Malayong Paglalakbay

16 1 0
                                    

Ayon sa matandang sibilisasyon ang astral projection daw posibleng magawa ninuman sa mundong ito. Sa katotohanan nga nyan ay pag tayo ay nanaginip, tayo ay nag astral travel sa ibang dimension. Ang astral porjeksyon ay safe para sa mga gumgawa nito. habang ikaw ay nasa astral plane ay kayang kayang mong makabalik sa iyong katawang lupa sa pamamagitan ng ginituan sinulid na nagtatali sa iyong astral body at sa iyong katawang lupa. Kung ang iyong astral body ay wala sa katawang lupa mo ay malabo ka raw na masapian, dahil ang pagsapi raw ay nangyayari lamang kung ang  kaluluwa ay nasa iyong katawang lupa . Ang ekplenasyon dito ay ang mga nilalang ay nangangailangan ng pisikal na kaanyuhan  bago ito makasapi. At kung ikaw ay nasa astral plane ikaw ay wala sa iyong pisikal na katawang lupa upang magambala o masapian nila. Ang sapi ay nagiging posible lamang pag ikaw na nasa iyong katawang lupa. Kaya ang paglalaro ng ouija ay delikado, dahil ikaw ay nagtatawag ng ibang nilalang habang ikaw ay nasa iyong katawang lupa.  

Sisimulan ko ang aking kwento nang mapagdesisyunan naming magbabarkada na umakyat ng bundok. Dose kameng magbabarkada, siyam kameng babae at tatlo naman silang lalake.  Madaling araw kami lumisan sa Maynila patungo sa aming patutunguhang bundok. Sakay kame ng nirentahan naming dalawang lite ace mini van. Nakarating kame sa aming pupuntahan bago magtanghalian. Napakaganda ng tanawin sa lugar na yun. Narating namin ang isang napakagandang talon, at malapit duon ay napagdesisyunan namin kumain ng tanghalian. Bago kame nananghalian ay nagpa picture muna kame sa isa naming kaibigang lalake. I-share ko po sa inyo ang kuha namin malapit sa talon. Napakapositibo ng enerhiyang bigay ng kalikasan.  

Matapos naming mananghalian, ay nagpasiyahan naming magbabarkada na  mag pahinga muna bago ituloy ang aming pag trek sa kabundukan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos naming mananghalian, ay nagpasiyahan naming magbabarkada na  mag pahinga muna bago ituloy ang aming pag trek sa kabundukan.  Kaya habang nagpapahinga ang aking mga kabarkada ay napagpasiyahan kong mag meditate muna at mag astral travel. Dahil feeling empowered ako nang mga oras na yun ay perpektong oras para mag out of body experience. Naghanap ako ng mapagkukublihang mga puno at naglatag ako nang dala kong kumot. Sinigurado kong nasabihan ko ang aking mga kaibigan na mag meditate lang ako ng isang kalahating oras, at huwag nila akong iistorbohin. Medyo madilim ang napili kong lugar, kaya mas maganda ang pag astral travel. Huminga ako nang malalim at humiga na sa lupa. Nag relax ako at sinimulan ang aking deep meditation. Nilinaw ko ang aking kaisipan at pinakawalan ang laman nang aking isipan. At ilang saglit lang ay naabot ko na ang hypnotic state. Naramdaman kong gumaan ang aking consiousness, at unti unti akong lumutang. Nakita ko ang napakagandang talon, ang sarili kong nakahiga sa isang parte ng gubat, nakita ko rin ang aking mga kaibigang nagpapahinga. Napakaganda ng bundok at gubat sa aking panananaw . Para akong lumilipad . Nang mapansin kong me isang tila aninong nilalang na nagmamatyag sa aking mga kaibigang natutulog, ay saka naman akong lumutang pa himpapawid. Sa mga oras na yun ay nagpahatak na ako sa pwersa ng aking silver cord upang bumalik sa aking katawang lupa dahil ako ay biglang nag- alala sa kapakanan ng aking mag kaibigan. 

Pagkabalik ko sa aking katawan ay dali dali akong tumungo sa lugar na kinaroroonan ng aking mga kaibigan. Dali dali ko silang ginising, at nagising din naman agad sila. Sabi ko umalis na kame nagyon sa lugar na yun, me nakita akong anino ng lalakeng nagmamatyag sa kanila mula sa puno na nasa ibabaw ng talon. Dali dali din naman silang lahat, ngunit isa sa aming kaibigang babae ang nawawala. Sabi ko nasan si Dara? Nag panic na ang mga kalalakihan at dali daling inakyat ang kinaroroonan ng punong itinuro ko. Binalikan ko ang aking mga gamit sa aking pinagkublihang lugar para mag meditate. nang marating ko ang lugar na yun ay lakeng gulat ko na nakahiga sa aking kumot si Dara ,napakadungis niya, at halos tulala lang siyang nakatingin sa kalangitan. Sumigaw ako , sabi ko nandito si Dara. Dali dali namang nagtakbuhan papunta sa aking direksyon ang akin mga kaibigang babae. Samantalang ang mga kalalakihan ay dali dali ring bumaba mula sa mataas na bahagi ng talon. 

Tulala lang si Dara, tinapik tapik ko siya, pero para lang siyang estatwang hindi gumagalaw. Nang walang anu ano ay bigla siyang lumutang siya nang halos dalawang talampakan sa ere, at nangingitim ang kanyang mga mata. Biglang ngumiti siyang mala demonyo, at nangingitim ang kanyang mga ipin at gilagid. Takot na takot na ang kaninang masasaya kong mga kaibigan. Ngumingising sabi ng nasanibang si Dara, na 'Mamatay kayong lahat! Mamamatay! ' Sabay halakhak na halos mag echo sa buong kagubatan. Isa isa nangisay ang aking mga kaibigang lalake, at animoy nilamon sila ng lupa. Sa takot namin ay nasitakbuhan na kame,  habang tumatakbo kame palayo ay rinig na rinig pa rin namin ang halakhak ni Dara. Nang makarating kame sa patag ay gulat na gulat ang mga mountain guide sa amin, tinanung nila kung paano kame nakaakyat sa bundok nang hindi nila napapansin. Ikinuwento ko ang buong pangyayari sa kanila, ngunit sa pagtataka ko ay para lang silang naguguluhan. Sabi nila nasa Van yung kasamahan naming sa Dara at yung tatlong lalake. Kanina pa daw kame hinahanap kasi nga ay sasamahan na kame ng mga guide sa pag akyat sa bundok. 

Pinakita ko ang kuha naming litrato sa aking digital camera, nakita nilang me kuha nga kame sa talon, at me kuha akong madungis si Dara. Si Dara ay kinilabutan, sabi niya me Doppelganger ako. Sabi ng mga hiking guide na malayo daw ang lugar na narating namin, at hindi daw basta mahahanap ang lugar na iyun pag walang kasamang guide. Ang payo ng isa sa pinaka matandang guide ay dapat daw sunugin nila Dara ang damit nila pagkauwi sa kanilang bahay. Hindi na kame tumuloy paakyat muli ng bundok. At nagpasiya na kameng umuwi ng Maynila. 

Ang isang van na naglululan sa anim naming mga kaibigan ay na-aksidente, nahulog ang van sa bangin at lahat ng sakay nito ay namatay, kasama ang driver. 

Mula nuon ay lagi ko nang nararamdaman ang nilalang na itim. Lagi siyang nakatitig saan man ako magtungo. Naririnig ko rin ang boses ng aking mga kaibigang namatay na humihingi ng tulong...

Hwag kang lilingon... nandyan siya sa tabi mo. . . 

Ayon sa albularyong aking kinonsulta ay kailangan ko daw ibahagi sayo ang aking kwento bilang pangontra. 

At para hindi ka dalawin ng anim na kaluluwa ay i share mo sa anim ang kwentong ito. . . hwag mo hayaang mag sisi ka sa huli. 


Gabi ng Lagim - Pinoy Horror Short Stories ; Hiwaga; MultoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon