Chapter 16

338 13 14
                                    

Migs Pov

"Hindi pwedeng sya yan!" napatingin kami ng sumigaw si Kath.

"Sinong sya?" tanong naman ni Yna

Unti unting tumulo ang luha ni Kath. Hinawakan ko ang kanyang pisnge at pinahiran ang mga luha nya ngunit patuloy pa din ang pagdaloy nito. Niyakap ko na lang si Kath at hinaplos ang kanyang likod.

"Ano bang nakikita mo Kath? Tumahan ka na dyan at sabihin mo samin." medyo naiiritang sabi ni Yna.

"Ang braso...... Titigan mo ang braso nya." nauutal na sabi ni Kath. Nanlaki ang mga mata ni Yna at sumigaw.

"Pakshet!!! Si demonyitang Olga! Hindi ko makakalimutan yung peklat nyang yun!" sigaw ni Yna.

"Teka sino si Olga?" tanong ko sa dalawa. Nagtinginan naman si Yna at Kath.

"Si Olga ay ang pinsan ni Kath na mortal enemy ko. Mabait lang siya pagkaharap si Kath at ang mga magulang ni Kath pero sa totoo lang demonyita yan." sabi ni Yna.

"Sobra ka naman makademonyita. Ganun ba katindi ang ugali nyan para sabihan mo ng ganun?" tanong ni Seb.

"Ay naku kung alam nyo lang. Hindi na nga ako magtataka kung kasabwat sya ng mga magulang nya para pahirapan si Kath. Madalas din nya akong pinag iinitan kapag hindi nya nakukuha ang mga gusto nya. Tulad ng hindi pinahiram ni Kath yung kwintas na regalo ng mama nya. Nung lumabas ng kwarto yun ay bigla ba naman akong tinulak sa hagdan. Mabuti na lang at hindi ako gaanong nasaktan. Ay naku kung iisa isahin ko ang lahat ng ginawa sakin ni Olga ay baka nakagawa na ako ng isang buong libro." sabi ni Yna.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong ni Kath.

"Natatakot kasi ako sa mga magulang ni Olga. Hindi ako takot para sa sarili ko kundi para sa mga magulang ko. Hindi lang naman isang beses nila sinaktan ang mga magulang ko. Isa pa ayaw nila tatay sabihin ko sayo at ayaw ni tatay magkagulo kasi baka mawalan sila ng trabaho. Ang kinatatakutan kasi nila tatay eh ang hindi ka mabantayan. Ibinilin ka kasi ng parents mo sa mga magulang ko. Malaki kasi ang utang na loob namin sa parents mo kaya ang pag aalaga sayo Kath ang ginawang daan nila tatay para tumanaw ng utang na loob. Isa pa ang inaalala ko ay baka hindi mo kami paniwalaan. Pinsan mo yun eh at nabibilog ni Olga ang ulo mo." paliwanag ni Yna.

"I'm sorry." sabi ni Kath na patuloy pa din ang pag iyak.

"Naintindihan ka namin huwag kang mag alala. Magaling lang talagang magmanipula ang pamilya ni Olga." sabi pa ni Yna.

"Sigurado ba kayong siya si Olga?" tanong ni mama.

"Sigurado po ako. Hindi ko po malilimutan yung peklat nya sa braso. Ako po kasi ang may gawa nun." sagot ni Yna.

"Anong ginawa mo sa kanya at nagkapeklat sya ng ganyan?" tanong ni Seb.

"Akala kasi ni Olga ako yung nagsusumbong kay Kath na nasa kanya yung kwintas ni Kath. Bata pa lang sila eh pinag iinteresan na ni Olga ang mga gamit ni Kath. Kaya naman sinubukan nya akong ikulong sa attic ng bahay nila Kath. Tinakot nya ako at nagpanggap na multo habang nakakulong ako sa madilim na attic. Wala sila Kath nuon kasi nagbakasyon ito sa Finland. Ang mga magulang ko naman po ay napag utusan ng daddy ni Kath na maglinis sa bahay bakasyunan nila. Kami ni Olga at pamilya nya ang natira sa bahay. Dahil sa sobrang takot ko ng mga panahon na iyon ay nakakuha ako ng isang bagay at pinaghahampas ko sa multo. Sa braso ko ito natamaan at isa pa hindi ko alam na matulis na bagay pala iyon. Sa pagkakaalala ko payong siya na sira. Kaya naman nahiwa ang braso nya. Nakailang hampas din ako at yan ang naging peklat kasi masyadong malalim ito."paliwanag ni Yna.

"Ang galing mong umasinta. Yung peklat nya naging krus. Hahaha!" birong sabi ni Seb.

"Eh anong nangyari pagkatapos? Paano ka nakawala? Nalaman ba ng mga magulang ni Kath at ng magulang mo ang nangyari?" sunod sunod na tanong ni mama.

It's Always been You (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon