Balisa kong kinalabit si Erich na nagtetext pa rin.
"Ahh, Erich can we go now? Hehe." Awkward yung pagkakasabi ko sa kanya habang nkayuko
"Ah yes sorry may nireplyan lang ako." Bahagya nmn siyang nagulat nang nakita ang posisyon kong nkayuko
"Anong ginagawa mo dyan?" Nagtatakang Tanong ni Erich sa akin
"Basta, just gooo. Tara na." Mahinang sabi ko habang nakayuko pa rin
"You know what, sometimes you're weird insan ha." Tumawa siya ng bahagya
Pinaandar na ni Erich ang kotse niya, seryoso ito ngayon na nkatingin sa daanan papalabas ng parking lot.
Umayos na ako ng upo ng madaanan na namin ang katabing nkapark din na kotse ng lalaking yun.
"Ba't ganoon itsura mo kanina? May pa yuko2 ka pa parang may pinagtataguan." She asked curiously
Napatitig ako sa pinsan ko. Nag iisip kung sasabihin ko sa kanya o hindi.
"May nakita akong kaklase ko kanina." Pagsisinungaling ko sa kanya habang binaling ko ang tingin ko sa daan.
Biglang tumunog ang notification ko sa cellphone, nkalimutan kong mag checheck pala sana ako ng social media account ko.
"Kaklase? Ba't ka nagtatago?" Puno pa rin ng kuryusidad ang tono ni Erich
"I don't want her to see me. Naiilang ako sa itsura ko." Pagsisinungaling ko ulit.
Tumahimik ng bahagya kaya nkapag concentrate ako sa pag babasa sa facebook. Tinignan ko notifications ko, nanlaki ang mata kong nakita ang isang profile picture na sobrang pamilyar sa akin.
"What the heck?!" Bigla kong usal
"Hmm. Oo noh, yan din dapat sasabihin ko kanina Tin, sinungaling ka din minsan eh." Biglang sapaw ni Erich sa gulat kong reaksyon
"H-ha? A-anong sinungaling?" Pag mamaang maangan ko.
"Si Rocket nakita mo? Kita ko rin kase, baka nakalimutan mong nauna akong pumasok sa sasakyan. Matanglawin tong pinsan mo, wag kang ano." Untag ni Erich sabay nginisihan ako
"Eh ba't nagtanong ka pa ha? Labo mo rin minsan eh." Ako
"Gusto ko lang naman kaseng malaman kung paglilihiman mo ako or ano. Pero teka ha, ba't nagsinungaling ka sa'kin?!" Lumingon sya ng bahagya sa akin sakto kaseng nasa stop ang ilaw sa traffic light
"Kasi aasarin mo lang ako at uulit ulitin mo sa akin yung nangyari noon. Kaya ayoko nalang sabihin sa iyo kasi alam ko magiging reaksyon mo." Pagpapakatotoong sagot ko kay Erich
"Eh sa ayoko kaseng matulad ka na naman sa..."
"Tapos na yun pinsan, tapos na yung chapter na yun, binuklat ko na ibang parte ng buhay ko ngayon, parte na lang siya sa bangungot ng nakaraan ko." Pagputol ko sa kanya
"Siguradohin mo yan, baka iuwi kita sa inyo para kastiguhin ng mommy mo. Tatandaan ko yan Tin." Aniya
"Opo tyang, hinding hindi na kami magkikita muli or magkakatagpo ng ulupong na yun." Pagbibiro ko
"Ulupong nga na inlove ka naman. Tsk!" Natatawang sabi ni Erich
"Pero infairness yung ulupong may itsura ha, pumogi ng sobra. Hahah" biro niya sa akin ulit
"Pogi ba yun? Ulupong pa rin sa paningin ko eh." Sagot ko sa kanya
Tumawa kamin dalawa matapos kong sabihin ang linyang yun.
Napag mumuni muni ko na normal ang reaksyon ni Erich na maging overprotective sa akin lalo n s taong yun. Naiintindihan ko ang pag aalala nila sa akin. Mahal ako ng pinsan ko at ayaw niyang dumanas ulit ako ng sakit dahil sa pag ibig na yan.
YOU ARE READING
Unexpectedly Inlove
Teen FictionTin has a 3-long years relationship with Jared, but that 3 years relationship ended painfully. Here comes another chapter of her life, moving on from her first love and trying to love herself more than anything else. Then trouble comes once again...