Chapter 6: Misteryosong Pogi Na Basketball Player

102 6 2
                                    

Bagong umaga na naman! Dilat na ang mga mata ko pero ayaw ko pang bumangon, alas tres ng madaling araw na kasi ata ako nakatulog. Halos matunaw ko na ang cellphone ko kakatitig sa mukha ng lalaking nag friend request sa akin.

Kumawala ako ng isang buntong hininga bago kinapa ang bedside table ko para hanapin ang cellphone ko at icheck ang oras.

Hinay hinay akong umupo sa kama at tiningnan cellphone kong may text ni Erich.

Erich:
Good morning sleeping beauty! Hahah. Ang ganda mo kapag tulog. HAHAHAH! Anyway, pumasok ako ng kwarto mo para magpaalam kanina, di ka pa pala gising kaya hinanda ko yung outfit mo ngayon pagpasok, suotin mo yan ha, naka hanger sa dresser mo. Kumain ka ng agahan, at wag malilate sa school. Love u.

Ps might be late to come home mamaya, I'll see u sa coffee shop nalang 4pm yung duty mo, right? Will drop by there."

Ngumiti ako ng bahagya bago tumayo at chineck sa dresser ang ipapasuot niyang damit sa akin.

Isang white long sleeve, na tinupi niya hanggang maging 3/4 yung sleeves, tattered blue denim jeans na skinny, may sinabit din siyang isang kulay gray na back pack na bagong bago at halatang mamahalin din.

Erich really know my taste hindi ako mahilig sa mga damit na mejo nagpapakita ng balat, she bought me croptop shirts and sandos kahapon but she see to it na may kasama yung high waisted jeans pra hindi masyadong exposed ang tiyan ko. Halos pag awayan namin yan noon pero kahapon, hinayaan ko syang mamili sa kung ano sa tingin niya ang babagay sa akin.

Nagtipa ako ng reply kay Erich na nakangiti

Ako: okay po madam stylist baka ihawin mo ako if di ko sinuot. Takot ko lang sayo 😝 see u later tho. Ingat!

Agad naman akong naligo at nagbihis, to finish the look nagsuot ako ng white converse shoes, put my things on my back pack, and finally, went down to eat breakfast.

Gumawa lng ako ng egg sandwich at nagsalin ng kape sa doubled wall mug ko. As I am having a peaceful breakfast while scrolling to my facebook account a notification popped up.

Rocket dela Merced Sent You a Message Request

Naibuga ko ang sinisimsim kong mainit na kape sa gulat.

"What the?!" Untag ko

I tapped the messenger icon, and tried to compose myself sa mensahe ng lalaking toh

Rocket: Hi!

Inexit ko ang app habng naglinis na ng pinagkaainan "Bored tong taong toh, naghahanap ng mapagtitripan. Tsk! Bahala ka dyan!"

Wala sa isip ko ang replyan at makipag interact pa sa kanya. After all of the struggles and effort na ginawa ko at ng pamilya ko para makarecover ako sa pagmomove on galing sa sakit na naidulot niya sa akin, I can't risk myself anymore. Though I have learned my lesson sa love throughout the whole journey of my recovery. Dahil sa kanya nasira ang plans ni papa na mkapag graduate ako earlier, dapat sana graduate na ako last year, pero nang dahil sa pagkasawi ko sa kanya eto baka next year pa ako mkakagraduate ng college. Nasa Canada na sana ako kasama si papa ngayon, helping him with the business or baka nagtuturo na ako ngayon sa kung saan man.

I always have the heart of helping other people, may it be financially or moral support. Yun din kasi ang pinakita ni papa sa akin, hindi ko man siya kadugo pero pinaramdam niya ako na parte ako ng buhay at pagkatao niya. Binihisan at binigyan sa lahat ng pangangailangan ko, minsan sobra pa nga, kaya this is the only way that I know na maipakita at maibahagi ko sa iba ang ginawang kabutihan ng Papa sa akin.

After kong kumain at nag ligpit kinuha ko ulit ang bag ko at nilagay sa aking likod. 
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang university. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay na tinutuloyan namin ni Erich sa uni na pinag aaralan namin.

Pagkapasok ko ng gate ng university, nakita ko ka agad ang kaibigan kong si Alaine.
She looked so surprised. Siguro dahil sa aking suot, or na weweirdohan sya sa akin.

"Ibang outfit natin today, no black loose tshirts, black pants, naka bun na buhok. Lemme sum it up, you look great today, girl." Nakangisi nyang sabi sa akin

"Alaine, wag mo kong ine-echos sa mga ganyang linyahan mo, may assignment kang di nasagotan?" Biro kong tanong sa kanya.

"Ang harsh mo, di ako sing galing mo sa acads noh pro di rin naman ako bobo. Nahurt ako doon. Pero big deal ha, umabsent ka kahapon! May chika ako sayo, huli ka na naman sa chismis sa department natin." Si Alaine

"Nako, Alaine, napaka showbiz mo talaga. Tigilan mo na yang pagiging marites mo, hindi na kakaganda yan. Mag aral ka nalang kaya. Bagsak ka na naman sa Chem eh, kita ko results mo ha." Sabay abot ng kanyang test paper sa kanya

"Eh wala eh, sumabit ka nga lang din sa passing score kasi broken ang peg ng kinokopyahan ko sa Chem. Heheh. Sorry na po. Busy talaga ako sa bahay lately eh, lam mo na, ako yung katuwang ni nanay sa paglalako ng paninda." Nakangiti pa ring sagot ni Alaine sa akin.

Dirediretso ang lakad namin papunta sa building namin na talagang medyo nagiging di na komportable sa akin ang tingin ng mga nakakasalubong ko. Ako pa rin naman toh, pero oo naman nagbago lang yung pananamit ko ngayon. Di lang talaga ako sanay sa ganito. 

"Alam mo may poging pumunta ng school kahapon nag laro pa nga sa basketball court natin. Balita ko taga ibang school daw yun, pero either may kadugong nagtatrabaho sa school kaya nakapasok yung dito, pero dai, winner poging pogi talaga ang galing pa mag basketball." Ito yung nakaputol sa iniisip ko nang nasa building na kami.

"Andami na pong pumasok na pogi sa school natin Alaine, at ni isa wala ka talagang na bingwit. Hahaha" Biro ko sa kanya.

"Ikaw naman oh, eh nandito ako para mag aral saka na ako mag lolovelife if kaya ko nang buhayin pamilya ko. Wag mong nililiko yung chika noh. Nalaman ko yung pangalan ng pogi" Si Alaine.

Pumunta na muna kami ng locker para kunin ang ibang libro ko bago pumasok ng classroom, ganoon din ang ginawa ni Alaine.

"So nakilala mo pala yung bumisita ng school, huh. Progress na yan Alaine, baka nag prapractice for interschool sports competition, diba malapit na yun?" Ako kay Alaine

"Hmm. Baka nga, kaya iniisip ko baka bumalik yung lalaking yun. Nasabi ko na ba ang pangalan niya?" Alaine

"Hindi pa, dami mo kasing sinasabe." Sagot ko habang busy sa paghahanap ng isa ko pang libro.

"His name is Rocket, if tama yung rinig ko kahapon..." Alaine

"Tumpak!" Biglang sabat ng isang boses na alam kong pamilyar sa akin

--------------------- TO BE CONTINUED


Hi, hello! Sorry if medyo matagal bago ako nakapag update. But here it is. I hope you enjoy this chapter and sana, sana mag enjoy kayo sa fictional characters ng DonBelle dito. Di ako mag papromise pro nag new years resolution ako na makapag update sa fan fict na toh. Ingat kayo lagi. Maraming maraming salamat sa pagbabasa. 

Unexpectedly InloveWhere stories live. Discover now