Prologue
"Goodbye po, Teacher Kath."
Masaya akong napangiti nang isa isa akong niyakap ng mga tinuturuan kong bata sa amin. Katatapos lang nang klase namin at nakasanayan nadin nilang yakapin muna ako bago umalis.
"Mag-ingat kayo sa pag-uwi!"
Nang makaalis na silang lahat, naglinis muna ako saglit sa Classroom. Bandang hapon na nang makauwi ako. May tinapos pa kasi akong activities para bukas.
Naglalakad na ako palabas ng gate ng may tumawag sa pangalan ko.
"Teacher Kath!"
Napatingin ako sa lalaking tumatakbo papalapit saakin habang naglalakad ako pauwi. Si Sir Albert, co-teacher ko din. He's a Grade one adviser while I'm a pre-school teacher.
"Uuwi ka na?" tumango lang ako sa tanong niya nang maabutan ako. Sabay na kaming naglalakad ngayon.
Malapit lang ang bahay namin ni Sir Albert sa School kaya naglalakad lang kami. Magkalapit lang din ang bahay namin. He's also my childhood friend kaya kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Actually, sabay kaming na-graduate ng Education dahil nadin sa tulong ng mag-asawang Salvatero sa pamilya namin. Sa Hacienda kasi nila nagta-trabaho ang mga magulang namin.
Habang masaya kaming nag-uusap sa tabi ng daan ay bigla nalang may humarurot na mamahaling sasakyan. Pareho kaming napaubo ni Sir Albert dahil sa sobrang tulin ng takbo nun at nag-iwan ng alikabok.
Bigla akong kinabahan sa di malaman dahilan. Pamilyar kasi ang sasakyan na iyon. Parang kay—
"Ang bastos naman nun!" napatingin ako kay Sir Albert na nakasimangot sa papalayong sasakyan.
"Hayaan mo na yun, Sir Albert. Baka natatae yun kaya nagmamadali."
Natawa siya sa sinabi ko at napasimangot ulit.
"Cut the 'Sir', Kath. Para namang di tayo magkaibigan."
Natawa ako. "Okay, Alberto Jr."
"Kath naman, e!"
I burst into laughter at his scowling face. Ayaw na ayaw talaga niyang tinatawag na ganun, pangalan din kasi yun ng tatay niya. Pinasosyal lang niya yung pangalan niya, from Alberto to Albert.
Nagkulitan lang kami ni Albert hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Parang kailan lang nung mga bata kami, sabay din kaming umuuwi galing sa School.
"Pa? Nandito na po ako!" sigaw ko nang makapasok sa bahay. Walang sumagot saakin kaya paniguradong nandon padin si Papa sa Hacienda.
Kami nalang dalawa ni Papa ko at ng isa kong Kuya ang magkasama. Iniwan na kasi kami ng Mama namin nung bata pa lang ako. Di ko na nga maalala kung anong itsura niya e.
Bandang gabi ay naghanda na ako para sa hapunan namin ni Papa. Si Kuya Kurt kasi ay nagtra-trabaho sa lungsod kaya minsan lang namin siyang makasama.
Habang naghahanda ng pagkain ay napakunot ang noo ko ng makarinig ng tunog ng sasakyan sa labas namin. Siguro hinatid si Papa ng sasakyan ng mga Salvatero. Gabi na din kasi.
"Anak nandito na ako!" rinig kong sigaw ni Papa sa labas.
Iniwan ko muna ang hinahanda ko at lumabas ng bahay. Naabutan ko siyang may kausap. Hindi ko nakikita kung sinong kausap niya dahil natatakpan iyong ng sasakyan. Nasa bandang kaliwa kasi sila ng bahay namin. Lumapit na ako para naman makapagpasalamat ako sa naghatid kay Papa.
"No need to worry, Mang Kardo."
Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang kausap ni Papa. Ang pamilyar na boses na matagal ko ng gustong kalimutan. Parang lahat ng nakaraan ay bumalik saglit dahil sa pagtatama ng mga mata namin. He has the most beautiful eyes I've ever seen na gustong gusto kong tingnan noon, pero hindi na ngayon.
"Ay anak! Ito nga pala si Sir Trace, panganay na anak siya ni Mr. at Mrs. Salvatero."
Bumalik lang ako sa huwisyo dahil sa masayang boses ni Papa. Halatang halata sa mukha niya ang saya, dahil siguro sa hinatid siya ng isang Salvatero.
"Magandang gabi po, Sir. Salamat po sa paghatid sa Papa ko. Pwede na po kayong umuwi." walang emosyon kong sabi.
Bastos na kung bastos pero ayaw ko talagang nandito siya. Ayokong makita niya akong naa-apektuhan sa presensiya niya.
Napaigtad ako ng bigla akong hampasin ni Papa sa braso at pinanlakihan pa talaga ako ng mata. Halatang galit siya sa inasal ko.
"Pasensya na po sa anak ko, Sir Trace." napapahiyang yumuko si Papa sa hudyo.
Kusang umikot ang mata ko pataas ng makitang umangat ang gilid ng labi ni Trace. Nakatingin siya saakin para bang may nakakasiya siyang nakita sa mukha ko.
"Okay lang po, Mang Kardo. I don't mind. Aalis na din po ako."
Yumuko siya ng bahagya at nagpaalam. Iniwas ko ang tingin ko ng bigla siyang tumingin saakin.
"See you around, Miss Panal."
'See you around mo mukha mo! Bwisit ka!'
Hindi ako sumagot at hinintay lang na umalis siya. Mabuti naman.
Nang gabing yun ay nakatanggap ako ng sandamakmak na sermon galing kay Papa. Hindi daw niya akong pinalaking bastos ganun.
Ngayon lang naman ako naging ganito ka walang modo e. At kasalanan yon lahat ng lalaking yun.
Ang lalaking walang ibang ginawa kundi paasahin ako sa wala.
Vote. Comment. Share.
YOU ARE READING
Chasing Hearts
RomansCan love will truly conquer all? But what if it happens between a Probinsiyana girl and a City boy?