Woman Behind the Rescue

6 0 0
                                    

CHAPTER 2: Woman Behind the Rescue

Alas-dose na, mamaya pang alas-3 ang sunod kong klase. Kakain na lang muna ako bago ako bumisita sa lalakeng nanakawan kahapon.

...................................

"magandang hapon po. Ako po iyong nagdala sa lalakeng sugatan kahapon, saang room po siya? May kamag-anak na po ba siyang pumunta dito?"

Sumagot ang nurse na nasa front desk. "nalipat na siya ng ospital iha. May dumating na mga lalaki kaninang madaling araw.

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman kung ganoon pero gusto ko paring kumustahin iyong lalake. "ganun po ba. Saang ospital naman po dinala iyong mama?"

"sa Lorma iha, eh mayaman pala iyon eh kasi foreigner. Half Japanese half Australian."

Napangiwi ako. Sabi na nga eh itsura pa lang. Nagpaalam na ako sa nurse at tumuloy sa Lorma. Titignan ko lamang siya sa malayo at aalis na ako.

"girl, sanka galing?" biglang tanung sa akin ni Belle ng makapasok ako ng kwarto namin para sa pang alas-3 naming klase.

"sa Lorma, binisita ko iyong lalake na dinala ko sa ITMRC kahapon. Dun siya nilipat ng pamilya niya."

"may naghahanap kasi sayo kanina. Ang gwapo nung lalake pinsan daw nung lalakeng tinulungan mo." bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.

"bakit naman ako hahanapin ng mga iyon. At papaanung alam nila na dito ako nag-aaral."sagot ko kay Belle.

"eh diba binigay mo contact mo dun sa doktor sa ITMRC." Sabad ni Lily.

Napaisip ako. Oo nga pala. Napabuga na lang ako ng hangin. Sa dami ba naman ng ginagawa ko nagiging makakalimutin na naman ako. Naginat ako ng katawan sa sobrang pagkangalay, alas singko na uwian na naman. Nag-aya na ang isa sa pag-uwi kaya naman inayos na naming ang mga gamit namin. Last year napala namin ito sa college. Ilang buwan pa at gagraduate na kami. Napangiti na lang ako at least wala akong regret for taking this course because I met them, mga krung-krung kapag kami'y tinupak na. Nakarating na kami sa guard house ng biglang may humarang na matangkad na lalaki. Dadaan na sana ako sa bandang kanan ng humakbang naman siya pakanan. Humakbang naman ako pakaliwa pero humakbang din siya pakaliwa.

"excuse me po." May pagkainis na sa tuno ko. Tinignan ko ang lalaki at nagulat dahil nakatingin din siya sa akin at hindi pa rin umaalis sa harap ko.

"are you miss Tasha Rimando?" tanung ng lalaki. Nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ko.

"I'm Kioshi Yoshiro, cousin of Takagi the person you helped yesterday." at inilahad nya ang kanyang kamay. Inabot ko naman iyon at nakipagkamay sa kanya. Anu bang isasagot ko. English eh baka magkamali ako ng sasabihin.

"ummm... nice meeting you Yoshiro-san.? I just did what I must have to do. If others saw him being like that they will also do what I did." Ngumiti ako sa kanya na may kasamang nerbyos. Napanganga ako ng ngumiti din siya. LORD NASA LANGIT NA BA AKO? HEAVEN.... Itim na itim ang kulay ng kanyang buhok na bahagyang nagulo ng kaunti. Malamlam ang kulay dilaw nyang mata. Nakatingin lang ako sa mukha nya ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"hoy bb isara mo iyang bunganga mo", sabad ni Jana habang tumatawa. Tumingin ako sa mga kasama ko, napahiya ako dahil tumatawa na rin sila nakalimutan ko kasama ko pala sila. Hinablot ko agad ang kamay ko at ngumiti ng pilit. Sinabi nya sa akin na gising na ang kanyang pinsan at gusto nya akong makita para magpasalamat. Sinabi ko na lang na hindi na kasi nakakahiya pero nagpumilit pa rin siya kaya nagpaalam na lang ako sa mga kaibigan ko at sumama kay Mr. Kioshi. Napaurong ako ng matapat kami sa isang kotse at pinagbuksan ako ng pintuan sa bandang likuran. Tinignan nya ako at sinabihang pumasok na. Ngumiti ako ng pilit at nagpasalamat bago pumasok sa loob ng sasakyan. Wala kaming imikan habang papunta kami sa Lorma. Mabilis syang lumabas ng sasakyan matapos makapagpark ang driver. Binuksan ko na agad ang pinto ng sasakyan sa tapat ko ng makita kong umikot sya sa likod. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan at ayokong magmukhang painportante sa harap nya. Nagulat sya ng nakalabas na ako. Sumunod na ako sa kanya ng pumasok sya sa ospital.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon