6

205 13 0
                                    

"...and also thank you din po to Maam Eva, love you Maam! Thank you sa walang sawang suporta, mahal ka namin..."

"...okay lang ako Oceana, siguro madamot lang talaga ako kaya ayaw ko silang ishare sa iba..."

•••
••

IRIS'

Tama ba na nasasaktan ka sa isang bagay na unti unti nang nawawala sa iyo kahit na nung una pa lamang ay alam mo nang hindi naman permanente na pag mamay-ari mo. Normal ba na masaktan?

Masyado nga lang siguro akong attached sa advisory class ko, nakalimutan ko na magset ng limitation.

Usually students ang nakakaramdam ng ganito—yung territorial sila. But in my case, no. I disagree kasi even kami na teachers we also felt jealous at times.

"Maam Iris, pinapatawag ka ni Maam Thelma sa office." aniya ng isa sa mga co-teacher ko na kakapasok nang ng faculty.

"Ay okay po, Thank you Maam." I smiled as I answered her.

Magkahalong kaba at nerbyos ang nararamdaman ko kahit na alam ko naman yung rason kung bakit ako pinatawag ng headteacher ng senior highschool department— Regarding my resignation.

No one knew about this kahit si Oceana at Santy, hindi nila ito alam. It was a personal decision kahit bago pa yung nangyari nung battle of the bands.

"Goodafternoon Miss Thelma." Ngumiti lang siya bilang tugon at iginiya ako na maupo sa silya na nasa harapang ng mesa niya.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo Maam Iris?"

"O-opo Maam. Aaminin ko po na ang hirap iwan ng trabaho ko dahil ito po talaga yung gusto ko pero... may pamilya—anak din po ako na kailangan kong pagtuunan ng pansin." I sighed, a heavy one. "Sinabi ko po kasi sa sarili ko na, magtatrabaho ako habang maliit pa yung anak ko pero once na magka-isip na po siya...bibitawan ko po ang trabaho ko. Kailangan niya na po ako sa tabi niya ngayon lalo na lumalaki na siya." Totoo naman na, noong baby pa lamang siya tsaka ako kumayod sa trabaho pero ngayon na lumalaki na siya ayokong palampasin yung mga pagkakataon, gusto ko nasa tabi niya ako, sa bawat achievements niya sa buhay.

"Nakapag paalam ka na ba?" bahagya namang nagsalubong ang mga kilay ko wari ay naguguluhan. "I mean, alam ko na napamahal na din sayo ang mga students mo and I think deserve naman nila na kahit magpaalam ka lang sakanila. Hindi yung papasok na lang sila isang araw wala ka na at iba na yung magsisilbing ikalawang nanay nila."  And that breaks my heart more.

"Maam may...may p-papalit na po ba s-sa a-akin?" ang sakit pala nito. Tinitigan niya muna ako at bumuntong hiniga bago sumagot.

"Si Miss Eva..." I knew it kaya pala, kaya pala kinukuha na niya yung loob ng mga bata. Should I thank her kasi kahit papaano di gaano masasaktan yung mga bata pag umalis na ako o maiinis ako lalo kasi andito pa man din ako pero unti unti niya na akong pinapaltan.

"A-ah s-sige po." akmang tatayo na ako nung pigilan ako ni Maam Thelma at marahan akong inalo sa yakap niya.

"Ang hirap din para sa akin na pakawalan ka Maam Iris, isa ka sa pinakamagaling na guro dito pero bilang isang nanay, naiintindihan kita Iris." Si Maam Thelma parang ewan, kanina naiiyak lang ako ngayon nag-iiyakan na kami.

"Ano ba iyan Maam, nag-iyakan na tayo hehe." pareho kaming bahagyang natawa.

"Basta ha, Si Maam Oceana balato mo na sakin. Huwag muna sana sumunod sayo umalis."

YES SIR, NO MISS.Where stories live. Discover now