Kath's Pov
"Kath!!!! Namiss kita! Ang tagal mong nawala. Siya nga pala eto na si Andrei ang baby Ton Ton nuon." naluluhang sabi ni Jenny. Pagkatapos ay yumakap siya sakin. Nang umalis sa pagkakayakap si Jenny ay nilapitan ko yung bata at niyakap saglit.
"OMG! Ang laki na ng inaanak natin. Teka bakit kayo nandito? Nasaan nanay ni Ton Ton ay este Andrei pala?" tanong ko.
"Patay na siya. Madaming nangyari simula ng nawala ka. Nalaman ko na din kung sino ang tunay na ama ni Andrei. Kaso patay na rin ito. Nandito kami sa kamag anakan ng tatay ni Andrei." sabi ni Jenny.
"Sorry to hear that. Kawawa naman ang batang ito. May maitutulong ba ako para sa bata?" tanong ko.
"Don't worry, kung financial ang tinutukoy mo ay okay na okay ang bata. Mayaman ang pamilya ng tatay nya. Siya nga pala ipapakilala kita sa bata. Kath meet Andrei, Andrei sya nga pala ang ninang Kath mo." pakilala sa aming dalawa. Yumakap naman ang bata sa akin.
"Hello ninang Kath." sabi ni Andrei sabay halik sa pisnge ko. Ang cute cute ng bata. Kaya naman pala ang gwapo ng bata ay dahil maganda ang lahi nila.
"Ang cute cute mo naman Andrei." sabi ko habang pinanggigigilan ko ang kanyang pisngi.
"Siya nga pala Kath, natagpuan ko na ang ate ko." masayang sabi ni Jenny.
"Talaga? Gusto kong makilala ang ate mo. Grabe hindi ka talaga tumigil sa paghahanap sa kanya. Masaya ako at natagpuan mo na siya. Next time meet tayo at ipakilala mo ako sa ate mo." masayang sabi ko. May lumapit sa aming isang babae. Nanlaki ang mga mata ko dahil kamukha nya si Jenny.
"Hindi na next time kasi nandito na siya. Kath meet my ate Jordan. Ate Jordan, siya ang isa ko pang kaibigang si Katherine Pineda." pakilala ni Jenny sa amin ng ate nya.
"Hi! Nice to meet you." bati ko sabay abot ng kamay para makipag kamay sa kanya.
"Grabe hindi ka lang pala magaling magsulat, napakaganda mo pala. Hindi naman sinabi ni Jenny na kilala nya si Bobitang manunulat." sabi ni Jordan.
"Actually hindi nya talaga alam. Masyado kasi akong malihim. Nagkikita lang kami sa ampunan kapag may mahalagang okasyon duon. Regular kasi ang pagdodonate ko at dun kami nagkikita kita. Duon ko na rin sila naging kaibigan. Pati na si Andrei." paliwanag ko.
"Speaking of Andrei, si Ate ko na ang tumatayong nanay nya. Napangasawa ng ate ko ang pinsan ng tatay ni Andrei. Dahil ulila na si Andrei at inampon na nila ate." sabi pa ni Jenny.
"Ay ang galing! Salamat Jordan sa pagmamalasakit mo sa inaanak namin." sabi ko.
"Wow magkakakilala pala kayo. Nakalimutan nyo na kami sa paligid. Pwede ba birthday ko ngayon eh ako muna kay Bobitang manunulat." biro ni Ella.
"Siya nga naman. Pagbigyan na natin. Mukhang iiyak na si ate Ella. For sure magkikita naman tayo. Di ba Kath?" sabi ni Jenny. Tumango ako.
"Siyempre naman." sagot ko.
Ipinakilala ako ni Migs sa lahat ng nandun. Grabe, hindi ako makapaniwala na may pamilyang ganito. I mean, yun bang mayaman na sobrang babait. Lalo na ang mama at papa ni Migs. Kaya naman pala ang babait ng mga anak nila at bonus pa ang babait ng mga manugang nila. Hindi lang yun, nakakaainggit dahil pinagpala ang kanilang lahi sa kagandahan mapalalaki man o babae. Kung ano ano tuloy ang naiisip kong idea na isusulat ko hahaha.
Natapos ang kainan at nagkayayaan ang mga boys na mag inuman. Tapos kami namang mga babae ay nagkukwentuhan habang nainom ng juice. Di daw pwede ang alak eh.
"Alam mo Kath, sobrang gustong gusto ko ang mga librong isinulat mo. Nahawa ko nga ng pagbabasa sila mama Letty at Jordan. Etong si Jenny walang panahon kasi puro libro sa school ang binabasa nya." sabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
It's Always been You (on going)
RomancePaano kung ang kasama mo ay maling tao pala para sayo. Ano ang gagawin mo? Paano kung may matinding lihim na mabubunyag. Matatanggap mo ba agad ito? Yan ang nararamdaman ni Miguel Dela Torre o Migs for short. Natagpuan nya ang babae na sobra nyang k...