Itago nyo nalang ako sa pangalang Vheena. Matagal kong pinag isipan kung aking ibabahagi ang matagal ko nang itinatagong sekreto. Dumating sa puntong gusto ko itong ibahagi upang magbigay-babala sa inyo. Ang karanasan kong ito ay matagal nang nangyari at may ilang maselan bahagi ito.
Ako po ay isang guro sa isang munting paaralan dito sa aming bayan. Hindi ko na po babangitin ang bayang aking pinagmulan. Ako po ay nangangarap na maging isang manunulat ng romance. Bunso po ako sa aming limang magkakapatid. Lahat po sila ay me sari sarili nang pamilya. Kaya ako nalang ang kasama ni Nanay sa aming munting bahay. Hindi pa po ako nagka boyfriend, lagi nga akong binibiro nang mga kapwa ko guro na baka daw ako mapag iwanan ng biyahe. 31 years old na ako. Dahil sa ako nalang ang kasama ni nanay sa buhay, ay sa kanya ko nalang itinuon ang lahat.
Nagsimula ang lahat ng bumili ako ng isang segunda manong acer na lap top. Alam niyo naman po ang sahod naming mga guro. Kaya segunda manong laptop lang ang pasok sa akin budget. Gabi yun ng Disyembre, at dahil walang pasok sa paaralan, ay naisipan kong gumawa ng kwento. Habang nag ta-type ako sa aking laptop ay paminsan-minsan akong humihigop ng kape. Pampa-tanggal antok. Wala pa ako sa kalagitnaan ng aking sinusulat na kwento nang mapansin kong me nakadungaw sa aming bintana. Sa hindi ko maipaliwanag , ay dinungaw ko ang bintana. Sa labas ay me isang matipunong lalakeng nakatayo, nakatitig lang siya sa akin, iba ang pagkaka asul ng kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay parang mata ng Norwegian. Napakaamo ng kanyang mga mukha na anio'y anghel. Lumapit siya sa akin, sa aking pagtataka ay bigla nalamang siyang nasa luob ng aking kwarto. Sinabi niya sa akin na tutulungan niya akong magsulat ng isang nobelang magpapasikat sa kin bilang isang manunulat. Nagtaka ako sa sarili ko, kung bakit ako ay parang nabighani at naniwala agad sa kanya. Ako na masyadong pihikan sa lalake , at me pagka suplada sa mga lalake ay bigla nalang naging napakaamo. Hinawakan niya ang aking mga kamay at sinabing ipikit ko ang aking mga mata at mag type lang sa laptop ko. Bukas daw pag gising ko ay tapos na ang nobela ko.
Kinabukasan ay nagising akong nasatabi ko ang aking laptop, at sa aking pagkamangha ay nakatapos nga ako ng isang nobelang Romance. Nagtaka akong paano ako nakapag type sa aking pagtulog. At kung bakit parang totoong-totoo ang aking panaginip. Ang lalake sa aking panaginip ay parang nasa king kwarto talaga kagabi. Binasa ko ang nobela, at talaga namang kakaiba ang pagkakagawa, talaga namang magpapakilig ito sa sinumang dalagang magbabasa nito. 24,000 words ang haba ng nobela, at naka double space na siya. Hindi ko kelangan pang ayusin, naka set-up na rin ang one-inch margin sa microsoft word. Nag save ako ng file sa aking USB para i pa print ko mamaya sa computer shop sa me bayan.
Pagkatapos namin mananghalian ni nanay, ay gumayak na ako para pumunta ng bayan. Ibibili ko ng gamut si Nanay, mag-grocery na rin ako ng konting mga lulutuin namin sa noche buena, at ipa-pa print ko na ang naisulat kong nobela.
Nang mapa-print ko na ang aking nobela, ay inilagay ko na ito sa isang long brown envelop. Bago umuwi ay dumaan ako saglit sa aming post office upang ipadala ang aking nobela sa Bookware Publishing Corporation na nasa Maynila.
Gabi-gabi ay dinadalaw ako ng lalaking tumulong sa king magsulat ng romance novel. Sa una ay kwentuhan lang kame at konting halikan. Pero nang lumaon ay nagtatalik na kame . At pagkagising ko sa umaga ay basang-basa ng kung anong malagkit na likido ang aking panty. Me mga spotting din sa aking panty. Noong una akala ko ay isa lamang itong pangkaraniwang wet dreams. Pero kalaunan ay hinahanap hanap ko na ito, at sa aking bawat pagtulog ay nasasabik akong muling makasiping ang lalake sa aking panaginip. At kada gising ko sa umaga ay me tapos nang nobela, maikling kwento, o minsan naman ay tula. At me pagkakataong mas nais ko nang palagi akong tulog. Hindi ko maunawaan pero kakaibang init sa king katawan ang dulot sa bawat gabing pagpapaligaya niya sa akin. Bawat naisulat kong mga nobela at mga maiikling kwento mula sa pagkakahimbing ay aking isinumite lahat sa Publishing house na yon sa Maynila. At nagbabaka sakaling me isa man lang sa aking ipinadala ang kanilang ilathala. Minsan sumagi sa isip ko na i video ang sarili ko gamit ang aking smart phone. Inilagay ko ito sa isang tokador ko sa kwarto. Ngunit pagakagising ko kinabukasan at tignan ang video, ay puro dilim lang ang nakunan, pero me isa akong nakunan na picture , ito yung aking i share dito, nakapatong sa kin ang aking laptop na animo'y nag type ako kagabi habang tulog, at naka tingin ako sa camera. Na weirdohan ako sa kuha, dahil wala namang ganung feature ang smart phone ko na kayang makunan ako sa anumang oras. Tinignan ko ang aking panty at katulad ng mga nagdaang araw ay basang basa ito ng mala semilyang likido.
Makaraan ng ilang buwan, Mayo noon, nang me dumating na sulat, ang laman ng sulat ay nagsasabing apat daw sa aking naisumite sa Bookware ang ipa-publish nila, at padadalhan daw ako ng bayad sa aking nobela. Sobra ang tuwa ko nang mga araw na yun. Para akong naglalakad sa alapaap, buong araw. At ilang araw nga lang ang nakalipas ay natanggap ko ang pera mula sa publisher. Nakatanggap din ako ng kopya ng mga libro. Ang mga libro ko ay naging best seller sa mga kabataan. Laging ubusan sa National bookstore.
Nagpatuloy ang aking pagkakahumaling sa lalakeng dumadalaw sa akin sa aking panaginip. At habang tumatagal ay napapansin ako ni Nanay na nangangayayat daw at nangingitim ang aking mga labi, siko, kuko, kili-kili at tuhod. Ngunit pag tingin ko sa salamin ay hindi naman ganun. At dahil dun ay ikinuwento ko ke nanay ang aking panaginip. Siya ay nasindak, at sinabi niya sa kin na meron daw siyang ganung manliligaw sa kanilang bario nuong siya ay dalaga pa. Siya raw ay niligawan nito, ngunit itinanan daw siya ng aking ama. At sila ay nagpunta sa isang albularyo para magamot siya, ang sabi ng albularyo ay napaglalaruan daw siya ng isang engkanto. Nais daw nito makuha ang aking ina at isama sa kanilang lugar. Buti nalang daw at me lalakeng umibig sa kanya, ang aking tatay.
Nung araw din na yun ay isinama ako ni nanay upang ipatingin sa isang albularyo, me katandaan na ang albularyo, mga nasa 85 years old na ito. Sabi ni nanay siya rin daw ang albularyong gumamot sa kanya noong magtanan sila ng tatay ko. Sa isang plangganang me tubig ay nagpatak ng puting kandila ang albularyo. Me hugis na nabuo sa kandilang ipinatak sa tubig. Sabi ng albularyo na ang lalakeng dumadalaw daw sa panaginip ko ay isang engakantong nagkagusto ke nanay nuong siya ay dalaga pa.Mas sadyang malakas daw ito ngayon, dahil nakuha niya ang pagkababae ko. Pagnagtagal pa daw ang aming relasyon ay mawawala ang aking katinuan at tuluyan nang mawawala sa aking sarili. At pag ako ay nawala sa katinuan, ay yun na daw ang hudyat upang pakainin daw ng engkanto ng pagkaing itim, at pag ito ay nangyari ay tuluyan na niya ako maisasama sa dimensyon nila. At ang aking katawang lupa raw ay mapapalitan ng puno ng saging. Naghanda ang albularyo ng ibat ibang halaman, langis, mainit na tubig at buntot ng pagi.Nagpa bili din siya ke nanay ng manok, itog at malagkit na kakanin. Hindi ko na nalaman kung paano ako ginamot ng matandang albularyo dahil ako ay nawalan ng malay habang ako ay ginagamut. Wala akong naalala ng mga panahong yun . Parang nabura ang lahat ng alaala ko. At ilang buwan ding paulit-ulit na gamutan. Pagkatapos ay parang nagising nalang ako sa isang panaginip. Napakagaling ng matandang albularyo. Pinayuhan ako ng matandang albularyo na lumipat ng tahanan at ibenta ang anumang gamit na me koneksyon sa engkanto. Naisip ko ito siguro yung laptop, mga damit kong panggabi, at yung mga unan ko.
Saktong araw na lilipat na kame ng bahay nang biglang maglaho ang aking ina. Napalitan ang katawan niya ng isang puno ng saging na nakahiga sa kanyang higaan. Nakasuot sa puning saging ang daster ng aking nanay. Nagpanic ako at dali dali akong sumakay ng tricycle papuntang bahay ng matandang albularyo.
Pagdating ko sa bahay ng albularyo ay wala na raw siya doon. Nagtanung tanung ako sa kanyang mga kapitbahay. At ang sabi nila ay ilang linggo na daw siyang namayapa. Sagot ko naman ay " Galing lang kame dito ng nanay ko noong biyernes, sa katunayan nga ay napagaling ako ng matanda." Ang sabi naman ng kapitbahay ng albularyo ay" Imposible, dahil matagal nang hindi nanggagamot ang albularyo. At kung nagpunta nga kayo ng nanay mo ay makikita ka namin. Ngayon lang kita nakita sa lugar namin."
BINABASA MO ANG
Gabi ng Lagim - Pinoy Horror Short Stories ; Hiwaga; Multo
TerrorTrue Pinoy Horror Anthology . Real-Life tales of Supernatural & Horror. Chilling Ghost Stories. Are you prepared to face your own fear? Mga maiikling kwentong sisindak sa yo. Manginginig ka sa takot, mapapatalukbong ka sa iyong kumot. Maghahanap ka...