(Happy New Year po sa inyong lahat. Stay safe everyone and good health po sa ating lahat!) 🤗😘😊
Kath's Pov
Para akong nabunutan ng tinik nang magsabi ako sa kanila ng mga problema ko. Natatakot pa din akong madamay sila pero kailangan ko na ng tulong. Naibigay ko na ang lahat ng inpormasyon sa kaibigan ni kuya Gab na si kuya Tony. Sinabihan nila akong ipanatag ko ang loob ko dahil gagawin daw nila ang lahat para maging ligtas kami. Masaya ako dahil may natulong na sakin pero di ko pa din maiwasan ang mangamba lalo na sa mga taong mahahalaga sa akin. Isang linggo na ako dito sa mansion ng mga Dela Torre at sa isang linggo na iyon ay nagkaroon ng kaligayahan sa puso ko dahil napakaganda ng mga ipinakikita nila sa akin. Hindi nila ako itinuturing na ibang tao lalo na ang mga magulang ni Migs. Masaya ako dahil nagkaroon na ako ng ikatlong magulang. Pangalawa ko kasing itinuturing na magulang ay ang mga magulang ni Yna.
"Madali ka naman palang matuto. Konting practice mo pa ay mapeperfect mo na ang kare kare na paborito ni Migs." sabi ni mama Letty. Yun na ang tawag ko sa kanya kasi sabi nya yun ang gusto nyang itawag ko sa kanya.
"Nahihiya po ako baka hindi nya magustuhan ang luto ko." nahihiyang sabi ko.
"Huwag kang mag alala, kahit ano naman iluto mo ay magugustuhan ni Migs. Pero ako na nagsasabi sayo na masarap ang niluto mo." sabi ni mama Letty.
"Salamat po." nakangiting sabi ko.
Nagpatulong kasi ako sa kanya na magluto ng paboritong pagkain ni Migs. Wala akong talent sa pagluluto pero sinubukan ko. Nag effort ako kasi para naman masuklian ko ang lahat ng kabutihang ipinararamdan sakin ni Migs.
"Ang ganda ng kwintas mo. Saan mo nabili yan? Gusto ko ng mga design na ganyan." sabi ni mama Letty.
"Ah hindi ko po ito binili. Bigay po sa akin ito ng mga magulang ko kaya hindi ko po alam ang presyo nito." paliwanag ko.
"Ah ganun ba. Pero alam mo pamilyar ang itsura ng kwintas na yan. Parang nakita ko na sya pero hindi ko matandaan kung saan." sabi ni mama Letty.
"Malamang sa libro nyo sya nakita. Ganyan kasi yung nakalagay sa libro nyang Ang Lalaki Sa Aking Panaginip." sabi ni Ella na kararating lang.
"Ay oo nga. Napakaganda ng libro na yun kaso nabitin ako. Gusto kong magkita yung bidang babae at yung lalaki sa panaginip." sabi ni mama Letty.
"Ano ka ba naman Ma, hindi sya totoo. Kaya nga lalaki sa panaginip eh." sabi ni Ella.
"Para kasing totoo. Sa lahat ng libro ni Bobitang Manunulat parang yun kasi ang pinakarealistic. Kung ilarawan nya ang batang lalaki at ang mga pangyayari ay para talagang nangyari ang lahat ng kinukwento nya." sabi pa ni mama Letty.
"Totoong nangyari sayo yun. Tama ba ako Kath?" tanong ni Ella.
"Hindi ko po alam kung nangyari nga po sakin yun. Di po ba sinabi ko sa inyo na nawala ang alaala ko. Nung time na sinusulat ko po ito ay yun yung time na araw araw ko siyang napapanaginipan." paliwanag ko.
"Teka nga bakit nandito ka? Nangangapit bahay ka na naman. Alam ko na nag away na naman kayo ni Gabriel noh." natatawang biro ni mama Letty.
"Naiinis po kasi ako kay Gabriel. Isinama ba naman yung isang libro ni Bobitang Manunulat sa mga libro na dinonate nya sa ospital." nakasimangot na sabi ni Ella.
"Dinonate naman pala eh. Huwag kang mag alala bibigyan na lang kita." sabi ko.
"Hindi yun libro. Kaya ko naman bumili ng libro mo ulit. Sakatunayan nga bumili na ako at nandito ako para magpapirma sayo." sabi sakin ni Ella. Kinuha ko ang libro at ballpen at saka pinirmahan ito.
BINABASA MO ANG
It's Always been You (on going)
RomancePaano kung ang kasama mo ay maling tao pala para sayo. Ano ang gagawin mo? Paano kung may matinding lihim na mabubunyag. Matatanggap mo ba agad ito? Yan ang nararamdaman ni Miguel Dela Torre o Migs for short. Natagpuan nya ang babae na sobra nyang k...