Cashie Vain
Malakas ko s'yang itinulak.
"Pervert!" Tili ko saka tumakbo patungo sa kwarto ko.
"Huwag kang tatakbo!" Rinig ko pangsigaw n'ya pero hindi ko s'ya pinansin.
Walang hiyang lalaki 'yon! Ramdam na ramdam ko ang init mula sa aking pisngi dahil sa kagagawan n'ya! Nakakahiya! Hindi ba s'ya nahihiya sa akin?
Napasimangot ako at napailing. Umupo ako sa kama ko saka kinapa ang puso kong sobrang lakas na kumakabog sa loob ng rib cage ko.
Mariin akong napapikit at napahawak sa tagiliran ko nang makaramdama ko nang sakit mula roon.
Mas lalo akong napadaing nang mas lalong sumakit iyon. Agad akong naalarma at kinabahan para sa baby ko.
Dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon.
Saktong pagbukas ko ay bumungad si Doc Xenon na may hawak-hawak na custard cake. Nang makitang namimilipit ako sa sakit ay agad n'yang ibinaba iyon sa isang tabi at walang sabing binuhat ako.
"Sabi na kasi sa iyong bawal kang tumakbo eh!" Sermon n'ya sa akin habang ako naman ay hindi magawang sumagot kasi masyadong masakit ang tiyan ko.
Habol ko ang aking hininga at napapikit ang mga mata. Nanginginig ang aking mga labi sa sakit, pakiramdam ko rin ay matatae ako sa sakit.
Dear Lord, please. Sana walang mangyaring masama sa anak ko.
Ang tigas-tigas kasi nang ulo ko eh! Dapat noon pa ako nagpacheck up edi sana alam ko kung ano na ang kalagayan nang baby ko! If something may happen to him or her, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Narinig ko ang pagbukas at sara nang pinto kaya kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong buksan ang mga mata ko.
It was one of the guestroom dito sa bahay pero wala na ang kama at cabinets. Para s'yang mini clinic para buntis.
"Baby...." Mahinang bulong ko nang ihiga n'ya ako sa examination bed.
Naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa aking noo.
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa baby. Pangako ko iyan," wika n'ya bago ako biglang nawalan nang malay.
---
I woke up feeling nauseous. Agad akong bumangon, feeling the urge to puke.
"D*nm, woman!" Rinig kong sigaw ni Doc Xenon na kakapasok lang sa silid.
Imbes na tulungan akong bumangon at magtungo sa CR para sumuka ay may inabot lang s'yang parang maliit na stainless na bowl at doon ako pinasuka.
He is caressing my back at ang isang kamay n'ya naman ang humahagod sa likod ko.
After pucking, I felt so weak na kahit paggalaw ng katawan ay hindi ko magawa. Nakakahiya man pero si Doc na ang nagtapon ng sinukahan ko. Masakit ang ulo ko na parang mayroong pumupokpok na martilyo.
"Masakit ba ulo mo?" Tanong n'ya sa akin matapos maglagay ng alcohol sa kamay.
Tumango ako, "Nagugutom ako," bulong ko.
"Anong gusto mong kainin?" Agad n'yang tanong pero umiling ako.
Just thinking about eating made me feel nauseated. Pakiramdam ko kasi ay walang laman ang tiyan ko. Gusto kong kumain pero nasusuka ako kung naiisip kong kumain.
"Tubig," bulong ko.
"Kaunting tubig lang ang inumin mo kasi nagsuka ka," ani n'ya saka naglakad sa water Despenser.
Pinainom n'ya ako nang maaligamgam na tubig. Tulad nang sinabi n'ya, kaunti lang ang ininom ko.
"Magpahinga ka na," ani n'ya sabay ayos ng pwesto ko.
Saka ko lang napansin na naka-IV pala ako. Damn, I feel so tired and weak!
"Okay lang ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Tumaas ang blood pressure mo. Bawasan mo na rin ang pag-iinom ng juice, magtubig ka nalang muna."
Ramdam ko sa boses n'ya ang pag-aalala kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti sa hindi malamang dahilan.
"Maselan din ang pagbubuntis mo kasi dalawa silang nagkukulit diyan sa loob nang tiyan mo," dagdag n'ya kaya natigilan ako.
"Ano?" Hindi ko mapigilan ang mapatanong habang titig na titig sa kanyang mga mata.
"You are having twins, Cash. Congrats," nakangiting bunyag n'ya.
Biglang namuo ang luha sa mga mata ko.
Dalawa.
Twins.
I am going to have two angels. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Lumapit s'ya sa akin at niyakap ako.
Dala nang kasiyahan ay niyakap ko s'ya pabalik. I feel so amazingly happy. Experiment lang pero dalawa na kaagad.
"You are going to be a wonderful mother, Cash," rinig kong bulong n'ya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.
"Thank you, Doc Xenon. Sana nga. Hindi ko man mabigyan nang kumpletong pamilya ang kambal ko, pero bubusugin ko sila nang pagmamahal ko."
Naramdaman ko s'yang natigilan pero maya-maya ay pinagpatuloy na rin ang pagsuklay ng buhok ko.
Dahan-dahan s'yang kumawala sa yakap.
"Rest, Cash. Kailangan mong bawiin ang lakas mo," Ani nya kaya tumango ako.
"Pwede bang sa kwarto ko nalang? Medyo hindi ako kumportable rito eh," tanong ko sa kanya.
"Yeah sure," sang-ayon n'ya. He pressed something on the top of the hospital bed at kasunod niyon ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang katulong namin.
Binuhat ako ni Doc Xenon habang iyong nurse naman ay inabot iyong IV ko at binuhat iyon papasok sa aking silid.
Doc Xenon laid me down on the bed. May inutos s'ya sa katulong na mga gamot ko at pagkain ko na agad din namang tumalima.
"I'll leave now. Magpahinga ka," ani n'ya.
Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam nang lungkot. His deep mismatched eyes were staring at me. I looked away, biting my lips.
"May gusto ka bang gawin, Cash? You need to rest. Mamaya mo nalang gawin iyang binabalak mo. If you want to say something or need something, sabihin mo na para makapagpahinga ka agad. Hindi alam nang mommy mo ang nangyari sa iyo kaya dapat lang na magpagaling ka na. Para sa baby," mahabang wika n'ya.
Mahina akong napabuntong hininga at lakas loob na sinalubong ang mga mata n'yang nagtatanong.
"Pwede bang tabihan mo akong matulog?"
I asked shamelessly. I can feel my cheeks beet red. Seriously?! Bakit ko kasi sinabi iyon?! Nakakahiya naman, Cash! Singhal ko sa sarili ko.
Napakurap s'ya nang makabawi sa gulat at tumikhim.
"Yeah, sure," he muttered.
---
Chansing si Cash🤣🍻
BINABASA MO ANG
Spermtacular Love
RomanceOnce Upon a Time, there was a princess named Cashie Vain. She is pretty and a very sassy princess in the kingdom. A wicked witch cursed her and, now she needs her prince to save everything that the witch may take away from her. But here's the twist...