The Invitation

4 0 0
                                        

CHAPTER 4: The Invitation

TASHA

Alas singko na pala. Ang paalam namin ay hanggang alas kwatro lang kami magpapraktis ng sayaw hindi na namin namalayan ang oras papaanu eh papalapit na ang pagdiriwang ng kaarawan ng unibersidad na pinapasukan ko at bilang organisasyon ng mga mananayaw kailangan naming magpalabas sa gabing gaganapin ang pageant na kung saan ang mga kalahok ay mga studyante na representative ng bawat departamento. Nag-ayos na kami ng mga gamit namin isama mo na pati sarili namin dahil mas magulo pa kami sa bagyo at tsunami hahaha. Hintayan ang mga magkakapareho ang departamento, syempre dating gawi lakwatsa pagkatapos ng praktis pero ang iba sa amin ay diretso ng uwi lalo na ang mga malalayo ang uuwian. Nagpaalam na ako sa D.I namin at sa mga kasamahan ko at tumungo na ako palabas ng unibersidad.

Tumigil ako ng makarating ako sa gate. Anung ginagawa dito ni Yoshiro? Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa inasal nya kahapon. Kumunot ang nuo ko ng magsimula syang lumapit sa akin at lalong kumunot ang nuo ko ng may iniabot syang bouquet.

" para san yan?" ako

"sorry kahapon." Sya

Nagsabay pa kami ah kaya hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Tumingin ako sa kanya.

"anu yun?" pinaulit ko sa kanya. Umikot ang pupil ng mata nya. Ibis na sabihin maiinis pa kung hindi ka lang gwapo binatukan na kita. Lagi naming palusot ko eh...ayyiieee

"kunin mo na lang kaya and come with me." Inabot ko na ang bulalak nang wala ng madaming satsat at hindi ko pa natatanung kung saan kami pupunta ay hinila na nya ang kamay ko patungo sa sasakyan nya. Ay hala nagrigudon ang puso ng anti nyo nalaglag na ata panty ko hahaha. Ramdam ko ang init ng palad nya. Binuksan nya ang pinto sa may harap katabi ng driver's seat. Wala na akong magawa kundi sumunod na lang sa gusto nya.

Problema nito bigla-bigla na lang manghihila ng tao. Nagpout ako habang umaayos sa upuan ko at sya naman ay umikot at dumaan sa harap ng sasakyan bago pumasok at naupo sa driver's seat. Sya magmamaneho? Akala ko hindi pa nya kabisado dito. Ay ewan. Ipinatong ko sa aking kandungan ang binigay nyang bulaklak at humarap sa bintana. Ang tahimik, wala kaming imikan, NAKAKAPANIS NG LAWAY sinasabi ko na. Hindi na ako nakatiis.

"saan ba tayo pupunta? Wala namang nasabi si Takagi-san na may gusto siyang puntahan ah." Wala akong nakuhang sagot. Kumunot nag nuo ko.

Twit...twit...twit...

Twit...twit...twit hmm huli kang ibon ka hindi ko sinabing ikaw ang sumagot... erase, erase

Naku naman Lord putulin mo na dila nito ng matuluyang hindi makapagsalita. Ang sungit, mukha pang mayabang, hindi marunong sumagot. Tsk, tsk saying ang lahi, gandang lalake pa naman baka dina makapag-asawa ito. Huminga ako ng malalim. Naramdaman kung sumasakit na nag aking tiyan. Tinignan ko si Yoshiro. Nakaconcentrate pa rin sa pagmamaneho saka ako tumingin sa tiyam ko na natatakpan ng damit at ng mga bulaklak na binigay nya kanina. In fairness kinilig naman daw ako kahit biglaan hahahaha first time makatanggap ng bulaklak at ang dami pa :3

Naku kung mamalasin ka nga naman. Naramdaman ko ulit ang pagkalam ng aking sikmura. Ganitong pagod ako eh gusto kong kumain ng madami at tumihaya sa higaan ko. Kung hindi lang naman kasi dumating itong si Yoshiro di sana kumakain na ako sa boarding.

Ggrrrrggg......napatingin ako kay Yoshiro. Nakatingin na rin sya sa akin.....gggrrrggg tumunog ulit ang tiyan ko.

"HAHAHAHAHAHA."

HUWAT??????Yoshiro tumatawa? At ang lakas? Author pakisampal nga ako binabangungot na ako eh.. lumaki ang mata ko dahil sa gulat. Itinabi na muna nya ang saksakyan dahil tumatawa pa rin sya.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon