CHAPTER 3: Brother Figure
"Tasha, may naghahanap sayo." Napatingin ako sa bandang kanan at nakita ko si Edward. Kamember ko sya sa dance troupe. Napansin ko na may tumabi sa kanya, tinignan ko ang lalake. Lumaki ang mata ko sa gulat dahil ang lalakeng tumabi kay Edward ay si Takagi-san. Oi may -san na rin..epekto ng adik sa manga at anime ahhahahaha. Ngumiti sya sa akin habang kumakamot sa kanyang batok. Ngumiti ako at lumapit sa kanya, buti na lang break time namin may oras ako para kausapin sya. Napapailing ako habang lumalapit sa kanya dahil sa lakas ng kantyawan ng mga kasamahan ko.
"Oy ate Tasha boyfriend mo?" - DM1
"wooohh Tasha may nililihim ka pala ah." - DI
"Tasha pinagpapalit mo na ako?" - DM2
"ate ang gwapo, woohh kinikilig na yan." - DM3
"Tasha akin na lang." - DM4
<DM=dance member; DI=dance instructor>
Oh com'on his just a brother figure to me. Ang swerte ko naman kung may kuya akong ganito kagwapo, kapilyo, kabait etc. nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang babae. Kung hindi lang sya mas matanda ng 9 na taon pinikut ko na sya eh. Weeeeh...magmukha pa akong gold digger nito eh.
"Takagi-san, what brings you here?" iginaya ko sya sa bench para makaupo kami habang nag-uusap.
"pasensya ka na sa mga kasama ko ah mga praning lang mga yan kagaya ko hahaha." Hinanap ng mata ko si Yoshiro pero walang lumitaw kahit anino lang nya. Naman andito yung may sadya sa akin tapos iba hinahanap ko.
"okay lang hahaha nakakaaliw nga kayo eh. Parang magakakapatid kung magturingan. Hindi na ako sinamahan ni Yoshiro dahil nilalakad nya yung resort na bibilhin namin." Sabad nya habang may hinahalungkat sa plastic bag na dala nya. Inabot nya sa akin ang isang Gatorade at biscuit.
"'bat di ka muna magmeryenda total break nyo pa naman." Nakangiti sya sa akin habang naghahalungkat ulit sya sa plastic bag. "sabayan kita kasi hindi rin pa ako nagmeryenda eh."
"thank you, so hanggang kailan kayo dito?" inumpisan ko nang kumain total hindi pa naman ako nakabili ng pagkain ko. Hmmm busy pala akala ko ayaw lang talagang makita ako. Ewan pakiramdam ko galit sa'kin yong tao. Di ko mawari. Napailing na lang ako.
"-chan, Tasha-chan." Tumingin ako kay Takagi-san.
"gomene hahahaha may biglang sumulpot lang sa isip ko. Anu na yung sinasabi mo?" itinuloy ko na ang pag ubos sa pagkain ko. Oh ha akalain mo yun napapanihongo na rin ako...anu say nyo? ^_^. Hindi na ako gumagamit ng po at opo sa kanya dahil tulad ng sabi nya tumatanda sya... naks parehas kami ng takbo ng isip pambanat ko pa sana yun eh. eheh
BINABASA MO ANG
Gamble
Randomher life was once so simple but happy suddenly it became worst she can no longer feel love she can no longer feel sadness she can't feel fear nor hatred she's numb