Rosei's Point of View.
Nandito ako ngayon sa comfort room nagsa-salamin nang biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa sling bag at sinagot.
[Rosei, nasaan ka na ba?] Tanong ni Mama mula sa kabilang linya.
"Nasa comfort room pa rin, Ma, bakit?" Sagot ko.
[Gusto ka raw ma-meet ng Step-brother mo, pumunta ka sa 3rd floor, doon ang office niya.] Masayang sabi niya.
"Sige," Tanging sagot ko.
[Good luck! Sana maging close kayo!] Natatawang sabi niya pero hindi ko na siya sinagot pa at binaba na ang phone.
"Excuse me, miss, saan dito 'yong office ng anak ni Mr. Torres?" Tanong ko sa babaeng napadaan.
"Diyan po," Sagot niya at tinuro ang pintuang nasa gilid namin.
"Ah, sige, thank you," Sabi ko, tumango naman siya saka umalis.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at kumatok.
"Bukas 'yan," Sabi ng nasa loob, familiar ang boses niya, ah.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Pagpasok ko ay may isang lalaki ang nakaupo sa swivel chair pero hindi ko pa makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.
"Hi, ako si Rosei. Gusto mo raw ako ma-meet?" Nahihiyang ani ko pero hindi siya sumagot o humarap man lang.
"Excuse me?" Ani ko kaya dahan-dahan siyang humarap at pagharap niya nanlaki ang dalawang mata ko at napatakip pa ng bibig.
Hindi ako pwedeng magkamali! Siya si Ice! Ang lalaking naka one night stand ko. Omg, step-brother ko ang naka one night stand ko?!
Bakit siya pa! Sa dinami-raming pwedeng maging step-brother sa mundo bakit 'yong naka one night stand ko pa?! Anong gagawin ko?!
───༻✧༺───
A B B I A N N A
YOU ARE READING
ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]
RomansaA man she had a one night stand with, turns out to be her step-brother.