Chapter 5: Surprise Gift

1 0 0
                                    

TASHA' POV

Napabuga ako ng hangin dahil sa pagkainip. Nakatingin lang ako sa harap na para namang hindi nageexist ang teacher namin sa oras na ito. Mag-iisang buwan na eh hindi pa rin bumabalik si Yoshiro mula sa Japan kaya naman ang paminsan-minsan kong kasama ay si Takagi. Nabili na nya ang lugar na paglalakagan ng kanyang resort at natapos na rin ang pagdedemolish sa mga naipatayo doon. Malaki din ang gastos nya dahil bago ang ipapatayo nya. Pumupunta din ako doon kapag natatapos ang praktis namin ng sayaw sabay nagdadala na din ng pagkain. Lagi ba naman kasing libre ang bigay nya eh marami rin akong naitatabi sa baon ko kaya bumubili ako ng meryenda pag pumupunta ako doon. Bukas pa ang kaarawan ko pero kung batiin ako ng mga classmate ko akala mo naman ngayon na nakakahiya tuloy kulang pera ko dahil sa dami ng gastusin sa school eh. Pagkatapos ng klase ay didiretso na ako ng uwi dahil may long quiz daw kami bukas at kailangan kong magreview kaya naman bukas na rin ako bibisita kay Takagi.

........................................

Nag-unat ako ng katawan bago inayos ang gamit ko. Kailangan ko nang pumunta sa praktis dahil sigurado ako na lang ang wala doon. Huling buwan na ito ng semester at nagpapasalamat ako na nagagawa ko ng maayos ang mga requirements ko lalo na ang thesis ko at huling buwan na rin ito bago kami sumabak sa pagiging practice teacher. Gosh nakakastress lalo. Lumabas na ako ng silid at nagtungo sa practice room.

"magstretching kana Tasha late ka na ng 15 minutes", bungad ng D.I namin. Agad na akong nagpalit ng damit pangpractice at nagstretching and since tapos ko na ang mga madugong requirements ko focus na ako para sa magiging performance namin on the upcoming anniversary of the school. Aga din naming nagsimula pero dahil sa hindi naman laging libre ang dance instructor namin kailangan naming mag adjust for him. Dancing is my fashion and music is my life, kung hindi nga lang ako mahirap at laging busy napush ko pang gumawa ng mga kanta, bitin na nga halos ng mga nagawa ko. Halos 2 oras din kaming nagpractice para matapos na ang huling routine.

"baka naman may gusto diyang manlibre kahit pancit lang", suhestiyon ni Christ.

"kaya nga gutom na rin kami eh" sabad pa ni Eva at bigla na lang.......

Happy birthday to you ,,

Happy birthday to you,,

Happy birthday,,

Happy birthday,,

Happy birthday Tasha...woooohhhhh!!!!!!!!!!!!

Napuno ng ingay ang kwarto sa lakas ng kantiyaw ng mga kasamahan ko. Patay akong bata ako wala pa naman akong dalang pera ngayon at ang dami pa namin.

"ah...eh...hahehehehe tsalamat ng marami guys. Tumatanda na pala 22 na ako pero alam nyo guys.........(kamot sa ulo ang peg) wala akong dala ngayon sorry...pwedeng bukas na lang? hahehe". Nakangiti na ako ng pilit dahil sa hiya pero well kilala ko naman sila eh naiintindihan nila yun.

"woooh wala yan dapat ngayon wala ako bukas" kantyaw pa ng D.I namin. Halla mangantyaw ba naman ulit mga taong 'to. Tumingin ako sa mga barkada ko, well barkada ko naman silang lahat pero sina Eva, Christian, Cliford, Jasmine, Macky, Watson ang halos kasakasama ko sa bawat labas o lakwantsa na pinupuntahan ko.

"patak-patak na garud?" biglang sagot ni Cliford. Ngumiti ako sa kanya, save by the bell maaasahan talaga ang mokong na to.

"dapat hindi lang ako ang gagastos dapat may share kayo parang gift nyo na sa akin", pagsisigunda ko sa sinabi ni Cliford.

"hooo wala, madamot ka lang kasi" sabad ng isang kasamahan namin. Upukan ko kaya ito ang hirap ng buhay akala mo naman ang yaman ko...hmmp

" oh sya pancit bilao lang guys ah short ako ngayon eh." Hinila ko laylayan ng damit ni Cliford

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon