Kath's Pov
Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng makikita ko at makakausap ko sa barko eh ang taong nakatalik ko nung gabing down na down ako. Hala sa lahat ba naman ng tao siya pa. Medyo malabo ang paningin ko nun at isa pa lasing ako kaya hindi ko siya namukhaan. Napauwi agad kami dahil sa kanya.
"Kath may kailangan ka pa ba? Aalis na ako. Wala ka bang nakalimutan ipabili?" tanong sakin ni Yna.
Si Yna ang aking bestfriend. Kasama ko na siya simula palang mga bata kami. Anak siya ng katiwala namin. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Siya ang manager slash personal assistant ko simula ng pasukin ko ang pagiging writer. Kilala ang mga libro ko pero ako hindi. Kilala lang nila ako sa pangalang BOBITANG MANUNULAT. Pinagalitan nga ako ni Yna kasi ang baho daw ng pangalan ko. Eh kaso matigas ang ulo ko sinunod ko gusto ko. Nakakatuwa kaya.
"Ano alis na ako. Bibilihan ko ba ng gatas si Zach?" tanong ni Yna.
"Oo. Bilihan mo ng 2 malaking gatas. Maggogrocery naman tayo sa susunod na linggo kaya 2 lang. Bili ka na rin ng tinapay nya. Salamat Yna!" sabi ko.
"Takaw naman kasi ng inaanak ko. Sige ipapasa ko lang yung sinulat mo tapos bibili na ako." sabi nya.
"Sige pag uwi mo ready na ang dinner natin." sabi ko.
Umalis si Yna dahil kailangang ipasa ng bagong gawa kong libro. Maganda kasi ang naging resulta ng libro ko na may pamagat na Ang Babaeng Paminta. Nabatukan nga ako ni Yna nang malamang drama ito. Puro kasi kakaiba ang tittle ng mga libro ko. May pagkaloka loka kasi ako. Madami na akong naisulat at lahat yun ay may nakakatawang title. Tulad ng Ang Vampirang Panget, Si Ampalaya at si Talong, Ang lamok sa ilalim ng kumot at iba pa.
Sinimulan ko nang magluto ng tinola. Sa aming dalawa ni Yna ay ako ang marunong magluto at siya naman ang tagaligpit. Sakto ng natapos ako ay umiyak ang isang taon kong anak. Tama siya ang bunga ng pakikipagtalik ko sa lalaki na yun. Sinadya ko naman talagang magkipagtalik para magkaanak. Hindi ko naman alam na hahanapin pa nya ako at magkikita sa barko na iyon. In fairness kaya pala ang gwapo ng anak ko ay dahil gwapo ng ama.
Binuhat ko ang anak ko at pinadede ito. Napansin ko na bibo ang anak ko at wala pang isang taon ay nakakapaglakad na ito. Habang pinagmamasdan ko ang anak ko ay napangiti ako dahil nakuha nya ang mata namin ni mommy. Dark blue din ang mata nya. Ngumuso ako dahil yun lang ang nakuha sakin ng anak ko tapos lahat sa tatay nya na.
"Ano ba yan baby Zach, ako naman ang nagluwal sayo pero kulay lang ng mata nakuha mo sakin. Nagkita pala kami ng tatay mo. Ang gwapo pala at ang tangos ng ilong. Kaya naman pala ang cute cute mo." sabi ko habang hinahalik halikan ko siya.
"Ma...ma! sigaw ng anak ko.
"Pero baby Zach, wag mong iiwan si mommy ha. Kahit magkamukha kayo ng hot mong daddy ay wag mo akong iiwan." sabi ko. Natatakot kasi akong mawala sakin ang baby ko. Ilang beses na ngang muntik na siyang mawala sakin dahil sa peste kong uncle.
"Bakit naman kasi bumalik pa yung hot mong daddy duon. Ayan tuloy kinakabahan akong kunin ka nya sakin." sabi ko ulit.
"Da... Da....Hihihi!" sabi ni Zach.
"Ay baby Zach ah, sinasaktan mo ang feelings ni mommy." nakasimangot na sabi ko.
"Sira ka talaga pati ba naman yang anak mo pinagtitripan mo. Malamang mabibigkas nya yan eh puro ka hot daddy ng hot daddy dyan. May hot pa talagang kasama ah. Sana pala nde muna tayo umuwi nung nakaraang linggo. Nakita ko sana ang hot daddy mo." sabi ni Yna.
"Eh... Natakot kaya ako. Para akong nakakita ng multo kaya tumakbo ako." sabi ko.
"Multo? Oh hot na multo?" pang aasar ni Yna.
BINABASA MO ANG
It's Always been You (on going)
RomancePaano kung ang kasama mo ay maling tao pala para sayo. Ano ang gagawin mo? Paano kung may matinding lihim na mabubunyag. Matatanggap mo ba agad ito? Yan ang nararamdaman ni Miguel Dela Torre o Migs for short. Natagpuan nya ang babae na sobra nyang k...