Biglaan naman yatang naisipan nina Dad and mom na magbakasyon ng isang linggo sa Siargao. Sabado na kasi Ngayon at walang pasok. Lahat din ng mga nagtatrabaho sa mansion ay pinaleave din ng isang linggo.
Isasama Nila ako sa Siargao pero maiiwan dito sa Mansion si kuya.

May CCTV sa Sala, kitchen, sa may maindoor at sa likod ng mansion para malaman Nila Kung umalis ng mansion si kuya or kung may dalhin Itong babae ulit.

Ito na yata Ang sinasabing punishment ni dad para Kay Kuya.

"Daddy Vin. Isama na natin si kuya please." Makaawa ko.

"Buo na ang pasya ko Ivana. And after this vacation, aasikasuhin na natin Ang papeles mo para maadopt ka na namin legally. Para maging Mondragon ka na."

Natigilan ako sa sinabi ni dad. Oo nga pala, noon pa Nila sinasabing magiging fully Mondragon na 'ko. Noon ko pa gustong masali sa pamilya Nila pero Ngayon ay parang nagdadalawang isip na ako. Gusto ko munang pag-isipan yun Kung handa na ba ako. No. Wag ko na munang isipin Ang tungkol dun.

"P-pero dad, walang libangan si kuya dito. Wala pa syang gadgets. Sya lang mag-isa dito. Di pa ba sapat na wala na syang gadgets?" Pilit ko pa din.

Napahilamos ng Mukha si dad. Naiirita?

"Love na love mo talaga Ang anak ko noh." Naisabi nya sa'kin habang nakangisi.

"Ah...eh. Opo. As a brother po."

"I see." Tumango-tango muna Sya bago tumingin ulit sa'kin. "Puntahan mo na Sya. Tell him to pack his clothes. Isasama natin Sya."

"Yes!" Napasigaw na 'ko. Mabilis Kong niyakap si dad. "Thanks dad!"

Pagkatapos ay tinungo ko kaagad Ang kwarto ni kuya. Excited Akong Sabihin sa kanya na isasama namin Sya.

"Kuya! Kuya!"

"Ivana! You're so noisy. Natutulog ako." Reklamo kaagad nya. Makita ko syang nakahiga lamang sa sofa sa paanan ng kama nya.

Malaki ang kwartong ito dahil ito ang kwarto dati nina Lola Salve at Lolo Vicente. Pero nang mamatay sila sa aksidente, si kuya Exort na ang nag occupy sa kwartong ito.
Malawak, may bathroom, may malaking refrigerator at parang maliit na kusina.

"Kuya, pack your clothes now. Isasama ka namin sa Siargao." Masayang tugon ko sa kanya. Umangat Sya ng ulo upang tignan ako pero ilang saglit lang ay muli syang humiga.
"Kuya! Pack your clothes na!"

"I'm telling you Ivana. Hindi nga ako isasama." Walang kaemo-emosyon na sagot nya.

"Ano bang sinasabi mo? Isasama ka na nga eh. Pinilit ko si dad."

"Hindi nga ako isasama. Dad is mad at me, and also mom."

"No! Di naman sila Galit ah."

"I said they're mad at me!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses nya. Napakaseryoso pa ng itsura nya Ngayon na parang ayaw nyang istorbuhin Sya ng kahit sino.

"Tatanungin ko ulit si dad. I'm telling you Kuya Exort. Hindi sila Galit sa'yo. I'll do my best para di ka Nila parusahan."

"Okay. Go." Wala pa rin syang emosyon.

Seryoso ako nang tinalikuran ko Sya at tumungo kaagad ako sa pinto para puntahan sina mom and dad sa kotse.. pero laking gulat ko nang di ko na mabuksan ang pinto!

Kahit Anong pilit kong ikutin Ang doorknob, wala pa rin!

"Kuya! Nalock!"

"What?"

Nangunot Ang noo nya at bumangon Sya sa sofa para lapitan ako. Pinihit nya Ang doorknob pero ganun din Ang pagtataka nya nang di na maopen yun.

"Bullshit! We're locked!"

"T-totoo? Nalock tayo? Eh sino namang may gawa nun?" Nanlumo ako nang marinig Ang ugong ng sasakyan nina daddy. Papaalis na iyon.

"Sino pa nga ba? Eh di sina Mang Ernesto siguro." He is referring to one of daddy's member in frat.
Kasali si Mang Ernesto sa frat ni dad at trabahador din ito sa mansion. Malamang ay akala nito wala nang tao dito sa kwarto Kaya nilock nya.

Tinadyakan ni kuya ng malakas Ang pinto at napahilamos Sya ng Mukha.

"Damn! Kung hindi mo Sana ako pinuntahan, hindi ka rin malolock dito. That's your fault." Inirapan nya ako.

"Wait lang tatawagan ko sina dad."
Dinukot ko Ang phone ko sa bulsa ko. Kaaagad namang hinablot ni kuya Ang phone mula sa'kin at Sya mismo Ang tumawag.

......

"Hello Ivana."

"DADDDDD!!!!"

Nailayo ko sa tenga ang phone ko nang marinig Ang sigaw ni Exort sa kabilang linya. He's so mad at me. And he's using Ivana's phone. Yun ay dahil kinuha ko lahat ng gadgets nya.
"Yes, Son?"

"We're locked.In.My.Room." He said in a very serious manner. "Balikan nyo kami dito dad."

Napalingon ako Kay Deza na asawa ko dahil kinalabit nya 'ko. Magkatabi kasi kami dito sa backseat ng kotse at patungo na kami sa airport.

"Anak mo yan Vin. Maawa ka naman dyan." Kinurot ako ni Deza sa tagiliran pero di ko ininda yun. Kinausap ko pa rin sa phone Ang anak ko.

"Ten minutes na lang ay flight na namin son. Just take care of Ivana okay?"

"What?! So di nyo kami babalikan dito?! The hell! You have to open this door!" Nailayo ko ulit ang phone kasi sumisigaw na Sya.

"That will be my punishment to you Exort. I told you to publicly apologize to Ivana pero ayaw mo."

"Pinipigilan ako ng pride ko! I will never apologize like that to her."

"Then you have no choice. Makukulong kayong dalawa dyan sa kwarto mo for a week. Magsorry ka na sa kanya hangga't nakakulong palang kayo jan--"

"I don't know if I can do that Dad!"

"I don't care Basta makukulong kayo jan." Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pinatay ko na ang tawag.

Nang lingunin ko Ang asawa ko ay masama na ang tingin nya sa'kin. Grabe naman.

"Why are you staring at me with a sharp look?" Napangiwi ako kasi ganun pa din Ang itsura nya.

"Alam mo dad, Galit din ako sa anak natin dahil nagdala Sya ng babae sa bahay--"

"Oh Galit ka naman pala eh. Let him suffer that punishment. Kasalanan nya yun. Ang galing na nyang lumandi. Eh rato nga noon hindi naman tayo ganun."

"Pero kahit na. Bat mo naman pinalock Kay Mang Ernesto Ang room Nila?" Naiiritang Tanong sa'kin ng maganda Kung asawa.
"Magiging legal na anak na natin si Ivana. Bakit mo naman sila hinayaang malock sa iisang kwarto?"

Hinuli ko Ang palad nya at hinaplos ko iyon at hinalik-halikan. I want her to understand why am I doing this.

"Magtiwala ka lang sa'kin mom ko. Gagawin ko 'to para din malaman ko Kung ready ba si Ivana na maging parte na ng Mondragon family. At Kung ready na ba si Exort na ituring na kapatid si Ivana. Alam mo namang may affair ang dalawang yun nung mga bata pa lamang sila."

Napatango-tango si Deza sa'kin. Mukhang naconvince ko na Sya.

"Maybe they still love each other more than just siblings."

"Yeah." Napatango-tango si Deza.

"Malalaman natin yun after a week. Saka natin tatanungin si Ivana Kung handa na ba syang magpa-adopt sa'tin."

"Okay dad." Tumango si Deza.
Kaagad ko syang hinalikan sa labi.

Pareho kaming excited na malaman Kung may gusto pa ba Ang dalawang yun sa Isat isa. Ano na Kaya Ang ginagawa ng dalawang yun sa kwarto?

Sayang dahil hindi ako nakapagpakabit ng CCTV sa kwarto ni Exort. Panonoorin ko Sana sila.

Love in Mondragon MansionWhere stories live. Discover now