko kasi na paborito ni Reb ang gawa ko kaya maaga akong gumising para gawin 'yan'' masayang bati ni mommy.
Tototong mahilig talaga si Reb sa lasagna pero paborito niya ang gawa ng mommy ko, saamin nga yata na buong pamilya, ako lang ang walang hilig masyado sa kusina. Si kuya, sina mom and dad at maging si Glammis kasi ay palagi nalang nagluluto ng kung ano-anong masasarap na pagkain.
YOU ARE READING
And We Promised
FanfictionTwo couples will be dealing with life and love problems that will challenge how much they can stand for each other and how much sacrifices and patience they can give before even giving up on their relationship. This is the story of Glennis Serrano a...